5 | Drinking the Pain Away

2.8K 55 4
                                    

Chapter 5: Drinking the Pain Away

JERIC'S POV -

Tinawag ko si Mela at kinausap ko muna nang masinsinan. Wahaha! Parang super secret naman ng pag-uusapan namin. May itatanong lang naman ako.

JERIC: Melapot, bakit nandito din sila?

MELA: Sino?

JERIC: Lady Spikers.

MELA: Ah. Di ba Lady Spiker yung girlfriend ni Forts? Ano ka ba?! Makakalimutin ka talaga, kuya.

JERIC: Sinong girlfriend? [Seryoso. Clueless ako dito.]

MELA: Si Carol Cerveza. Ano ba? Di ba sinabi na ni Forts yan sa inyo kanina?

JERIC: Wala ako kanina sa dorm. Kasama ko si Wensh sa MOA.

MELA: (ngumiti ng pang-asar) Yieee! Nag-date sila. :""D

JERIC: Nako. Bumalik ka na nga dun bata ka.

Tinulak ko sya papunta dun sa sala para balikan yung volleybelles na nagkakasiyahan dun.

Kung yung mga babae nasa sala, kami naman nandito sa may dining room. Si Kevin, walang katapusan sa pagkain. Sana naman tumaba na din itong patpat na ito. Tumatangkad lang lagi pero hindi naman lumalapad. Busy naman si Forts sa pag-aasikaso ng ibang bisita kaya naman kami-kami muna ang nagkasiyahan dito.

Umiinom kami pero yung mga light lang. Mapapagalitan kami ni Coach Pido pag nalaman ito. Pero matigas talaga ang ulo namin. XD

At speaking of umiinom, si Wensh umiinom pa rin. Nakita ko anim na bote na yung nainom nya pero nakalagay lahat sa itim na baso pag umiinom sya para hindi halata. Pag pinatawid ko to sa alambre, for sure bibitinan nya lang yun. Mukhang suicidal. Kanina naman ayos na ayos pa sya.

KEVIN: Pre, sinong tinitignan mo dyan?

Umiling ako at uminom.

KEVIN: Sus. Wala daw. Sino dyan yung Wensh Tiu? Yung nanampal sayo. Bilis! Ituro mo sakin! Pasasalamatan ko. (inuyog si Jeric)

JERIC: Nandun sa may hagdan.

KEVIN: Yung naka-hoodie ng La Salle?

Tumango ako.

Tapos maya-maya nakita ko na lang si Kevin na on the way papunta kay Wensh at tumabi pa sa kanya sa may hagdan. Nag-shake hands at nag-usap. Tumawa si Wensh nung tinuro ako ni Kevin. Ano na namang sinasabi nito tungkol sakin?!

Five minutes pa lang pero close na close na yung dalawa. Kung makadikit itong si Kevin kay Wensh akala mo ... Aish! May paakbay-akbay pang nalalaman. Si Wensh naman tumatawa pa sa mga sinasabi ni Kevin.

"Puntahan mo. Bawiin mo kay Kevin. Lagot ka. Baka maunahan ka nyan." May bumulong sakin. Lumingon ako. Si Forts pala.

"Tumahimik ka nga. Kung anu-anong pinagsasasabi mo dyan." Inis kong reply sa kanya. Tumingin ako dun sa ka-holding hands nya. "Ikaw si Carol, di ba?"

CAROL: Oo. Parang di mo pa ko nakita sa dorm namin, Kuya Jeric.

JERIC: Ah. Pasensya na. Hindi ko kasi alam na girlfriend ka ni Forts.

FORTS: Kanina ko lang sinabi sa lahat. Hindi na kita hinintay. Ano ka special?! :P

JERIC: Madaya. (nakipagshake hands kay Carol) Nice to meet you, girlfriend ni Forts.

CAROL: Nice to meet you, friend ni Forts.

FORTS: Bro, dun muna kami sa labas ha. Nandun din nga pala yung team. Nagvivideoke.

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon