Chapter 3: Friends? Friends.
JERIC'S POV -
Isang linggo na rin ang nakalipas matapos yung incident sa SJ Arena. Buti na lang namatay na yung issue na yun. Nakakahiya na kasi. Pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko pati ng professors ko. Asar!
Limang araw naman yung nakalipas nung suntukin ako ni Shades.
Hindi kami nag-uusap at wala yata syang balak kausapin ako. Si Mela kasi pinagpipilitan pa na mag-sorry ako. Yan tuloy! Dalawang beses na kong napaghintay sa wala. Gumaganti lang siguro talaga yun sakin.
"Kuya, magsorry ka na please! Yung tunay na sorry. Hindi na kasi sinasamahan ni Ate Wensh si Kimmy papunta dito. Sya pa naman yung madalas na free sa kanila." Pangungulit na naman ni Mela: day 3!
JERIC: Magsosorry na naman dapat ako kaya lang hindi naman nya ko sinisipot. Tinetext mo ba? Baka naman hindi mo tinetext kaya hindi sumisipot. Tsss.
MELA: Tinetext ko naman. Ikaw na lang kaya magtext para malaman ni Ate Wensh na totoo. Gawin mong sincere ha! Pektusan kita pag lalong nagalit yun. Baka ipasunog nun ang USTe. Hahaha!
JERIC: Subukan lang nya. Tsk.
Kinuha ni Mela yung phone ko at sinave yung number ni Shades.
MELA: Itext mo na dali!
JERIC: Excited lang?
MELA: Aish. Sige na!
To: Wensh
Shades! Free ka ba today? Meet tayo sa Starbucks MOA. PLEASE.
"Oh! Sent na! Nag-please na ko ha. Pag hindi yan pumunta, hindi ko na kasalanan."
"Sige, sige. Salamat, Kuya!" Imbes na guluhin nya yung buhok ko, sinabunutan na lang ako. Ang liit kasi. Psssh.
"Pano pag hindi nagreply?"
"Magrereply yan!" Sabi ni Mela pagkatapos umalis na sya. Ako naman naiwang nakaupo dito sa may hagdan.
From: Wensh
Anong kailangan mo?!
Taray talaga. Kahit sa text ang taray taray ng dating. Mapalitan nga ng contact name.
To: Shades
Ikaw. Magsosorry na sana ko. Please?
From: Shades
Ayaw kong makipagkita sayo. Mamaya kung ano pang maitapon mo sakin.
To: Shades
Susunduin kita sa may gate ng DLSU. Now.
Makulit din pala itong babaeng to. Humanda sya sakin ngayon. Papantayan ko ang kakulitan at kasungitan nito.
At gaya nga ng sinabi ko, susunduin ko sya sa may gate ng La Salle. Pero thirty minutes na, hindi pa rin sya lumalabas. I tried calling her pero hindi sumasagot. Naka-23 messages na rin ako pero wala man lang kahit isang reply. I tried twitter pero hindi din nagrereply. Aish. Bawal pa naman magpark dito. Ugggh. >.<
BINABASA MO ANG
Serendipity
FanficSerendipity: 1. "fortuitous happenstance" or "pleasant surprise" 2. an aptitude for making desirable discoveries by accident. 3. good fortune; luck