Entry#6

24 1 0
                                    

Natapos ang event ng saktong lunch time. Hindi pa din humuhupa ang saya at excitement sa mukha ng mga estudyante ng SPCBA. Mga participants na naghihintay sa mga susunod na events. Umaasang mananalo at masusuklian lahat ng efforts at pagod na binuhos nila para sa iisang goal at yun ay magkaroon ng title at manalo.

Nakaupo naman ako sa isang bench na nasa mini park. Busy pa din sina Mica. Walang pahinga mga teh? Hys. Kasipag na babae talaga nito ni Mica. Habang ako. Eto nakaupo at nagmamasid masid sa mga taong nasa paligid ko.

Kinuha ko naman ang phone ko. Umaasang may himalang darating mula sa kanya. Mula sa taong hanggang ngayon ay inaasahan ko pa din. Hindi ko na nga maintindihan yung sarili ko e. Kung bakit hanggang ngayon umaasa pa din ako? Ang dami dami kong tanong na naiisip sa tuwing nag iisa ako.

Katulad na lamang ngayon. Napapaisip na naman ako. Nag ooverthink. Sarili kong mga tanong na ako din mismo ang pilit sumasagot.

Pinikit ko ang mga mata ko para iwaksi ang mga tanong na nagsisimulang pumasok na naman sa isip ko. Huminga ako ng malalim at tumayo sa kinauupuan ko. Hindi pwedeng ganito Maureen. Hindi pwedeng nag iisa ka dito at nagiisip ng kung ano ano! Magpapaka busy na muna ako bago pa mahuli ang lahat. Bago pa ako bumalik muli sa kalungkutan.

" Mau! Are you going to ate Catnisse tonight? Magtatampo daw siya kapag hindi ka pumunta sige kaaaa! HHAHAHAHA!" pagpapaalala sakin ni Mica.

Birthday kasi later ni ate Catnisse. And knowing her magtatampo talaga yun kapag hindi ako pumunta. Sobrang dami ko na kasimg excuses na sinabi kay Ate Catnisse simula noong nag break kami ni basta. Ayoko binabanggit ang pangalan ng pinsan ni Satan! HAHAHAHA

Umalis naman si Mica nang hindi pa naririnig ang sagot ko. Naku paano ba ngayon ito? E may family dinner pa naman kami mamaya. Sana payagan ako ni mommy na umalis mamaya para naman maka attend sa birthday ni Ate Catnisse.

Bigla naman nag ring yung phone ko.

#09067*****

Hmm? Sino namang mag aabalang tumawag sakin sa mga oras na ito.

" HELLO? Who's this?"

Pagsagot ko sa tawag.

" Hey Maureen! Are you going to my party tonight? "

Familiar ang boses at base sa reason nya kung bakit sya tumawag ay nakilala ko na.

"Oh my ate Catnisse! Hmm. Magpapaalam po muna ako kay mommy. May family dinner po kasi kami mamaya and Im not sure po kung makakapunta ako. Pero I" ll tru po. I will call mom para makapag paalam!"

"Ganon ba?"

Ramdam ko naman ang dissapointment na naidulot ko kay Ate Catnisse.

" But ate catnisse, dont worry! Magpapaalam po talaga muna ako kay mommy!"

"Sige Maureen. Basta huh. Marami akong chika sayo later kung makakapunta ka! Aasa ako Mau! "

Nako ate Catnisse. Wag kang umasa HUHUHU Baka masaktan lang kitaaaaa

" Sige po ate Catnisse. See you later poooo. Basta try ko po!"

"Sige! Byeeee!"

Matapos ang conversation namin ni ate Catnisse ay agad agad na akong nagpaalam kay Mica. Uuwi na sana ako para makapag paalam na sana kay mommy. Pumayag naman sya at ok na din naman daw umuwi dahil wala na masyadong gagawin.

Nakarating ako sa bahay after an hour. Naabutan ko naman si mommy na nagba bake ng cupcakes para mamaya.

" Hi Mom!"

Nagulat naman si mommy dahil hindi nya ineexpect na maaga ako makakauwi.

"Oh maureen. I thought 6 ka pa uuwi? What happened?" tanong ni mommy

"Ah kasi mom tumawag si Ate catnisse. Yung ate ni Mica remember? She invited me to come on her party..."

"Ah. I remember Catnisse. So, kailan pala ang birthday nya?"

"Tonight po. Mommy can I skip this dinner tonight? Pwede po ba umattend muna ako sa birthday ni ate Catnisse ? "

Napatingin naman sakin si mommy.

"Pero kung ok lang po ba?"

Shacks. Ayoko masaktan si mommy. Ano ba yan. Bakit kailangan kong mamili between two important matters?

" of course maureen. Birthday happens for a one day only. And its a very special occasion for a someone who celebrated that. Go ahead! Paki kamusta na lang ako kay Catnisse ha. And dont forget to buy a gift for Catnisse. And bring cup cakes for her na din" wika ni mommy.

Wow. Supportive talaga ni mommy.

Pumunta na akong kusina pra ibalot ang mga cupcakes na dadalhin ko para kay ate Catnisse.

" Maureen?" tawag sakin ni mommy.

" Yes mom?" tugon ko habang binabalot ang mga cupcakes.

" Did you saw?" tanong sa akin ni mom.

"Saw what?" tanong ko.

" Migo post your photos on his timeline. Seeking for forgiveness. Seeking for closure. "

Nagulat naman ako sa sinabi ni mommy. Forgiveness? Closure? Nagbibiro ba sya? Pagkatapos nya akong saktan and uptill now nanakit pa rin sya hihingi sya ng forgiveness? How can he even ask for it!?

"Is he kidding? Forgiveness his face! After 6 months forgiving him doesnt matter anyway! If he really ask for it, sana noon pa! Sana noong mga panahong pakiramdam ko ako pa ang may mali! Then ngayon? humihingi sya ng bagay na kahit sya hindi nya kayang panindigan? How can he even ask for it? " sambit ko kay mommy na naging dahilan naman para yakapin ako ni mommy.

"Its ok Maureen. Hindi ka pa nga tllaga ok. Hindi pa rim talaga naghihilom ang sugat jan sa puso mo. Hindi ka pa rin talaga bumabalik sa dati " sabi ni mommy habang hinahaplos ang likod ko.

" No mom. Hindi na ako babalik pa sa dating ako. I dont want to go back to the way I used to be! I dont know ma? Siguro dahil sa mga nangyari, sa naranasan ko kay Migo! trusting someone is now a big thing for me na hindi ko na kayang ibigay na parang laruan na lang sa kahit sino! Nahihirapan na ako magtiwala sa mga tao. Nahihirapan na akong maniwala na mag iistay sila sa buhay ko. Na lagi na lang ako napapangunahan na maniwala na any moment lahat ng taong nasa harap ko ngayon mawawala at iiwan din ako. Na lahat temporary lang. Kasi..."

Pinigilan ni mommy ang pasasalita ko.

" Na kasi iniisip mong kaiwan iwan ka? Na kasi hindi ka worthy para sa kanila? Sshhh. Stop thinking that Maureen. Youre going to be Mau again. The cheerful and positive girl we are all used to know. Siguro nga mas natuto ka lang maureen. Siguro mas magiging maingat ka lang from now on. Pero naniniwala ako na babalik ka sa pagiging masayahin mo anak. Dont let that girl die just because of a one person! And baby, dont you ever think na temporary lang ang lahat, na lahat aalis. Because your mom will stand still and love you till the end. "

Naiyak naman akp lalo kay mommy.

Marami pa sana akpng gustong sabihin kay mommy. Marami pa sana akong gustong ipaglaban at i prove sa harap nya. But then nawalan na dim akp ng lakas. Wala na din ako sa mood na magsalita.

Napapagod na ako...

Mommy. Napaka swerte ko talaga sayo mommy.

Diary Ng Broken HeartedWhere stories live. Discover now