Unang kabanata

12 0 0
                                    

Unang Kabanata

Mainit ang sikat ng araw, kahit na maraming mga puno sa paligid ang sikat ng araw pa rin ang nagpapa-alala sa akin na nasa isang totoong mundo pa rin ako. Hindi pa rin naiiba ang Glaru sa mundo sa labas liban na lang sa mga bagay na maririnig dito sa loob. Maraming pagsabog, sigawan, mga nasusunog na puno, mga halimaw na sumisigaw at ang pinakakakaiba ay ang mga lumulutang na information.

"Pwede mo bang sabihin sa akin ang dapat kong gawin ngayon?" tanong ko sa anghel na tagapayo. Itinuturing syang isa sa mga halimaw na narito.

"Madali lang yan. Ang una mong ginawa ay ang pumili ng halimaw. Isa ako sa isang daang halimaw na may taong kapareha. Ikaw ang aking veassel at lahat ng manlalaro ay magiging veassel kaya may isang daan ka ring halimaw na kakalabanin. Makakakita ka ng ilang sandata sa bawat lugar. Bibihira lang magpapakita sa isang araw ang isang item at papalit palit din ang mga lugar na pagpapakitan ng bawat Item.

Limang item pa lang ang nakikita sa loob ng isang bwan ng magsimula ang no.45 na labanan. Di tulad noon, marami ang mga item pero dahil sa hindi pag-iingat, sa loob ng 45 years bumaba ang item sa 78 at patuloy iyong nauubos lalo na ang mga bomba at trap.

Nasa iyo kung makikipagkaibigan ka sa ibang tao o magsosolo sa labanang ito, sa bawat isang linggo may isang araw na walang patayan at nagkataong ang araw na ito kung kenlan ka pumasok ang araw na iyon. May pagkakataon kang makahanap ng pwesto na aayon sa nais mong pagpahingahan ngayong araw.

Gayon pa man, sa mga nakita mong pagsabog at ilang sunog masasabi kong may sumuway sa utos ng pahingang araw kaya nasunog ang taong iyon o nasabugan dahil sa kanyang pagsuway kasama ng kanyang napiling halimaw. Sa larong ito ng Glaru, kailangan mong maging matalino at limitado ang lahat liban sa sarili mong kakayahan.

Good Luck sa'yo and let's the games. Begin."

"Salamat Cas—" di ko na naituloy ang pagbanggit ko ng pangalan nya dahil biglang may lumabas na batang lalaki mula sa isang makapal na damuhan sa may kanan ko. Nakasuot sya ng dilaw na round neck shirt at brown na shorts. Napansin ko rin na may kadena syang suot sya shorts nya nakakonekta sa sinturera at kanang bulsa nya. Hindi kalakihan hindi rin naman kaliitan ang kadenang iyon. Napakainosente ng mukha nya at ang ganda nyang bata. Nasa pitong taong gulang siguro sya ngayon at di maikakailang nagulat din sya ng makita nya ako.

Sandali syang umatras pero napa-abante din ng may narinig syang kaluskos sa direksyong pinaggalingan nya kanina

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sandali syang umatras pero napa-abante din ng may narinig syang kaluskos sa direksyong pinaggalingan nya kanina. Sabay naming hinitay kung sinong lalabas doon at ilang sandali pa'y isang lalaking malaki ang pangangatawan at may nakakatakot na mukha ang lumabas mula doon. Nakita kong may kulay green na lumabas sa itaas ng ulo nya. Isang pangyayaring hindi ko inaasahan sa larong ito sa Glaru. Nakalagay sa sulat ang pangalan ng veassel ganoon na rin ang halimaw na tinatawag na Franxin. Isang klase ng high class hybrid ng Aswang at Kapre. Tingin ko yung Franxin ang pangalan ng deamon na ito at naguguluhan man ako dahil tao ang lahat ng mga veassel, may ngiti sa labi ang taong ito na parang nais pumatay.

Lost Game (Taglish MalexMale) 2016Where stories live. Discover now