Chapter 50: Proposal

36 1 1
                                    

1 week later

Yang suk's POV

Nakalipas na ang isang linggo at mabuti buti na rin ang pakiramdam ko. Nandito pa rin si Ate Yoona, ayaw pauwiin ni Mommy at Kuya Siwan eh. Naging mabuti din ang trato nito saakin at ramdam ko ang pagiging Ate nya. Hindi pa man kami gaano ka close pero ginagawa nito ang lahat para maging close kami. Sobrang nababaitan ako sakanya kaya hindi na'ko nag tataka kung bakit sya ang pinili ni Kuya Siwan.

"Yang suk? Ok kalang ba?" Narinig kong sambit ni Kuya Siwan na ngayon ay napa upo rin sa tabi ko at tumampisaw sa pool. Nandito kasi ako sa Pool para mag pahangin at mag gagabi na rin.

"Yes Kuya. Bakit ka nga po ba naparito?" Tanong ko sakanya at humarap ito saakin na naka ngiti.

"Pwede mo ba'kong tulungan?" Tanong nito saakin na ipinagtaka ko

"Tulungan saan?" Tanong ko naman kaagad sakanya.

"I'm planning to propose to yoona" sabi nito saakin na ikinagulat at ikinatuwa ko

"Really Kuya?!" Tuwang tuwa kong tanong sakanya na ikinangiti nya.

"Yes, really." Sagot naman nito habang naka ngiti

"So ano'ng plano?" Tanong ko naman na natatawa

"Yun na nga kailangan ko ng tulong nyo ni Jong suk at Taehyung" sabi nito kaya binigyan ko sya kaagad ng nag tatanong na tingin.

"Eh asan yung dalawa?" Agad kong tanong ng napansin kong wala sa paligid sina Kuya Jong suk at Taehyung.

"Mamaya pa yun uuwi. Eh nag propose din si Jong suk kay Shin hye eh. Nang hingi ng tulong kay Yoona at Taehyung kaya ngayon wala sila dito" sabi ni Kuya Siwan saka ito tumayo mula sa pagka upo at inilahad nito ang kamay nya saakin

"Tara. Punta na tayo sa Meeting room" sabi nito kaya tinanggap ko ang kamay nya at tumayo na.

Naglakad na kami papunta sa loob ng mansyon. Wala dito sina Mom at Dad ngayon.. Business meeting daw sa Europe kaya eto iwan kami dito for 2 weeks. Sabi pa nga saakin ni Mommy ayaw nya'kong iwan dahil hindi pa raw ako masyado magaling pero wala syang magagawa dahil kailangan nya pa ring umattend ng Business meeting.

Umakyat na kami ni Kuya paibabaw at pumakanan kami, nandito kasi ang Meeting room at ang napakaraming guest room.
Pumasok kaagad kami sa Meeting room at umupo si Kuya sa pwesto nito na sya ang Head ng meeting ngayon. Umupo naman kaagad ako sa kanang upuan sa tabi nya.

"Wait lang Yang suk Tatawagan ko lang si Jong suk"sabi nito saka inilabas yung phone nya at nag dial na. Maya maya ay nag salita na si Kuya Means nasagot na ni Kuya Jong suk ang tawag sakanya.

"Yeah Jong suk... asan na kayo?....ah ba't nyo naman silang iniwan na dalawa lang sila? Hindi ba delikado?....ah ok...nga pala pakibilisan sa pag uwi at dumiretso kayo dito sa meeting room.. oo...bye" sabi nito at agad na binaba ang phone.

Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan at pag cecellphone naming dalawa ni Kuya Siwan biglang bumukas ang pintuan kaya napatingin kami doon at ibinungad nito sina Kuya Jong suk at Kuya Taehyung na naka ngiti, umupo naman kaagad sa tabi ko si Kuya Taehyung at si Kuya Jong suk naman ay umupo sa kaliwang bahagi ng upuan kung saan kaliwa sya ni Kuya Siwan.

"Ok dearest brother anong meeting ito?" Naka ngiting sambit ni Kuya Jong suk. Pansin ko lang ha? Kanina pa yan masaya at ngingiti ngiti.

"Tatanungin muna kita bago ako mag sisimula sa Meeting" nakangising sambit ni Kuya Siwan.

"Pumayag ba si Shin hye sa Proposal mo?" Pag patuloy na tanong ni Kuya Siwan kay Kuya Jong suk na ikinalaki naman ng mga mata ko. Oo nga noh? Ngayon sya nag propose.. nakalimutan ko eh.

"Yes Hyung as In Yes na yes sya. Sobrang saya nga nya eh" sabi nito na naka ngiti

"Ah kaya pala ang ganda ng ngiti mo ngayon Kuya"natatawa ko namang sambit at napatingin naman ito saakin at nag Thumbs up saka ako kinindatan.

"So Hyung. About sa ano yung pag memeetingan natin?" Tanong ni Kuya Jong suk.

Napangiti naman ng malawak si Kuya Siwan bago nag salita.
"Tungkol kung paano ako mag propropose kay Yoona" sabi nito at nagtinginan naman kami ni Kuya Jong suk at Kuya Taehyung dahil nagspaspark talaga ang mga mata ni Kuya Siwan at Mukhang excited ito.

"So paano nga?" Tanong naman ni Kuya Taehyung at mukhang wala silang idea. Biglang may sumagi nama sa isipan ko. AHA! Eto kaya!

"Alam ko na!" Napatingin agad silang tatlo saakin

"Ganito kasi yun.."

Yoona's POV

Nakalipas na ang dalawang araw at mukhang nagtagal na talaga ako rito sa bahay ni Siwan.

Naglalakad ako ngayon papasok ng mansyon nila, nasa main door palang ako pero may nakita akong malaking pusong papel na nababalutan ng rose petals. Kitang kita pa rin ang nakasulat sa papel 'follow the petals' ang naka sulat tsaka may arrow sa ilalim nito papuntang kaliwang bahagi ng mansyon.

Napatingin ako sa sahig at may straight line ng rose petals kaya sinundan ko naman ito. Wait? Tama ba'tong ginagawa ko? Baka mamaya hindi para ito saakin noh!.. pero ang kulay ng rose petals ay Pink.. at alam ni Siwan na ito ang Favorite ko, pakana nya kaya ito?

Patuloy ko pa ring sinusundan ang rosas at napahinto ako sa isang rosas sa sahig na buo pa rin. May note dito na 'get me'.
Kinuha ko naman ito at napa angat ng tingin, nasa Garden ako ng Mansyon at sobrang hangin dito. Gosh I just love Fresh air.

"AY BALIW NA BAKLA!" Gulat kong sigaw ng biglang bumukas ang ilaw at namangha agad ako sa bumungad saakin.. isang Garden na punong puno ng lights na sobrang ganda. At sa gitna ng Garden ay may table, set for two persons.. tsaka may malaking TV sa harapan nito biglang lumabas ang picture namin ni Siwan at nag slide show ito..

Siwan naman eh! Ano'ng pakana mo naman ito? Asan kana?
Napangiti ako ng makita ang picture namin nung sinagot ko sya as my boyfriend basang basa ang buong katawan nya dyan sa picture, sobrang saya kaya nya. Timing pa nga na nasa tabi kami ng dagat non. Kaya tumalon sya sa sobrang saya at ayun umahon sya ng basang basa.

Pagkatapos ng ilang minuto ay Lumabas si Yang suk sa isang puno na naka ngiti at may hawak hawak na poster na naka sulat na
'WILL'
Mabilis ding lumabas si Taehyung na may bit bit ding poster na naka sulat ay 'YOU'
At sumunod naman si Jong suk na may bitbit ding poster na naka sulat ay 'MARRY'
Nag antay ako ng ilang minuto at mag sasalita na sana ako kung ano ito.

"Me" rinig kong boses ni Siwan mula sa likuran ko kaya napaharap ako sa likuran ko. Gaya ng mga kapatid nito ay may hawak din itong poster na naka sulat ay 'ME' tsaka set of Roses. Mas lumawak ang ngiti ko dahil nag sink in na saakin ang gusto nya..ngayon palang siwan ay Oo na








VOTE AND COMMENT!
ashhleyy05♡

The Mystery Behind The 'Kim' FamilyWhere stories live. Discover now