Chapter 4: Unofficial Official Break-up
WENSH’S POV –
Pagkadating ko sa dorm, nakatingin silang lahat sakin na para bang guilty ako sa krimen. Wala naman akong pinapatay. Ano bang nangyayari? Painosente na lang akong dumaan sa sala at didiretso na sana sa taas pero hinarangan ako ng Taft Tower at G-Force. Kung iliteral ko na kaya yung TIUnami at itulak ko sila? Hahaha. Bad. -_-
WENSH: Bakit? May namiss ba akong meeting?
ABY: Kami yata meron.
MICH: Bakit mo kasama si Teng?
LISS: Anong ginawa nyo?
CYD: San kayo galing?
Jeskelerd. Kailan ko pa naging magulang ang mga ito? Natalo pa ang nanay at tatay ko sa pagtatanong. Kaloka. Kulang na lang magkaron sila ng beater bat at latigo. Parang batang pasaway lang ako. XD
Nung hindi ako sumagot (dahil hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot), sunod naman nagtanong si Tiu II.
JUSTINE: Wala na ba kayo ni Kuya Robin?
WENSH: Wala na.
Madalian kong sinagot. There’s no point in lying. :3
LISS: WHAT?! Kailan pa? :O
KAMBAL: Oh my God. Seryoso?!
ARA: Bakit hindi kami nainform, Ate?!
WENSH: Wala naman kasing nangyaring formal break-up. Basta na lang nawala.
CAROL: Oh? Bakit? Anong nangyari, Ate Wenshy?!
WENSH: I saw him kanina sa Starbucks tapos ayun. Wala na.
MIKA: Ano to? Nagkita lang kayo tapos nagkatinginan tapos wala na?
CIENNE: Nagkausap nang eye-to-eye? Matinde!
CAMS: Telepathy?!
Sasabihin ko ba sa kanila ang totoo? Baka kasi sugudin ng mga to si Robin sa NU. Mang-aaway talaga sila pag nalaman nila. Lalong lalo na ang bullies. Wala pa naman silang pakialam sa reputasyon nila basta alam nilang tama sila, go lang nang go!
“Look oh.” Bigla namang sabi ni Cams. Kaya naghuddle kami at nagsiksikan para tignan kung ano yung nasa phone nya.
@BasketballDonya: Spotted! @jericteng & @JWenshTiu <3 (with picture ni Jeric at Wensh na magkayakap sa hagdan)
@VolleyballDonya: @BasketballDonya I saw them too! (with picture ni Jeric at Wensh na nag-uusap)
@TIUnami17: OMG Paano na si fafa @nibors11 ?
@WenshTiu17: Baka naman friends lang sila?
@RobWensh1117: Baka naging shoulder to cry on lang, guys. Parang bagong iyak si @JWenshTiu dyan.
@tenglovers: Pero bet ko silang dalawa, if ever. Bagay!
@tengsanity: Bagay naman sila oh. ;)
@RobWenshShipper: Huhuhu. My #RobWensh heart!!! <///3
Pero ang pasabog ay yung bagong tweet ni Robin.
@nibors11: No official breakup happened then there’s already somebody new? Wow!
“What the … ?!” Napasigaw ako. Ang kapal ng mukha nitong bwisit na to!

BINABASA MO ANG
Serendipity
FanfictionSerendipity: 1. "fortuitous happenstance" or "pleasant surprise" 2. an aptitude for making desirable discoveries by accident. 3. good fortune; luck