Ikalwang Kabanata

6 0 0
                                    

Ikalwang Kabanata


Hindi ako mapakali ng gabing iyon dahil parang may mali akong nararamdaman sa pag-alis ng lalaking nakasama namin ngayong araw. May kung anong kalungkutan ang namayani sa puso ko sa pagtakbo niya kanina pero hindi ko siya sinundan dahil ayaw ni Visha, pinigilan niya ako dahil iyon daw ang makakabuti para sa akin at kahit na hindi ko maintindihan kung bakit, sinunod ko ang sinabi niya. Labag man sa kalooban ko, hindi na lang ako umalis sa pagkakaupo ko sa pwestong iyon. Tumititig na lang ako sa mga bituwin sa kalangitan na para bang may inaasam mula roon habang nakaunan sa hita ko si Neil at mahimbig na natutulog.

Pwede ba kitang makausap? Tanong ko kay Castiel habang nakatingin pa rin ako sa kalangitan.

"Limitado lang ang masasabi ko sa'yo, Ikiros." Sagot naman niya na ikinangiwi ng labi ko. Oo nga't hindi pa rin ako sanay sa pangalang Kiros pero kailangan kong masanay doon at ang patawag sa akin ni Castiel sa pangalang malambing na ibinubulong sa akin ng aking mahal ay hindi nakakatulong sa ganitong pagkakataon.

Gusto ko lang malaman kung bakit ayaw mong habulin ko siya?

"Dahil kalaban siya. Kahit na walang nakalagay na halimaw sa kanyang ulo, hindi ibig sabihin noong wala talaga siyang halimaw na kasama."

Napakagat ako ng labi ko sa sinabi niyang iyon. Hindi ko pa rin maisip kung paano mangyayari ang ganoong klaseng pagtatago sa sariling halimaw at tingin ko hindi iyon posible kaya gusto ko sanang tanungin si Castiel pero naunahan niya akong sagutin.

"May isang item na nakakapagtago ng impormasyon higit pa sa pagbabagong maaaring gamitin ng isang manlalaro."

Hindi na ako nagtanong pa ng ukol doon, marami ang mga item, iyon ang sabi nila sa akin pero sa paglipas ng panahon, nawala na ang karamihan sa mga iyon at ngayong ika-apatnapu't limang taon ng palaro ng Glaru, iilan na lamang ang mga nagtatagong item. Minsan naiisip kong kung sakali kayang maubos ang mga item, matatapos na ang palarong ito at hindi na magiging sakim ang mga tao sa aming mundo.

Pero higit kanino man, ako ang may alam na hindi ang mga tao ang siyang pumipili ng kanilang tadhana kundi ang mga halimaw sa bawat taong lumilipas. Ginamit ng mga halimaw ang mga scroll na mayroong kanilang simbolo at kahit na anong mangyari, pupunta at pupunta pa rin ang taong iyon sa lugar na ito para sa katapusan ng buhay ng halimaw na iyon.

Castiel, bakit gusto mong mamatay?

Iyon ang naitanong ko matapos kong makakita ng bulalakaw sa kalangitan.

"Para sa mga kapatid kong pinagtaksilan ko." Kumunot ang noo ko doon dahil naramdaman kong parang may gumugolo sa isipan ko at ganoon din sa isipan ni Castiel ng makita namin ang bulalakaw kanina.

Hindi lang rin naman siguro si Lucifer ang sumalungat sa panginoon at ngayon, isa nga daw si Castiel sa mga sumalungat at nagsisi siya ngayon sa pamamagitan ng laro ng Glaru para sa katapusan ng kaniyang buhay.

"Pero pipilitin kong manalo sa taong ito para sa iyo. At sa susunod na taon ko hihilingin sa'yo na patayin ako."

Napakagat ako ng labi ko. Alam kong ito ang kailangan ni Castiel pero ang kailangan ko ay makasama ang taong kinasasabikan ng aking puso, at ang nais ng aking ina na kailangan kong makuha. Gusto kong alalahanin ang mukha ng aking mahal subalit mayroon sa aking isipan na tanging mga labi lang niya ang aking nakikita sa aking ala-ala.

Napabuga ako ng hangin ng maisip ko ang leeg ng aking mahal, ang balbas nitong kay sarap hawakan, ang malambot nitong balat at ang dahan-dahan nitong paghinga sa bawat paghalik ko sa kaniya. Gusto ko muli siyang maramdaman sa loob ko habang nararamdaman kong nagugustuhan niya ang bawat galaw ko sa ibabaw niya. Pero kahit anong isip ko, hindi ko na matandaan pa ang mukha niya.

Lost Game (Taglish MalexMale) 2016Where stories live. Discover now