X1
2:03 in the morningNagising ako sa hindi inaasahang oras. Sa hindi inaasahang pagkakataon pero sa isang inaasahanv dahilan. Yun ay para ilabas muli ang mga luha at sakit na nagsusumiksik sa aking dibdib. Mga luhang pilit ko na lang itinutulog pero hindi pa din ako nagtagumpay.
Ginising na naman ako sa kalagitnaan ng gabi
Hindi para uminom
Hindi para mag cr
Hindi dahil sa isang panaginip
Kundi dahil sa damdaming labis na nagpupumilit ilabas
Ilabas sa pamamagitan ng luha
Ilabas sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga bituing nakasilip
Nag uunahan sa pagpatak
Nag uunahan sa pagbagsak
Hindi alam kung paano titigil?
Hindi alam kung kailan mapapagod.
Walang kasiguraduhan
Isang bagay na natutunan ko sa mundong ginagalawan
Lahat ay walang kasiguraduhan
Lahat nagbabago
Lahat naglalaho
Lahat umaalis
Lahat nangagako
At lahat ay napapalis
Kinuha ko ang cellphone na nasa sa aking tabi.
Umaasang lilitaw ang pangalang kanina pa isinisigaw
Ng damdaming kanina pa humihiyaw
Ngunit akoy nabigo
Nalungkot , na dismaya
Ganon na ba ako kabilis iwan?
Ganon nya lang ba kabilis itatapo ang lahat?
Wala na ba akong halaga?
Wala na bang halaga lahat ng pangakong hanggang ngayo'y pinanghahawakan?
Bumangon ako para makahinga
Bumangon para hindi na muling maiyak
Ngunit hindi ko na napigilan
At sumabog ang kanina ko pa pinipigilan.
Napatingin ako sa buwan na nasa itaas.
Katulad ng buhay ko, patuloy pa rin ito sa pagliwanag, sa pagbibigay ng ilaw mula sa malamig na gabi ng kadiliman. Oo, patuloy ako sa pagliwanag pero hindi na ganoon kalakas, hindi na ganoon ka ganda dahil sa bagyo ng tadhana. Dahil sa luha at mga problema. Para akong Isang buwan na matamlay sa gitna ng bagyo ng luha at problema.
Pumikit ako habang patuloy pa din sa pagluha at paghikbi
Huminga ng malalim
Humiling...
Na sana
Maibalik yung dati...Sa Simula...
At kung paano nagtapos ang lahat.
YOU ARE READING
Diary Ng Broken Hearted
Teen FictionIf you are reading this book right now... I know something in your heart still finding an answer to an unanswerable question. All questions that came from your heart is constant. A constant feeling wherein million people felt right now A feeling o...