Wala ng next chapter. HAHAHA.
Ang saya ko. Natapos ko na din itong fanfic na 'to. Madami akong ginawang alternate ending pero ito ang pinakanagustuhan ko at sana nagustuhan nyo din. Kung hindi naman ... okay. Nakikibasa lang kayo. Hahaha. Joke lang. Peace tayo. :D Yung iba kasing ending na ginawa ko either may namatay, unhappy ending, mas bitin or walang kwenta. X) Pasensya na kung nakakadisappoint. Di naman ako magaling na writer eh. At second time ko magpost ng story ko sa wattpad. :)
So, anyway, salamat sa lahat ng nagbasa, nag-vote at nagcomment. Really appreciate it. :) THANK YOU!
Ito nga pala ang explanation ko tungkol dun sa last four chapters (Chapters 15, 16, 17 & 17.5).
Chapter 15 - Hindi natapos ang chapter na yun. Sadya po talagang ganun. POV kasi ni Wensh yun at syempre, naaksidente sya kaya hindi na natapos. :)
Chapter 16 - That whole chapter is Wensh's dream when she was in coma. Yung "Please, don't go." at "Wensh, mahal kita." ay sinabi talaga ni Jeric while she's in coma. Plus, duh, PSL. Wala si Mich nung first game nila sa PSL. Tapos napansin nyo ba, hindi ko binabanggit yung pangalan ng team at ng ibang players. Ang sinama ko lang sa chapter na former LS ay si Cha and Paneng dahil kilala nya yun even before. Yung throwback scenes naman - alam nyo yung moment na parang mamatay na yung tao? May nabasa kasi ako dati na when we're about to die, nagfaflashback daw yung ilan sa moments ng buhay natin. So ayuun, it's just my creative way of writing a flashback. Kaya di ba sa next chapter, nag-aagaw buhay si Wensh? Ang boring kasi kung icocopy-paste ko lang. I mean, nagcopy-paste ako sa previous chaps ko pero nag-effort naman ako magchange characters. XD
Chapter 17 - May clues dyan regarding dun sa "act" na pinagawa ni Jeric sa kanila. Like this: Nagkatinginan silang lahat at para bang may sinasabi yung mga tingin nila … hanggang sa nag-nod si Aby at nag-focus na lang ulit sila kay Wensh. And ito pa: ABY: No! Stick to the plan. Make something up kung kinakailangan. At ito paaaa: Bago pumasok ang sunod na batch, kinausap muna sila sandali ni Aby ... || Pero hindi naman lahat ng sinabi nila ay hindi totoo. May mga totoo pa rin dun. Like nung nag-3peat sila. (This chapter is less than two weeks after ng championship.) So on and so forth ... || Tsaka, obvious naman na di pa ending yun no! Walang A/N. Ano yun, bigla na lang ako nang-iwan sa ere? XD
Chapter 17.5 - The end na talaga yun. Wala na. HAHAHA. Alam nyo na naman siguro ang sagot ni Wensh. Kayo na magdugtong sa imagination nyo. :>
Book 2? Hmm. Siguro wala muna. May isa pa kasi akong tinatapos na fanfic. Yung "Stuck in Love". I need to finish that first bago magpost ng panibago. Kawawa naman readers ko dun. Hihi. Pero baka gumawa ako ng JerWensh one-shots. "Baka" lang.
So, once again, thank you for reading. Tapos na ang fanfic na 'to wala pa rin nangyayari sa JerWensh reality. Lol. What do I expect. Di pa nga sila magkakilala. Leshe. :)) Pero hayaan na, maybe in the future, magse-sail din ang JerWensh ship natin. XD
~ Jaye

BINABASA MO ANG
Serendipity
FanfictionSerendipity: 1. "fortuitous happenstance" or "pleasant surprise" 2. an aptitude for making desirable discoveries by accident. 3. good fortune; luck