Chapter 37: Last day With them

38 1 0
                                    

Yang-suk's POV

*the next day*

Nagising ako dahil sa alarm ko kaya ng inimulat ko ang dalawang mata ko pinatay ko na kaagad ang alarm ko saka umupo sa kama ko..

Pagkatapos ng Prank kagabi nag si pasok na sila sa mga Room nila at ako este kami ni Jungkook inedit yung video at pinost na sa channel ko..

Tumayo na'ko at dumiretso sa Banyo ng Room ko tsaka chineck ang Time.. 8:35 AM na pala..

Naligo muna ako at pagkatapos kong maligo nag bihis na'ko ng maong shorts at Sky Blue T shirt, binlower ko naman ang buhok ko tsaka inayos ko ito. Ng maayos ko na ang kailangan ko sa sarili ko kinuha ko na ang phone ko tsaka lumabas na at Dumiretso ng Dining Area. Timing kumain silang lahat as in Lahat! BTS at ang Pamilya ko.

"Wow kumakain na pala kayo di nyo man lang ako ginising" sabi ko na nakangiti saka tumabi kay Kuya Taehyung kaya napatingin naman silang lahat saakin.

"Ang himbing kaya ng tulog mo kanina. Ayaw ka na naming distorbohin" sabi naman ni Kuya Jong suk saka sinubo ang pagkain nya.

Kinuha ko naman ang isang slice ng Steak tsaka kinain na ito. Pagkatapos kong kainin ito uminom na'ko ng gatas.

"Anyway bukas aalis na tayo at babalik na tayo ng Korea" sabi ni Dad at binasag nito ang katahimikan namin sa pagkain. What? Babalik na ng Korea? Sila?

"Iiwan nyo na'ko? Bye" sabi ko naman at akmang tatayo bitbit ang plato ko

"Baliw, kasama ka sa pag alis" sabi naman ni Kuya Siwan kaya tumango nalang ako. Alam ko naman iyon.. nag jojoke lang ako noh!

Inilagay ko na sa kitchen ang plato ko at bumalik ulit sa tabi ni Kuya Taehyung.

"Wala akong passport guys at visa" pag susulpot ko naman sakanila

"Napagawaan ka na namin! Actually na kay Kuya Taehyung mo iyon" sabi naman ni Mom saka ininom ang Wine nya. Ang aga aga wine na agad silang lahat. Ba't di nyo'ko gayahin? Tubig at Gatas agad ang ininom ko.

At kung aalis na kami bukas dapat mag papaalam na'ko kina Mommy Glads! At makapag bonding naman ako sakanila kahit ngayong araw lang!

"Mom? Dad? Pwede ko po bang puntahan sina Mommy Glads? I mean kailangan kong mag paalam at mag bigay ng oras sakanila kahit sandali lang. Pwede po ba?" Tanong ko saka naman napatingin ang lahat saakin at nag palitan naman ng tingin sina Dad at Mom. Saka naman tumingin saakin si Mom

"Sure anak." Sagot naman nito kaya napangiti ako.

"Thank you Mom" sabi ko saka tumayo at dumiretso kaagad ako sa Room ko para mag bihis.
Nag bihis na'ko ng Denim Jeans at Dark Blue of shoulder tsaka inilugay ang buhok ko. Kinuha ko naman ang sling bag ko tsaka nilagay doon ang wallet ko na may laman ng 10,000 pesos. Yeah araw araw kasi akong binibigyan ni Mom ng Pera kaya inipon ko nalang. Nilagay ko na rin sa bag ko ang Cellphone ko tsaka yung pocket knife ko sa likuran ko, as always.

Nag prefume na'ko tsaka nag pulbo at kumuha ako ng Swimsuit and Then all done!

Lumabas na'ko ng room ko at naabutan ko sila sa Living room lahat habang nanonood ng TV habang si Kuya Taehyung at Kuya Jong suk nilalaro si Yeontan ang aso ni Kuya Taehyung. Si Kuya Siwan naman may kausap sa Phone.

Lumapit ako kay Mom at Dad saka sila hinalikan sa pisngi

"Mom, Dad alis na po ako" sabi ko

"Ipapahatid nalang kita kay-" naputol ang sasabihin ni Mommy ng Nag salita si Jungkook

"Excuse me Tita ako nalang po ang mag hahatid kay Yang suk" pag prisinta ni Jungkook sa kay Mommy na naka ngiti

"No ako na ang mag hahatid kay Yang suk" pag aapila naman ni J-hope saka sya tinignan ng masama ni Jungkook

The Mystery Behind The 'Kim' FamilyWhere stories live. Discover now