Ika-anim na kabanata

3 0 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ika-Anim na Kabanata

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ika-Anim na Kabanata

Nasa isang malaking itim na lugar kami, hindi ko masabi kung bilog ba talaga ito. Para itong itim na bula na umaalon at habang tinititigan ko pa, purong itim ito na parang malagkit at kakaiba. Samantalang ang kinauupuan ko malapit kay Dest ay kayumanging lupa na lumutang sa gitna ng bilog na ito. Para itong lumutang na isla kung saan lamang kami pupuwedeng pumunta o mahinto.

Tiningnan ko pa ang paligid ng may pagtataka saka ko nakita si Roxy na nakatalikod sa amin, nakatingin sa unahan niya't doon ko napansing may maliit na telebisyon doon at ang nakikita mula doon ay tatlong walang magawang kababaihan na may mga pampasabog. Napakunot ang noo ko ng sandaling iyon lalo pa ng maramdaman ni Roxy na nakatingin din ako sa telebisyon ng hindi man lamang niya ako tinitingnan kung tunay ba akong nakatingin sa telebisyon o hindi.

"Kahit kailan talaga, hindi sila marunong sumunod sa patakaran na wala dapat pampasabog." Napakurap ako sa sinabi niyang iyon na sa telebisyon pa rin nakatingin at hindi sa akin.

"Anong nangyayari Roxy?" tanong ko naman na para sa lahat-lahat ng nangyayari. Hindi pa rin siya humarap ng tanungin ko siya kaya lumapit na ako sa kaniya at tumingin din sa tinitingnan niya.

"Glaru ito, Ikiros. Lahat maaring mangyari at isa na doon ang makahanap sila ng item na pampasabog. Naging madali kang target dahil sa akin, sinusundan na nila ako kahapon pa sa pag-aakalang nagsisinungaling ako na wala akong kapangyarihan."

Nagduda ako sa mga sinabi ni Roxane. Kita ngang wala siyang kahit anong impormasyon tungkol sa kaniyang halimaw na isang anghel daw subalit ibang klase pa rin ang kaalaman niya tungkol sa Glaru at kung ipahayag niya ang kaanyuan ng Glaru ay para itong isang tao. Hindi ko rin naman magawang itanong sa kaniya kung bakit ganito ang kilos at salita niya. Subalit wala nga ba siyang alam tungkol sa kumuha ng halimaw niya gayong marami siyang alam tungkol sa Glaru at kung hanggang saan lamang ito limitado?

Kung alam niya ang Glaru, madali niyang malalaman kung sino ang kumuha ng halimaw niya, liban na lamang kung kusa niyang ibinigay ang halimaw niya at kung tama ako sa naisip ko, nagsinugnaling siya sa akin. Ayaw ko naman siyang pagdudahan dahil kaibigan ko siya't higit siyang importante sa sino man subalit mayroon siyang hindi ipinapaalam sa akin gayong nangako kami sa isa't-isang walang lihim na mangyayari sa pagitan naming dalwa.

Lost Game (Taglish MalexMale) 2016Where stories live. Discover now