Almost one hour na lang at magsisimula na ang party ni Ate Catnisse.
Dala ko na din ang cupcakes na pinapadala ni mommy para kay ate Catnisse. Hindi pa din ako makamove on sa mga advices at words of wisdom sakin kanina ni mommy. Patuloy pa din sa pagpasok sa isip ko yung mga salita na sinabi ni mommy. Na dapat daw kalimutan ko na lang ang lahat at ibalik ang dating ako.
Pero hindi naman kasi ganon kabilis ibalik yung piraso ng sarili mo noon lalo na kung wagas itong sinira ng taong sobra mong minahal.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa mapag isip isip ko kung anong regalo ang bibilhin. ko para kay Ate Catnisse. Ano nga ba?
Nagpatuloy naman ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang shop na nagtitinda ng bags and dresses.
Pumasok ako sa loob at tumingin tingin sa mga bags na nandoon. Hmm... Medyo mahal sya sa inaasahan ko huh. Baka hindi magkasya ang budget ko para dito.
Nakita ko ang isang blue leather shoulder bag na naka display sa left side ng mga shop. Simple lang ito at alam kong magugustuhan ito ni ate Catnisse dahil favorite color nya ang blue.
Lumapit naman ako sa bag at tiningnan kung magkano ito.
"Yes maam? Last na po namin yan! Marami po talagang nag a avail ng bag na yan so If I were you maam bibilhin ko na po iyan. Youre too lucky po para makuha at mag end sa mga kaang last stock ng model na yan! Sobrang worth it po nung 3000 pesos money nyo dito sa bag na itooo!"
Nakangiti sya sa akin habang pinupush akong bilhin ang blue bag na nasa harap namin ngayon.
Ang galing din ng marketing strategy ni ate e. Hindi ko pa nga sure kung kasya ang perang nandito sa wallet ko e eto syang parang siguradong siguradong mabibili ko talaga ang bag.
Tiningnan ko kung magkakasya ba ang pera ko para dito pero nabigo ako. Kulang pa din ito ng 500 pesos but I have an extra money here na pambili ko sana ng bagong shoes ay gagamitin ko na lang muna. I have to consider first kung ano ang nasa present before anything. And based naman sa nakikita ko at sa convincing power nito ni ateng sales lady ay mukhang worth it naman talaga ang ibabayad ko.
Nako. Maureen.Ang bilis bilis mo talaga mahulog sa mga salita!-hys. Pati ba naman sa pamimili humuhugot ka pa din. Hindi naman lalaki ung nag coconvince sayo e babae so stop acting na Maureen!
"Hmm sige po. I will get this bag!"
Sambit ko kay ateng sales lady.
"Ok po maam. Sa inyo na po ang last stock ng best seller naming bag! " ngumiti pa si ateng salws lady sa akin bago kinuha yung bag.
Dinala nya naman ito sa counter at doon ko na din binayaran. After kong magbayad ay napatingin ako kay ateng sales lady na nakangiti pa din hanggang ngayon pero nahalata ko naman na panay ang tukod nya sa mga tuhod nya. Sigurado napapagod na sya? Pero bakit ganon? Hindi ko mahalata sa kanya. She still smiles despite of everything? How can she even hide her true feelings and change into something na hindi naman totoo para lang sa isang tao or para lng sa isang bagay? Siguro ganon talaga. Kapag mahal mo ang ginagawa mo, kapag may pinag aalayan ka sa lahat ng sacrifices na ginagawa mo, kahit gaano pa siguro kahirap ay kakayanin mo pa din kasi alam mong sa huli worth it lahat ng iyon.
Hys. Napakadrama na naman ng moment ko ngayon.
Lumabas na ako ng shop at nagpasyang pumunta na sa bahay nina ate Catnisse.
After an hour nakarating din ako kina ate Catnisse and hindi pa naman ganoon ka dami ang tao ng makarating ako.
Agad naman akong sinalubong nina Mica at ate Catnisse.
"You made it Mau! Finally nakarating ka din! At finally nagkita na ulit tayo after a long time!" Bati sa akin ni ate Catnisse habang hawak hawak ang dalawa kong kamay.
"Yes ate! And you know what? Mau changed a lot! Look at her! Masyado nang stress at mukha nang fiercer ngayon? Hahahaha" sabi naman ni Mica ngayon.
Hay nako Mica! Pati ba naman mukha ko papansinin mo pa. Hindi kasi ako nakapag ayos na at alam ko naman sa sarili ko na medyo haggard na talaga ako. Nako naman Maureen! Masyado mong pinapabayaan ang sarili mo. Baka isipin nilang masyado kang naapektuhan dun sa break up nyo or nagpapabaya ka na? Hindi ba ?
" Happy Birthday ate Catnisse! Sorry if ngayon lang ako nakapunta and ngayon lang ulit tayo nagkita. Alam mo naman ung reason diba? Hahaha" sambit ko kay ate catnise na nagpingiti naman sa kanya at alam kong alam nya naman ang dahilan. And by the way, this cupcakes are for you. Pinapabigay ni mommy!" wika ko.
"Wooowww. Thank you so much for this Mau and kay tita na din. Ikamusta mo na lang ako sa knya. I really miss her!" wika ni ate Catnisse.
Pumasok na kami sa loob at doon ay nag usap na kami ni Mica dahil busy si ate catnisse sa iba pang bisita. Napag usapan lang namin kung ano yung mga nangyari kanina sa foundation pero hindi ko inaasahan na dadating ang isa pa naming classmate. Wow? Kakilala pala sya ng family nila Mica?
"Adam?"
YOU ARE READING
Diary Ng Broken Hearted
Genç KurguIf you are reading this book right now... I know something in your heart still finding an answer to an unanswerable question. All questions that came from your heart is constant. A constant feeling wherein million people felt right now A feeling o...