Chapter 13: Unanswered
WENSH'S POV -
Lampas na ng curfew time pero ayaw ko pa rin umuwi. Apat na oras kaming nagroadtrip nina Jeric at Kevin. Nakarating kami hanggang Batangas and bumalik kami agad to Manila. Ang gastos siguro nito. Sa gas pa lang, ang mahal na. Tsk.
Habang nagdadrive si Kevin, kumakain din ng tinira naming pizza for him. Katatapos lang namin magligpit ni Jeric ng pinagkainan namin at ngayon ay naglatag sya ng hihigaan namin habang patuloy pa rin ang roadtrip.
Ang ganda ng kalangitan ngayon. Ang daming stars tapos ang lamig-lamig pa. Feel na feel ko itong roadtrip na to. Super! Oo na, first time ko. But this is like the best first roadtrip! Continuous pa rin yung pagpe-play ng playlist na ginawa ni Jeric para sakin dahil sabi ko i-repeat na lang namin nang i-repeat hanggang makabalik kami. Ang gaganda ng songs. I've never heard yung ibang kanta but I love it. I just wonder if he's trying to make me understand his feelings for me through these songs. Kasi parang yun yung gusto nyang iparating sakin, hindi nya lang masabi. Tapos si Kevin naman, kulang na lang ipagsiksikan sa kokote ko na dedicated lahat ng kantang yun sakin.
WENSH: Hindi ka hihiga?
JERIC: Okay lang ba tumabi?
WENSH: Of course. Hindi ka naman pwede sa ilalim ng sasakyan. (chuckles)
Tig-isa kami ng unan at umiga si Jeric sa tabi ko. Parehas kaming nakatingin sa kalangitan.
JERIC: Nag-enjoy ka ba?
WENSH: Oo naman. Thank you.
JERIC: Wala naman yun. Gusto ko lang maging masaya ka.
WENSH: Masaya ako.
JERIC: Mas masaya ako.
Naiinis ako sa mga tingin nya sakin. Yung tingin na sobrang nakakapanlambot sa sobrang kilig at saya. He's never looked at me that way before and it makes me think kung deserving ba ko para tignan nang ganun. It's just too good.
JERIC: Wensh?
WENSH: Hmm?
JERIC: Can I ask you a favor?
WENSH: Basta kaya ko.
JERIC: Payagan mo kong yakapin kita. Kahit ngayon lang. Kahit ito na yung last.
Ang sincere ng boses nya. Bakiiiiiiit?! Ang pangit naman dati ng boses nya ah. Anong nangyari? Bakit biglang naging sweet at malambing at nakaka ... nevermind. Tumabi ako sa kanya at humiga sa braso nya. Naramdaman ko na lang na niyayakap nya ko nang mahigpit and he kissed the top of my head. Kung pwede lang, dun na ko sa yakap nya forever. Niyakap ko din sya, in return. Gusto ko naman talaga syang yakapin pero kanina ko pang pinipigilan ang sarili ko.
KEVIN: Hoy! Wag kayong gagawa ng kababalaghan dyan ha!
JERIC: Aish. Panira ng moment. >___<
KEVIN: Anong panira ng moment? Anong ginagawa nyo dyan? (lumingon sa JerWensh)
WENSH: Baliw ka, Ferrer. Magfocus ka sa pagdadrive dyan. Baka mabangga pa tayo.
KEVIN: Basta ha! Kayong dalawa dyan, behave lang.
WENSH: Opo, itay.
BINABASA MO ANG
Serendipity
FanfictionSerendipity: 1. "fortuitous happenstance" or "pleasant surprise" 2. an aptitude for making desirable discoveries by accident. 3. good fortune; luck