Chapter 9: I found her

67 3 1
                                    

Sam's POV

Pagkatapos nilang sumayaw ayun todo iyak yung iba dahil mag papa alam na ang BTS

"Did we guys made you all happy?!" Tanong ni Jimin

"YES!!!" sigaw ng lahat maliban saakin😂

Napatingin si Taehyung saakin at ngumiti, ngumiti nalang ako pabalik. Creep! Haha hindi nga kami masyadong close tapos ganyan pa ang ngiti nya? Huhuu

"KYAAHH! NGINITIAN NYA AKO!" Sigaw ng babae sa likoran ko. Gandang sabihan na GAGA AKO ANG NGINITIAN HINDI IKAW! ASSUMERA LANG?!

lol pero syempre hindi ko sasabihin yun baka magka eksena pa ako dito duh!

"so mag papa alam na kami!" Sabi ni Taehyung

"What maruno syang mag tagalog?!" Tanong ni Aaliyah na nagulat

Hindi ko nalang sinagot hahaha
Chineck ko ang time at 12 AM na pala?

"Noo!!" Sigaw ng lahat ano ba yan? Pwede naman nilang makita sila sa Video! May ilang concert pa naman yang BTS pwede naman silang pumunta dun.

"Sorry Guys! We love you Everyone! BAbye!!!" Sigaw ni Jungkook kaya nag bye na rin ang ibang BTS. Bago pumunta si Taehyung sa Backstage tumingin sya saakin tsaka umalis na.

"Lol bes. Manatili pa tayo dito! Hintayin natin na maka alis ang ibang Fans tapos ang sabi daw nila sa time na yan Dyan aalis ang BTS!" Bulong ni Aaliyah saakin saka tumango nalang ako.

Pagkatapos ng 30 minutes ayun nga kami nalang ang naiwan dito saka umabang sa gate ng Plaza

"Wait bes tinatawag ako ng nature eh" sabi ko kaya tumango nalang sya. Epal na nature na to. Naiihi na talaga ako! Kaya binilisan ko na papunta ng banyo!

Taehyung's POV

Habang nasa concert kanina hindi ko talaga maalis ang tingin kay Sam.  I have this Feeling na gustong gusto ko syang yakapin.

Nag bihis na kaming lahat at babalik na nga ng tinitirahan namin

"Are you all ready?" Tanong ni RM

"Yes" sabi ng lahat. Ng nakaramdam ako na naiihi na ako

"Wait mag c-cr lang ako. Mauna na kayo sa sasakyan tapos susunod nalang ako" sabi ko kaya tumango nalang sila

Mabilis akong pumunta ng CR habang naka tingin sa Phone ko. Pumasok na ako ng CR at umihi na nga hahaha

Paglabas ko hindi ko namalayan na may naka bangga pala ako at natumba nga sya. Babae sya. kaya tinulungan ko

"I'm really sorry miss i didn't mean to-" naputol ang sasabihin ko ng si Sam ito dahil humarap sya saakin habang naka tayo na

"It's ok Mr. Taehyung mabilis din kasi ako sige CR muna ako" sabi nya saka pumasok sa CR ng girls.

Ibang klase din sya ni hindi kinilig o mag papa pic saakin hahaha

Akmang aalis na ako ng may tumawag saakin. Tinignan ko ito at ang Family doctor nga namin ito sa pinas

"Yes?" Tanong ko

["I have the result Mr. kim"] sabi nya at ibig sabihin tinutukoy nya ang DNA test Result

"So what's the result? Can you tell me now?" Tanong ko. Kailangan ko kasing malaman dahil nandito na rin naman si Sam

Lumabas si Sam sa CR at umalis na sinundan ko lang sya

["It's Positive Mr. Kim "] sabi nya kaya natigilan ako dun..Positive? Positive ang resulta ng DNA namin ni Sam? Positive?

"T-teka, t-totoo ba yan? Sure ka na ba dyan?!" Tanong ko at sinundan na nga ulit si Sam

["Oo sir. Siguradong sigurado po"] sabi nito.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon, saya? Tears of Joy? Iiyak? Hindi ko alam ang alam ko ngayon sinusundan ko lang si Sam na parang wala ako sa sarili.

Inend ko ang call at tumakbo ako papalapit sakanya narinig kong tinawag ako nina Jungkook pero hindi ko lang sila tinignan at patuloy sa ginagawa ko

Kapatid ko nga sya. Akmang hahawakan ko na ang Braso nya ng may tumigil na van sa harapan nya

Nagulat ako dahil pagbukas ng pinto ng van nakita ko si Lee Chul kaaway nina Mommy

Sa bilis ng pangyayare at dahil gulat ako kinuha nya si Sam

"Ahhhh!!!!!!" Sigaw ni Sam

"No, no no,!" Sigaw ko at umalis na nga ang van tinakbo ko ito habang sinusundan

"IBALIK MO ANG KAPATID KO! HOY! LEE CHUL IBALIK MO SI YANG SUK!" sigaw ko habang tinatakbo ito pero wala na mabilis ang van na yun.

Napaluhod nalang ako at umiyak

"No! No! Ibalik mo sya!" Sigaw ko habang umiiyak. Malapit na sana eh! Malapit na!  Makukuha ko na sana ang kapatid ko pero kinuha pa sya ng bwisit na lalakeng yun.

Ramdam ko ang mga yapak ng paa sa likuran ko at niyakap ako ni Jungkook

Pumalibot ang mga kasama ko saakin habang naka upo na ako at umiiyak

"Can you explain kung bakit mo sinundan ang babaeng yun? Tapos tinakbo mo pa nung kinuha sya? Tapos umiiyak ka dyan? Nung kinuha sya sinabi mo pa na ibalik mo ang kapatid ko? Ano yun V?" Tanong ni Namjoon (RM)

"Mamaya nalang namin eh explain ang importante ngayon iuwi muna natin si Hyung" sabi ni Jungkook at tinayo ako. Umiiyak pa rin ako dahil nag sisisi ako na hawak ko na sana sya pero nawala pa! Hawak ko na sana ang kapatid ko pero Kinuha pa sya?!

Kailangan ko tong sabihin kina Mom!

Ng makarating kami ng Hotel kasama ko sa loob ang lahat na BTS tapos lakad ako dito lakad doon habang nag iisip kung paano ko babawiin ang kapatid ko

"Can you Please sit down?" Tanong ni Hyung J-hope

"Naguguluhan na kami sa'yo"sabi ni hyung RM

"Ughhh!! Paano ko sya makukuha kay Lee Chul?!" Sigaw ko habang lakad dito lakad doon

"Kaano ano mo ba ang babaeng yun at bakit nagkaka ganyan ka?" Tanong ni Hyung RM ulit

Patuloy pa rin ako sa paglalakad at lakad dito at lakad doon kasi hindi talaga ako mapakali!

"Who is she!?" Naguguluhang tanong ni Jimin

"SHE'S MY SISTER OKAY?!" Sigaw ko dahil inis na inis na talaga ako at wala talaga akong ideya kung paano ko sya kukunin!

"What?! Sister? Akala namin nag iisang anak ka lang?!" Nagulat na tanong ni Hyung RM

Chineck ko ang paligid kung may cameras or may tao pero ako at ang BTS lang talaga ang nandito. Wala ng iba..

"Jungkook please explain it to them" sabi ko kaya tumango nalang si Jungkook and the inexplain nya na nga

Habang nag sasalita si Jungkook sakanila lumayo layo ako ng konti at tinawagan si Mom

["Yes anak?"] Tanong ni Mommy

"Mom pwede mo bang iloudspeak At tawagin mo sina Kuya Siwan at Jong suk at si Dad. May mahalaga akong sasabihin" sabi ko kaya umok si Mom

Siwan's POV

Habang nag liligpit ako ng gamit ko dito sa bahay namin kina Mom narinig kong may kumatok kaya binuksan ko na ito at bumungad saakin si Jong suk

"What now?" Tanong ko

"Pinatawag tayo ni Mom may sasabihin lang daw si Taehyung" sabi nya at umalis

May sasabihin? Hindi ba pwedeng tawagan nalang kami isa isa bakit kailangan na sabay sabay pa? Haist

"Ano ba ang sasabihin mo ha?" Tanong ko ng makarating na kami sa sala  kasama sina Mom and dad With Jong suk

"Oo nga?" Tanong naman ni Jong suk habang tumitingin sa phone kasi naka Vid call

["I found her"]














Kamusta Guys?!
Vote and Comment!

ashhleyy05❣

The Mystery Behind The 'Kim' FamilyWhere stories live. Discover now