Yang suk's POV
"Mom?" Napatingin agad ito saakin dahil kanina ang lalim ng iniisip nya.
"Ok if ayaw mong sabihin it's fi-"
"Taehyung was 10 back then" pag sisimula nya ng kwento.
"That time nakuha ka na ni Chul saamin it was 2 days pagkatapos kang nakuha saamin ni Chul. Gabi na nung nangyare iyon, hindi ko alam ang nangyare..Taehyung went out of the house dahil sinabi nyang pupunta lang sya ng swimming Pool dito sa bahay..but then nakalipas ang apat na oras sa kakahintay ko sakanya pero wala pa rin sya, wala rin ang dad mo dito kaya hindi agad ako naka hingi ng tulong sakanya. Mag uumaga na non at dumating ang Dad mo, dun na namin hinanap si Taehyung.. pero wala eh.. Lumipas ang isang Araw hanggang sa nakita namin si Taehyung sa isang abandoned building sa labas ng village. Naka gapos sya, ginapos sya ng Wire Rope sa Paa at kamay.. sa kamay hindi masyado mahigpit at sa Paa dahil sa Sobrang higpit nagkasugat ito at nagkaroon sya ng scar dito. At dun nag simula ang pagtatakot nya sa Wire Rope" pagkuwento ni Mommy saakin at binibigay pa rin nito ang nalulungkot nyang ekspresyon."Pero Mom nalaman nyo na ba kung sino ang gumawa nun kay Kuya Taehyung? I mean baka si Chul?" Tanong ko naman kaagad sakanya
"Yun din ang inisip namin anak, pero ang sabi ni Kuya Taehyung mo hindi nya raw nakita ang gumawa non sakanya dahil naka takip ang mga mata nya. Nakuha nya lang yung takip nung pilit nyang kinukuha ito" sabi ni Mommy
"So you mean sa loob ng 12 years hindi pa rin na hanap yung gumawa non?" Tanong ko ulit sakanya at napa iling sya ng malungkot
"Haist kawawa naman pala si Kuya Taehyung" komento ko naman kaagad, binalot kami ng kaunting katahimikan ng ilang minuto bago nag imikan ulit
"Anak, lalabas na'ko ha? Mag luluto pa kasi ako" naka ngiting sambit ni Mommy at tumayo na ito
"Ok Mom Bye" sabi ko na naka ngiti saka ito tumalikod saakin at lumabas na ng room ko.
Grabe talaga yang si Chul, kahit hindi pa nila alam kung sino ang kumuha kay Kuya Taehyung may pakiramdam pa rin ako na sya iyon.
Tumayo na'ko sa sofa at lumabas na ng Room ko. Chineck ko ang time at 12 PM na pala.
Bumaba na'ko sa hagdan at lumabas ng bahay, didiretso sana ako sa garden ng nakasalubong ko ang isa sa mga kasambahay dito na may dala dalang maliit na package Box, lumapit agad ako sakanya"Geugeo joh-eun Jeonyeong? (Ate Good morning para kanino iyan?)" Tanong ko sa ate na may hawak sa Box
"Annyeonghaseyo, yang sugnyeonim, appa hyeongnim-eul-wihan paekijiibnida.( Good Afternoon lady Yang suk this is a package for your father Mr. Hyung suk)" sabi nito kaya napatingin naman ako sa maliit na package.
"Joh-a, naega geunyeoege julgeoya (ok ako na ang mag bibigay sakanya nito)" sabi ko saka ko kinuha ang package box sakanya at tumango nalang sya at nag bow saakin bago sya umalis.
Napatingin ako sa box, ano kaya ito?
Pumasok na'ko ng bahay at tamang tama nandito silang lahat sa living room, si Kuya Siwan nag cecellphone, si Kuya Jong suk na kakarating lang siguro ay nakikipag kwentuhan kay kuya Taehyung na ngayon ay naka ngiti na, haist Kuya sana ma overcome mo na ang fear mo. Sina Mom at dad naman nanonood ng TV kaya lumapit agad ako sakanila at sabay silang napatingin saakin.
Mabilis kong inilahad ang box ng package kay dad at tinignan nya naman ako ng 'what's this?' Look nya"Package daw para sa'yo" sabi ko at agad nya naman itong kinuha mula saakin.
"Kanino galing?" Tanong ni Mom
"Ewan walang nakalagay dyan" sagot ko at umupo sa gitna nina dad at kuya siwan.
"Eh ba't ikaw ang nag bigay? Package dilivery ka na pala ngayon?" Natatawang sambit ni Kuya Siwan saakin kaya agad ko syang tinignan ng masama at umirap sakanya. Napatingin naman ako kay Dad na ngayon ay binubuksan ang box, pagkabukas nito nagulat kami ng biglang may Sumabog na confetti at bumungad sa loob ang isang letter.
"My gosh dad! Birthday mo ba? Ba't may confetti sa package box para sa'yo? Tapos ang laman pa Letter lang? LANG?" Diniinan ko ang Lang na word. Masyado kasi silang seryosong naka tingin sa letter na hindi pa nila binubuksan.
Kinuha agad ito ni Dad at binuksan ito. May papel syang kinuha sa loob nito saka nila binasa ni Mom. Naging seryoso ang mukha nila hanggang sa napatakip si Mom ng bibig nya dahil sa gulat siguro sa binabasa nila tapos bakas kay Dad ang galit sa mukha nya. Biglang nabitawan ni Dad ang letter dahil sa gulat nya at binuksan ang envelope na nasa nilalagyan ng letter kanina. At apat na picture ang nakita naming lahat, picture ko, picture ni Kuya Siwan, picture ni Kuya Jong suk, at Picture ni Kuya Taehyung na may ekis at parang dugo na naka balot dito, tulalang naka tingin sina Mom at dad dito habang kaming magkakapatid ay gulat na gulat sa nang yayare.
What's happening? Kinuha ko ang letter na nahulog ni Dad at binasa naming magkakapatid iyon.
To my dearest Kim Hyung Suk..
Hindi kalang mang aagaw, killer kapa. Humanda kana Hyung suk, papatayin ko din ang apat mong anak dahil sa pagpatay mo sa anak ko. Kaya mag dasal ka na, na sana maka punta ang kaluluwa nila sa IMPYERNO!
Nagmamahal:Lee Chul.
Agad kaming napa tingin kay Dad. Ano daw? Pinatay ni Dad ang anak ni Lee Chul?
"Dad? B-bakit naka sulat dito na pinatay mo daw ang anak ni Chul?" Nanghihina kong tanong at napa tingin naman ito sakin na nalulungkot at nagsisisi ito.
"Totoo ba? Totoo ba Hyung suk ba pinatay mo ang anak nya?" Tanong ni Mom na naiiyak
Biglang yumuko si Dad."So it's true?" May pait sa boses ni kuya siwan habang nag tatanong ito kay Dad. Pero hindi pa rin nakasagot si Dad
"Dad! Sabihin mo saamin! Sabihin mo! Ano ba ang totoo Dad?! Dahil parang imposible naman ata na makakapatay ka?!" Sigaw ni Kuya Jong suk at ramdam ko ang galit at lungkot sa boses nya.
"Dad-"
"OO! AKO ANG PUMATAY SA ANAK NYA! PINATAY KO ANG BATANG IYON!"
VOTE AND COMMENT!
ashhleyy05♡
YOU ARE READING
The Mystery Behind The 'Kim' Family
FanfictionHi Guys! Check out my NEW story! This is not related to My Boyfriend is a Gangster because this is a Fanfiction! This is my 1st time to put my name on the line. And Guys if you think that this is Horror or parang suspense. Nope you're wrong! About...