1 | How They Met

4.4K 60 6
                                    

Chapter 1: How They Met

WENSH'S POV -

Papunta kami ngayon sa SJ Arena para manood ng volleyball game between USTe and NU. Ito kasing si Kim, pinilit ako. Para daw may makasama syang magcheer kay Mela nya. Dati naman okay lang sya na mag-isa pumunta. Hindi tuloy ako makapagreview ngayon.

KIM: Ate Wensh, dun tayo sa gitna.

Sumunod na lang ako. Sabit lang naman ako dito. Pagkatapos ng game, sila na uli ni Mela ang magkasama. Pfft.

Dun kami umupo sa gitna. Madami din taong nanonood. Buti na lang nakasiksik pa kami sa gitna. Actually, lumipat pa nga ng upuan yung dalawang original na nakaupo dito para sa amin. Namukhaan kami eh. Grabe na nga itong get-up ko. Nag-shades na ko kahit umuulan sa labas. Hahaha.

Nagsimula na yung laro. Dumadagundong yata ang arena. Feel na feel ko yung vibration dahil sa sigaw ng fans. Ganito pala yung feeling na kasama ka sa mga nagchi-cheer para sa isang team. Ngayon ko lang nalaman.

Sa kalagitnaan ng game, biglang may dumating na iba pang manonood. Nakisiksik pa dito sa gitna. Dito pa yata sa mga bakanteng upuan sa tabi ko sila balak umupo.

"Leche!" Napasigaw ako. Pucha naman! Ang lamig. Napatayo ako. "Ano ba?!"

Napatayo din si Kim. Ikaw ba naman ang mabuhusan ng Coke sa mukha at matapunan ng chichirya, matutuwa ka?! Bwisit. Pati shades at celphone ko nabasa. Malagkit na.

"Sorry. Sorry, miss!" Pinunasan nya yung mukha ko, yung braso ko at muntik pang lumapit din sa dibdib ko. Bastos! Nasampal ko nga.

KIM: Ate Wensh, punta na lang muna tayo sa CR. Ihihiram kita ng damit kay Mela mamaya.

Nagmadali kaming pumunta sa CR. Nakakahiya nga. Pinagtitinginan pa kami ni Kim habang dumadaan. Ugh. Kainis yung lalaking yun. Hindi nag-iingat.

Nakakaguilty tuloy. Hindi makapanood ng game si Kimmy dahil sakin.

WENSH: Kimang, manood ka na dun. Okay na ko dito. Hintayin ko na lang sina Mela na matapos. Ihiram mo muna ko ng damit ha.

KIM: Sige, Ate Wensh. Pasensya ka na ha. Hindi ko naman alam na mangyayari to. Nasira ko pa ang araw mo.

WENSH: Sus. Okay lang. Minsan ka lang naman magpasama. Balik na dun.

Umalis na si Kim. Naghintay ako sa may bench malapit sa dugout ng Lady Tigresses. Nanlalagkit na ako Pwe! Amoy Coke na amoy Mang Juan. Nakakainis talaga.

Tinext ko na lang si Mika para magpasundo after the game. Okay na naman si Kimmy na kasama ang Tigresses mamaya.

To: Mika Reyes

Yeye! Sunduin mo ko mamaya after the game. Emergency lang.

Sana mabasa nya. Kundi magko-commute ako nang ganito kalagkit at amoy Mang Juan.

From: Mika Reyes

Okay, Ate Wensh. Just text me if dapat na kong pumunta.

Kahit kailan, maaasahan talaga itong si Yeye. Buti na lang may sasakyan na to at marunong na magdrive. Dinaig pa ko. Well ... I know how to drive pero walang car at dapat ako lang ang sakay para sigurado. XD

Thirty minutes pa ang lumipas bago natapos ang game. Promise. Lagkit na lagkit at diring-diri na ako sa sarili ko. Pati nga pala yung buhok ko malagkit na. Baka langgamin na ko dito.

MELA: Oh, Ate Wensh. Anyare sayo?

Salamat naman at natapos din sila!!!

WENSH: Hi, Mela. Hindi pa ba kayo nagkikita ni Kim?

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon