Jungkook's POV
Habang naka tulog na si Yang suk kinunan ko sya ng stolen shot. Kahit tulog maganda pa rin. Alam ko na kung bakit ako nahulog sakanya..dahil Maganda, Mabait, Inosente, madaling maging kaibigan. Makakapagkatiwalaan at higit sa lahat hindi Maarte. Simple lang...
Sinend ko sa Group chat naming BTS ang pic ni Yang suk na ikina react naman nila
Jung Hoseok: swerte mo lang na sumama sya sa'yo ngayon. Iuwi mo na sya 1 hour nalang ang natitira sainyo
Park Jimin: Don't Forget my pasalubong!
Min Yoongi: Dried Mangos is enough for me
Kim Taehyung: Maka uwi lang kayo na safe at si Yang suk. Ok na ko dyan
Kim Seokjin: Ang pasalubong ko dapat kulay Pink o di kaya Blue
Kim Namjoon: Just give me a Girl o kaya babae na iibigin ko ok na ko dyan
Kim Taehyung: BABAE NANAMAN?! DAKILANG PLAYBOY KA TALAGA HYUNG!
Jung Hoseok: Sinabi mo pa.
Maganda talaga yung reaction ni Hyung J-hope haha. Swerte ko ngayon dahil ako ang kasama ni Yang suk..Mamahalin ko talaga sya ng pang habang buhay.
Ng nakarating na kami sa SM Seaside ginising ko na si Yang suk
Yang-suk's POV
Naramdaman kong ginising na ako ni Jungkook kaya inimulat ko ang dalawang mga mata ko at tumingin sa paligid. Ng bumaba na kami ng sasakyan tinignan ko ang window at
"OMG NAKIKITA KO ANG SEASIDE!!" sigaw ko
"Kaya nga Seaside diba" sabi ni Jungkook habang naka poker face
"Psh. Tara na nga bili na tayo!" Sabi ko sakanya sabay hila at pumunta ng Elevator
Jungkook's POV
Yung totoo? Magaling bang mang hila to? O kaya tingin nya saakin Lubid para hilain? Mahilig mang hila eh
(A/N: ok yan lang muna. Balik tayo kay Yang suk)
Yang suk's POV
Ng nakarating na kami ng super market hinila ko ulit si Jungkook papuntang Dried mangos station at kinuha ko ang basket tsaka kumuha ng 13 na Dried Mangos na nag hahalaga ng 69 pesos
Nakita kong bumili din si Jungkook para daw sa Big hit staff tsaka snacks namin mamaya kaya kumuha na rin ako ng drinks na isang C2 na nag hahalaga ng 30 pesos at kinunan na rin si Jungkook ng Fit 'n right na for sports na nag hahalaga ng 60 pesos
Ng pumunta na kami mg counter nauna akong bumayad
"993 po lahat Ma'am" sabi ng Cashier. Hindi yung whole cashier ha yung kasamang machine yung ibig kong sabihin yung girlalet
Binigyan ko sya ng isang libo at sinuklian nya ako ng 7 pesos. Pwede na tong bilhan ng ariel. Joke hahaha huhuhu! Yung 2k ko down na! 1k nalang ang naiwan sakin.
Next binayaran na rin ni Jungkook ang binili nya na nag hahalaga ng 8, 993. Oh diba? Mas malaki yung gastos nya kaisa saakin? Bongga! Ok lang yan Rk naman sya! Alam nyo yun? Rich kid.
"Tara na, 7:15 na kaya" sabi nya saka hinila ako. The best talaga to! Ako dapat ang nang hihila eh! Moves ko yun. MANG AAGAW NG MOVES! Huhu edi ang ending ngayon imbes lakad eh kaladkad ang ending ko.
Ng nakarating na kami ng sasakyan pinapasok nya agad ko. Wow parang aso lang sinabihan nya ako ng PASOK tapos ako yung nag bukas ng pintuan. I really like him! GENTLE MAN talaga! *Insert sarcasm*
Umupo na ako tsaka sinara ang pintuan at naka upo na nga sya.
Bigla syang kumuha ng isang set ng pera huhuhu isang set ng 1,000
"Para saan yan?" Turo ko sa pera
"I'll pay manong driver. Pagod na siguro sya so He deserves 15 000 for driving us everywhere here in cebu" sabi nya kaya napa nga nga ako. 15 THOUSAND?! Omg ang laki nun!
Swerte mo manong driver!
"Ah ok" sabi ko tsaka tumingin nalang sa window
After 5 mins nasa harapan na kami ng Airport. Paano naging mabilis? Eh sinabihan ba naman ni Jungkook si Manong Driver na bilisan nya or else babawasan nya ang 15 000. Lol ibang klase!
"Thank you Kuya Driver" sabi ko kay mamang driver
"Walang anuman Hija. Umuwi kayo ng safe ha" sabi nya tsaka umalis na. Dala dala yung pinamili namin.
Pero syempre joke lang. Syempre eto isang plastic ng Dried mangos kasama yung dalawang drinks tsaka isang plastic ng pinamili ko sa Lapu lapu shrine.
Si Jungkook? Isang plastic ng rose lamp, dalawang plastic ng Pinamili sa lapu lapu shrine at dalawang plastic ng pinamili nya sa SM Seaside.
Bahala syang mag hirap dyan. Lol bad Bestfriend talaga ako.
Pumasok na kami ng eroplano at tsaka lumipad agad ito... Wow 30 mins daw bago makarating ng Negros
So ang time ngayon 7:20 so kapag 30 mins pa....OMG! 7:50 Kami makakarating dun! Haluh 15 mins pa naman yung byahe papuntang Hotel. Lagot kapag ganun 8:05 na kami makakarating nun!
Patay kami kay dad..
"Jungkook dadating tayo ng Negros ng 30 mins around 7:50 na yun! Paano na to?! Patay tayo kay dad dahil 15 minutes ang byahe papuntang hotel!" Nag aalala kong tanong. Tumingin lang sya saakin habang naka ngiti
"Maniwala ka sa skill ni Jeon Jungkook The Golden Maknae of BTS. Maniwala ka sa pag dra-drive ko" sabi nya habang naka ngisi. Oh no hindi ko talaga gusto yung ngising yan pati ang sinabi nya...oh lord god guide us lalo na tong si Jungkook sana wala syang gagawing masama ko di kaya kalokohan.
After 30 mins pagka baba ng pagkababa namin ng Eroplano hinila ko agad si Jungkook papuntang sasakyan nya. Pumasok na kami ng mabilisan tsaka naka labas na kami ng airport.
"Kumapit ka Yang suk. Seat belt and relax" sabi nya habang naka ngiti ng nakalaloko. Sinunod ko nalang sya. Nag seat belt ako at kumapit.. Nagulat nalang ako ng ANG BILIS NYANG MAGPATAKBO NG SASAKYAN!!!!! Napa pikit nalang ako ng mga mata ko
"PAANO AKO MAKAKA RELAX EH ANG BILIS MONG MAG PA TAKBO! HOY JUNGKOOK WALA TAYO SA KARERA! MAAWA KA MARAMI PA AKONG PANGARAP SA BUHAY HWAG MO KONG PAPATAYIN DITO! KAKAKITA LANG NAMIN NG PAMILYA KO GUSTO KO PANG MAKA PAG WASTE NG ORAS PARA SAKANILA! GUSTO KO PANG MAGING CELEBRITY! GUSTO KO PANG MAGING MODEL TSAKA MAGING ARTISTA! GUSTO KO PANG MAKA PANGANAK NG TATLO O KAYA DALAWA AT HIGIT SA LAHAT GUSTO KO PANG MAKAPAG ASAWA NG ISA SA BTS MALIBAN SA KUYA KO! KAYA JUNGKOO-" naputol ang sasabihin ko ng nilagyan nya ako ng isang Crumbled paper ata.
"Tumahimik ka dyan HAHAHAHAH!! nandito na tayo babae" sabi nya kaya inimulat ko ang dalawang mata ko tsaka tumingin sa paligid. Nandito na nga kami. Tumingin ako sa wrist watch ko at 7:59 NA!!!
"Mamaya na kita sesermonan! Tara na!" Sigaw ko tsaka kinuha ang pinamili namin tsaka bumaba ng sasakyan at tumakbo papunta sa loob ng Hotel.
Ng nakarating na kami ng loob nandun silang lahat sa sala kaya napatingin ako sa oras at Exactly 8 PM na.. hinihingal kami ni Jungkook kaya napatingin silang lahat saamin
"You're both exactly on Time" sabi ni Kuya Siwan na naka ngisi pa.
VOTE AND COMMENT!
ashhleyy05❣
YOU ARE READING
The Mystery Behind The 'Kim' Family
أدب الهواةHi Guys! Check out my NEW story! This is not related to My Boyfriend is a Gangster because this is a Fanfiction! This is my 1st time to put my name on the line. And Guys if you think that this is Horror or parang suspense. Nope you're wrong! About...