Chapter 45: Escaped

29 1 0
                                    

Yang suk's POV

"OO! AKO ANG PUMATAY SA ANAK NYA! PINATAY KO ANG BATANG IYON!" Pag putol ni Dad sa kay Kuya Siwan. So totoo nga? Nakapatay si Dad? Paano? Bakit?

"W-why?" Nanghihina kong tanong sakanya.

Napahimas ito ng mukha nya ng dahil sa Frustration.
"Aksidente ang nangyare, Hinahanap ko si Yang suk noon dahil alam kong si Chul lang ang may kagagawan non. Kaya naisipan kong tanungin ang anak nya baka may alam ito, pero nung tinanong ko ito hindi daw nito alam saka ako nito tinutukan ng baril, sinabihan ko syang bitawan ito pero ayaw nya.. habang nag aagawan kami ng baril aksidenteng sakanya pumutok ang baril at dun sya namatay. Believe it or not pinagsisisihan ko na iyon, sobra." Umiiyak na sambit ni Dad
Naiintindihan ko naman sya, self defense lang iyon at gusto nya akong mahanap. Pero bakit humantong sa ganun?

"Pero bakit hindi mo sinabi saakin?" Nang hihinakit na tanong ni Mommy.

"Kasi ayaw kong magalit ka! Dahil alam kong nalulungkot ka pa rin sa pagkawala ni Yang Suk, ayaw ko nang dagdagan ang nararamdaman mo" Sagot naman agad ni Dad

"Pero tinago mo pa rin!" Sabi ni Mom na puno ng hinanakit ang tuno ng boses nya

"Hindi lang naman si Dad ang may tinatago ng oras na iyon eh" agad kaming napatingin kay Kuya Taehyung na seryosong naka tingib saamin
"Ako din" sabi nya

"What are you talking about?" Nagtatakang tanong ni Kuya Jong suk sakanya

"I saw what happend Dad. I kept it from everyone at sa'yo dad, dahil natakot akong i-disown moko as your child at natakot din akong magkagulo tayong lahat" sabi ni Kuya Taehyung, seryoso ito at ramdam ko ang lungkot sakanya.

"Ikaw din Taehyung? May tinago ka rin?! Tapos kami?! Kami hindi namin alam iyon?! Bakit ba kayo nag tatago ng sikreto dito ha?! Alam nyo namang maiintindihan ko diba? Pero bakit?" Tanong ni Mom na may hinanakit pa rin sa tono nya.

"I'm sorry Mom"
"I'm sorry Hon"

Sabay na sambit ni Kuya Taehyung at Dad, habang sina Kuya Siwan at Kuya Jong suk naka yuko pa rin na parang ang lalim ng mga iniisip nila.

"Naiintindihan ko kayong dalawa Kuya Taehyung at Dad, valid ang reason ninyo. Kaya why don't we just forget it? Masyado naman kayong seryoso" Naka ngiti kong sambit sakanila at tumawa ng mahina at napatingin saakin ng masama si Kuya Siwan.

"Masyadong seryoso Yang suk?! Seryosong usapan to! Mamamatay tayo dahil sa Kasalan ni Dad! Pero para sa'yo parang wala lang saiyo ang nangyayare ngayon, palibhasa WALA KANG ALAM!" Sigaw ni Kuya Siwan saakin at pait na pait talaga ang tono ng boses nya, ok nasaktan ako dun.. nasaktan ako sa sinabi nya.

"Siwan! Ba't ganyan ka magsalita sa kapatid mo ha?! naiintindihan ko naman ang point ni Yang suk at tama nga sya!" Suway ni Mommy kay Kuya Siwan.

Tinignan ko ng mapait na ngiti si Kuya Siwan, kasalanan ko ba na wala akong alam sa nangyare noon? Masakit ha! Napatayo agad ako habang nakatingin sakanya

"Hah! So ngayon Kasalanan ko? Kasalanan ko ba na wala akong alam noon? Kasalanan ko ba na sanggol palang ako noon at wala akong Alam sa nangyayare sa paligid ko ha?! Kasalanan ko banv kinuha ako ni Chul dahil sa sarili nyang hangarin? Kuya! Oo Naka patay si Dad pero aksidente nga! Hindi nya kasalanan iyon! Ginagawa nya ang makakaya nya bilang ama para hanapin ako! Alam mo? Sobrang naiintindihan ko si Dad pati si Kuya Taehyung! I was just trying lighten up the mood here dahil puro problema ang dinadala nyo palagi! Sinusubukan ko namang gawing masaya kayo pero mukhang hindi pa enough ang effort ko..By the way, Magpapahangin muna ako, baka ano pa ang masabi ko sa'yo at mawalan ako ng Respeto. Babush" sabi ko at binigyan ko sya ng mapait na ngiti saka tumalikod sakanila at lumabas ng mansyon narinig ko pang tinatawag nila ako pero hindi na'ko bumalik pa, Oo tinatakasan ko ngayon ang problema ko. Nakakapagod kasi.

Mabuti nalang hindi pa'ko nakapag bihis ng panglabas ko. Lalabas muna ako sa pamamahay na ito.

Tatawagan ko agad si Jungkook dahil gusto ko munang magpahinga sa mga problema ko. Ba't ang bigat sa pakiramdam na sarili mong kapatid sinisisi ka sa isang kasalanan na hindi mo naman ginawa.

Nasa malawak na feild ng bahay ako ngayon at umupo ako sa isang puno na malaki. Dito ko nalang tawagan si Jungkook na sunduin ako.

/calling kookie bessy/

["Anyeong Yang suk-ssi"] Pag sagot ni Jungkook sa tawag ko, napangiti ako bigla sa sigla ng boses nya

"Anyeong Jungkook..pwede ba tayong magkita? As in ngayon na? Sunduin mo na'ko dito sa bahay.. please I really need you right now" sabi ko dito habang nalulungkot ang boses ko

["Araseo, since malapit din naman ang pintuntahan ko sa village nyo mga 5 minutes nandyan na'ko"] sabi nito kaya napangiti akong tumayo sa Damuhan at nag simulang mag lakad papuntang Gate

"Araseo, kamsahamnida" sabi ko saka ko inend ang call.
Gosh gusto kong bumalik sa loob ng bahay para kunin ang Wallet ko dahil phone lang ang dala dala ko ngayon pero napag isipan ko na wag nalang, baka makita pa'ko nila. Tinatamad akong mag usap sakanila ngayon.

Lalabas na sana ako ng gate ng may nag salita sa likuran ko
"Sa'n ka pupunta Yang suk? Alam mo namang delikado para saatin ang lumabas ngayon diba?" Napalingon agad ako at bumungad saakin ang nag aalalang mukha ni Kuya Jong suk.

"Jong-suk oppa, mianhe. Kailangan ko lang ng karamay ngayon na hindi ko pamilya. Don't worry si Jungkook ang kasama ko" ngumiti ako sakanya bago lumabas ng gate rinig ko ang tawag saakin ni Kuya Jong suk pero mabilis din namang nakarating si Jungkook kaya sumakay na kaagad ako at umalis na kami dun.

"Ano ba'ng problema?" Tanong nito saakin  habang focus ito sa pagdradrive.

"Kookie pwede mo ba'kong dalhin sa mahangin na place dito sa Korea? I need some air" sabi ko ng malungkot kaya tumango nalang sya.










VOTE AND COMMENT!
ashhleyy05♡

The Mystery Behind The 'Kim' FamilyWhere stories live. Discover now