Ikatlong Kabanata

4 0 0
                                    

Ikatlong Kabanata

  Hindi kami lumabas sa likod ng talon hanggang sa magising si Moo. Nang magising ito'y malalim na hinga ang kaniyang ginawa na para bang binangungot siya at mukhang tama nga ako dahil ang una niyang binanggit na pangalan ay sa kaniyang asawa ng hindi man lang siya tumitingin sa akin. Akala niya siguro'y ako ang kaniyang asawa kaya ganoon na lang kapalagay ang loob niya sa akin. 

"Y, nakatulog pala ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Y, nakatulog pala ako. Pasensya na." Itinaboy niya patlikod ang kaniyang buhok at hinimas pa niya ng kaniyang daliri ang kaniyang sintido.

Ilang sandali kaming natahimik. Napatingin pa sa akin si Dest na may pagtataka at tulad niya, ganoon din naman ang nararamdaman ko. Napansin ng babae na hindi ako nagsalita kaya lumingon siya't nagulat siya ng makita niya ako, si Dest na medyo dumungaw mula sa akin para makita ng babae at ang gintong bakal na nakagapos sa kaniyang katawan. Takot ang agad na rumihistro sa mukha niya saka niya naalala ang nangyari kanina, matapos pa'y pinanlisikan niya ako ng mata at may galit na sa mga matang iyon.

"Bakit hindi niyo pa ako patayin?" galit ang babae sa akin, sa amin.

"Dahil hindi pa oras." Sagot ko naman.

"Hangal ka!" sigaw pa nito.

"Iyan nga rin ang sinasabi ko sa kaniya." Inikot muli ni Dest ang kaniyang mga mata, itinaas ang kaniyang mga kamay, ibinaba na parang sumusuko saka humalukipkip at humilig sa pader sa likod namin.

"Kung makaasta ka naman para gustong-gusto naming narito ka." Si Neil ang nagsalita habang isa siyang kadena kaya nagulat ang babae at napatyo.

"Ano iyon?!" gulat at takot ang rumihistro sa mukha niya.

Tumayo ako para tanggalin si Neil sa kaniya.

"Nahihibang ka na bang talaga? Sinabi ko na sa iyong Dyosa siya. Kailangan natin siyang igapos para hindi niya tayo paslangin!" nakatayo na rin ngayon si Dest at malaki ang galit sa akin.

Pinabayaan ko na lamang siyang maghimutok sa kaniyang kinatatayuan at inalis ko na si Neil doon.

"Mukha ngang hangal na ang ginoo." Sagot naman ni Neil ng alisin ko siya sa babae.

"Diyan sa bagay na 'yan tayo magkakasundo." Pagsang-ayon ni Dest kay Neil. Napailing na lang ako ng bahagya.

"Galit ba sila sa'yo?" manghang tanong ng babae pero di ko na iyon sinagot pa.

Naglakad ako papunta sa talon at naghilamos, naging tao na muli si Neil at pinakita ko kay Philotes ang aking tunay na katauhan, tanging sa kaniya lamang.

"Bakit mo ito ipinapakita sa akin? ito'y impormasyong pupwede kong gamitin para sa iyo." Ramdam ko ang titig sa akin ni Dest siguradong nagagalit nanaman siya dahil sa pagpapakita ko ng impormasyon ko sa ibang tao at hindi sa kaniya. "Pinagkakatiwalaan mo ba ako higit sa kapareha mo?" tanong niyang muli na hindi ko rin sinagot.

Lost Game (Taglish MalexMale) 2016Where stories live. Discover now