The feeling

63 1 0
                                    

Pinaka worst feeling na siguro para sa isang human being ay yung iwan at paniwalaing lahat ng love story ends in happy ending? Kahit in a reality happy ending seems to exist often. Bakit nga ba tayo nasasaktan? Bakit nga ba tayo umaasa? Kasi nag eexpect tayo.

Ang that's the problem with us. Alam na nga natin na wala nang aasahan! Tuloy pa din ang laban! Ang daming ganyan! Yung harap harapan na yung panggagago sayo pero ikaw dinaig mo pa yung inborn blind sa pagbubulag bulagan! Na kahit alam mo nang walang kasiguraduhan yung landian nyo e ikaw itong si tangang nag invest agad nang feelings tapos sa huli, nung nagsawa na sya sa landian nyo e bigla na lng magkakaroon ng farewell speech na

" sorry pero hanggang friends lang tayo" na kung magsalita parang walang pinakitang motives na gusto ka din nya! Paasa lang talaga

or worst

"Sorry pero walang meaning para sakin lahat ng yun. Baka ikaw lang tong nagbibigay ng meaning sa lahat ng good thing na ginagawa ko sayo"  so? Ano yunnn? Kasalanan ko pa? Parang ako pa ung nag assume? Oh c'mon hindi naman kasi aasa kaming mga babae kung wala kayong pinapakitang motives na gusto nyo din kami! We dont please you at the first place na i chat kami in the morning and ask kung ok lang ba kami! Kung kumain na ba kami? Then you suddenly came para paasahin lang kami?  How could you even play our feelings? ouch baby to the nth level ang sakit!

Na kahit hindi na ok sige maniwala sa kanta ni vice ganda na push mo lng teh! Na kahit sobrang labo na e pinipilit mo pa din bigyan ng linaw ang lahat! Pero wala e. Mahal kasi natin kaya hoping tayo na pwede pa maayos ang lahat! Na pwede pang maibalik yung dati. Na pwede pang bumalik yung sya at ikaw. Tama na beshywap! Tama na sa fantasizing level mo! Gising na tayo please! Siguro nga walang tamang salitang pwedeng mag describe sa sakit ng pagkawasak! Ikaw ba naman? Sino nga ba ang hindi iiyak? Sino nga ba ang hindi masasaktan? Pakisabi naman oh. Baka pwede nya tayong turuan ng techniques sa pagiging strong. Sino? Sabihin nyoooo! Kailangan namin makalimot!

Paano nga ba matulog sa gabi ng walang iniisip?

Paano nga ba gumising sa umaga ng walang pagtatanong at galit?

Paano nga ba maging masaya na katulad ng dati?

Paano nga ba humiga sa gabi, katabi ang iyong unan ng walang paghikbi?

Paano nga ba maibabalik ang bawat piraso ng aking sarili?

Paano nga ba magmahal ng hindi nasasaktan?

Paano ba maging sapat?

Paano nga ba?

Sobrang daming tanong.

Pero alam natin nana isang ta lang ang pwedeng makasagaot.

At yun ay

Yung taong minahal natin pero nagawa pa rin tayong iwan at saktan.

Diary Ng Broken HeartedWhere stories live. Discover now