Ika-apat na Kabanata

6 0 0
                                    

Ika-apat na Kabanata

Bumalik na kami sa talon na magkahawak ang kamay. Hindi naman niya binibitawan ang kamay ko kaya hindi ko rin siya binitawan. Para akong binatang kinikilig sa sandaling ito, pakiramdam ko'y kami na kahit pa hindi siya si Deston ay may nararamdaman pa rin ako para sa kaniya. Siguro dahil malapit ang pangalan nila sa isa't-isa o sa paraang parehas sila ng paghalukipkip. Alin man doon gusto ko ng maging mas malapit pa sa kaniya, kay Dest.

Papasok na kami ng talon ng bigla siyang mawalan ng balanse at agad ko naman siyang nasalo, may mga binubulong siya pero kaunti lang ang naintindihan ko.

"Masama pakiramdam ni... tulungan mo ko... Ik--ros." Hindi ko na inintindi pa ang sinabi niya't agad siyang binuhat papasok sa talon. May kabigatan din siya dahil na rin sa pangangatawan niya pero binalewala ko na lang iyon sa kaba ko sa nangyayari.

"Anong nangyari?" iyan ang tanong kaagad ni Moo sa akin ng maibaba ko sa may tabi niya ang natutulog na katawan ni Dest.

"Kamuntik na akong makontrol ng sirena kanina kung 'di niya ako natulungan. Sinunog siguro niya iyon sa hindi ko nalamang paraan dahil nakapikit ako. Apoy na halimaw siguro ang nakatalaga sa kaniya kaya mainitin din ang ulo niya. Ang sabi pa masama daw ang pakiramdam ng kung sino mang sinasabi niya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko." Salubong ang mga kilay ko sa sobrang kaba, bakit ganito na lamang ang kaba ko ng makita ko siyang nahilo at tuluyang nawalan ng malay kanina?

"Magiging maayos ang lahat. Pero kung gusto mong hindi na siya mahirapan, pupwede mo na siyang patayin at gawing kaparehas na lamang ang babaeng iyan." Pahayag ni Visha na hindi ko naman inisip pa.

Ayaw ko ng ideyang iyon at alam niyang ayaw ko rin noon kaya naman hindi na niya ako pinilit pang kausapin tungkol doon.

"Kilala na namin ni Philotes ang halimaw niya't isa ang halimaw niya sa pinakamalakas. Tulad mo at ng anghel na si Castiel subalit nangako kaming hindi sasabihin sa kanino man ang katauhan nilang dalawa, lalo na kung ikaw iyon Kiros patawad. At sa nakikita ni Philotes, nakasagupa rin ni..."tumigil siya sandali para tingnan ang rehestradong pangalan ni Dest sa kaniyang sariling baraso at saka muling nagsalita. "...Dest ay isa sa mga itinuturing na mga malalakas, baka nga isa pa iyong hari."

"Hari?" tanong ko naman na agad niyang tinugon.

"May isang hari ang Glaru. Sa sinabi ni Philotes, ang isang hari ang dapat hanapin ng sino mang matitira dito sa labanang ito. Mauubos ang isang daang manlalaro at ang huli niyang kakalabanin ay ang haring nagtatago. Kapag ang hari ang nanalo sa laro, magkakaroon siyang muli ng kahilingang agad matutupad at kung sakali namang mapatay siya ng isang baguhan o ang natira sa isang daan, ay iyon naman ang magiging hari. Lalaban ng paulit-ulit ang hari hanggang hindi siya namamatay at magpapatuloy ang laro sa Glaru hanggang sa masira ang lugar na ito at magkaroon ng bagong Glaru. Doon magsisimula muli ang patayan sa pagitan ng mga halimaw at mga sisidlan nila."

Hindi ko inaasahang ganoon karaming impormasyon ang nalalaman ni Moo kung totoo ang sinabi niya may posibilidad na siya ang hari dahil limitado ang naipapaliwanag ng mga halimaw sa kanilang mga sisidlan at kahit ang anghel na si Castiel ay wala ring masabi sa akin tungkol sa mundong ito, kung paano ito nabuo at kung may katapusan ba ito.

Ganoon pa man, hindi ko na tinanong pa si Moo ng kung anu-ano liban na lang sa gagawin namin kay Dest.

"Moo, anong gagawin natin para mapagaling siya?"

"Una sa lahat asawa ko lang ang pupwedeng tumawag sa akin ng ganiyan. Karina ang itawag mo sa akin, iyon ang tunay kong pangalan. Karina Elsworth. Pangalwa, wala akong impormasyon kung ano talaga ang nangyari sa kaniya. Sa ngayon ang nakikita ng mga halimaw natin at maging ng mga item ay natutulog sa madilim na lugar sina Dest at ang kaniyang halimaw."

Lost Game (Taglish MalexMale) 2016Where stories live. Discover now