Haloooo guyths! Sorry ngayon Lang Nakapag update huhu Medyo hinintay ko pa kasi yung new phone ko para makapag create ulit ng new part here then Medyo madami dami din ganap kaya Hindi ko na masyadong na update huhu Pero I promise u all guys na babawi ako sa inyooooo huhu. Salamat nga pala sa pagpush sakin na mag update:)) ILY guys saka sa mga readers na patuloy na nagtitiyaga sa munting sining kooo! Hiheee.
******
Naalala ko. Sa tuwing humihinto ako sa mga grupo ng tao na nagsusugal sa tabi ng bahay namin, agad akong pinapaalis ni mama at kung hindi man, yung mga taong mismong gumagawa ng sugal ang nagpapalayo sa akin mula sa Kanila.
Hindi daw ako pwede. Masama daw ang sugal sa bata. Nakakasama daw para sa akin. Lagi akong pinapaalalahanan ni mommy noon, na huwag na huwag ako magtatapon ng isang napaka halagang bagay para Lang sayangin sa isang sugal. Para Lang sa isang bagay na walang kasiguraduhan.
Sa paulit ulit na paalala ni mommy noon sa akin.
Ang buong Akala ko natandaan ko ang lahat ng ito...
Pero bakit ganon? Hindi naman nagkulang si mommy saka yung mga grupo ng taong nagsusugal doon sa kanto namin na ilayo sa akin ang mundo ng pagpusta Pero sa Hindi maipaliwanag na kadahilanan sa buhay Kong ito. Natuto ako. Natuto ako noong nakilala kita.
Noong minahal kita.
Sa pagdaan ng panahon, nakalimot ako.
At sumugal sa isang kakaibang pustahan.
Pustahan kung saan puso ang labanan
Pustahan kung saan magtataya ka ng pag asa kahit na walang kasiguraduhan.
Pustahan kung saan ang bawat taya, hiling Ay kasiyahan. Na Sana siya ang kapalit ng aking pagpusta.
Pero hindi pala ganon...
Hindi pala palaging mananalo ka...
Paano kung wala sa akin ang alas?
Paano kung hindi mo naman pala ako mahal?
Paano ko ibibigay ang lahat ng Meron ako?
Paano ako susugal?
Kung...
Kung Hindi ko naman pala hawak ang pag ibig mong syang magpapanalo sa pustahan?
Kung sa huli, matatalo din naman ako.
Tataya pa din ba ako? Siguro sa ngayon.
Hindi na muna.
YOU ARE READING
Diary Ng Broken Hearted
Ficção AdolescenteIf you are reading this book right now... I know something in your heart still finding an answer to an unanswerable question. All questions that came from your heart is constant. A constant feeling wherein million people felt right now A feeling o...