Yang suk's POV
"Wow ang sweet naman ng moment nyo dyan! Pasali!" Napatingin agad kami ni Mom kay Kuya Teahyung na ngayon nag lalakad papunta saaming dalawa at niyakap kaming dalawa.
"Ako din!" Rinig kong sigaw ni Kuya Jong suk at mabilis din kaming niyakap, ano to Group hug?
"O sya! Tama na iyan at mag pahinga na tayong lahat. Pupunta pa tayo mamaya sa Photo shop dahil mag papa picture tayong lahat" sabi ni Mom at kumalas na kaming apat sa Yakap.
"Jong suk paki hatid nalang si Yang suk sa Room nya, ayos na ba yun?" Tanong ni Mom kay Kuya Jong suk
"Yes Mom super ayos na" naka ngiting sambit ni Kuya Jong suk tsaka nag thumbs up, pagkatapos nun hinila na nya ako papuntang itaas. Umakyat kami sa Hagdan at pumakaliwa kami.
Mabagal kaming nag lakad sa kaliwang place kung saan may dalawang room tapos may way pa pa kanan at pa kaliwa, nasa corner ang isang Window na kitang kita dito ang view ng buong syodad, wow!
"Sis magpapahinga ka na ba talaga? Gusto mo ba itotour kita dito sa Bahay?" Tanong ni Kuya Jong suk kaya mas lumawak ang ngiti ko sa mga labi ko.
"Maya nalang ako mag papahinga kuya, gusto ko munang matignan ang bahay" sabi ko at naka ngiti naman itong tumango..lumapit kami sa isang Door sa Kanan at binuksan nya ito.
"This room ay Music Room ng pamilya, may iba't ibang instrumento dito. Pwede ka ring mag Record dito o di kaya kumanta dahil may Microphone naman dito, soundprof din.. walang makakarinig kapag kumanta ka dito" sabi ni Kuya Jong suk kaya napatango nalang ako. Hmm Interesting na room naman ito, may iba't ibang instrumento nga tulad ng Piano, guitar, flute, drums, at iba pa.
Mabilis namang isinara ni Kuya Jong suk ang pintuan at hinila naman ako sa katapat nitong pintuan, saka ito binuksan.. bumungad naman saakin ang napakaraming Painting sa Loob..omg ang ganda dito! Sobrang relaxing namang tignan ng mga paintings.
"And this? Ito ang Art room ng bahay" sabi ni Kuya Jong suk na naka ngiti habang naka tingin ito sa bawat painting sa loob..umagaw naman sa atensyon ko ang isang napakalaking painting nina Kuya Jong suk, Kuya Siwan, at Kuya Taehyung. Magkasama sila sa iisang painting na naka toxedo, formal na formal sila ha?
"Sino ang gumawa nito?" Tanong ko naman agad sakanya. Napa tingin sya saakin na malawak ang kanyang ngiti
"Si Mom.. Magaling sya sa pag papainting at ito rin ang hilig nya, magaling din kasi sya sa arts eh" sabi naman nito saka sinara ang pintuan ng room.
Hinila nya naman ako kaagad papunta sa gitna ng dalawang hallway kung saan may kaliwa't kanan kang pupuntahan. Napatingin naman ako sa kanan, malawak ito ngunit gaya ng nadaanan naming mga pintuan magkaharap lahat pero hindi naman exactly na magkaharap medyo malapit lang magkaharap pero bahala na! May apat na pintuan dito at sa kaliwa naman may tatlong kwarto..
"Sa kaliwang banda, nandyan ang Library, Room nina Mom at Dad, at ang Special Materials room. Ang special materials room nandyan ang lahat ng Guns, daggers, and Harmful equipments na pag mamay ari ng pamilya natin encase of emergency. Pero hindi ka makaka pasok dyan dahil nasa kay Dad ang susi, kailangan mo munang humingi ng Permisso sakanya bago ka pumasok dyan." Sabi ni Kuya Jong suk kaya napatango naman ako.
"Eh kuya ba't nya pa kailangang mag tago ng ganyan? Andyan naman ang Guards at marami namang security sa labas" sabi ko nito kaya tinignan naman ako nito.
"Hindi sa lahat ng oras ay kaya nating iasa sa lahat ng security ang safety nating pamilya, sometimes we need to learn how to fight so that we can protect ourselves and our Family" sabi nito kaya napa tango nalang ako
Naglakad naman ako papunta sa kanan kung saan ang unang pintuan ang hinintuan ko"Eh dito sa kanan? Ano'ng meron dito?" Tanong ko naman kaagad at akmang bubuksan ang pintuan na katapat kong room ng pinigilan ako ni Kuya
"Wag mong buksan iyan" sabi nya ng seryoso, ba't ang seryoso bigla?
"Bakit naman?" Tanong ko kaagad. Ano ba'ng meron dito?
"May mabangis na hayop dyan" sabi nito kaya napatawa naman ako kaagad. Mababangis na hayop? Paano? Eh dapat marinig namin ang ingay dyan sa loob
"Paano? Hindi naman maingay eh" tanong ko kaagad dito na agad nya ding tinawanan.
"Basta hwag dyan, busy ang hayop eh" sabi nito at tumawa pa ng malakas, geh kuya tumawa kapa! Nag mumukha kang baliw sa harapan ko.
"Grabe naman kayo! Special ba ang hayop na ito para ilagay nyo sa isang kwarto sa mansion?" Natatawa kong sambit.
"Pwede na rin. Pero hwag lang dyan baka mapagalitan tayo ng hayop kapag dinistorbo natin sya" halakhak pa kuya! Go! Tawa pa!
"Wow! Ang hayop nagagalit pala? Sya ba ang may ari ng mansyon na'to para magalit agad kapag dinistorbo? Ikaw talaga kuya! Puro ka kalokohan..pero pwede ko bang tignan ang hayop dito na sinasabi mo?" Nakangiti kong sambit
"Yang suk ibang kwarto nalang ang tigna-"
"Ano'ng ginagawa nyo dito?"
"AY HAYOP!" Mabilis akong napaharap sa pintuan dahil bumukas ito at may nag salita..
Oh no... seryoso itong naka tingin saamin at tinignan nya ng masama si Kuya Jong suk, habang si Kuya Jong suk naman humahalakhak sa tawa.
"Sino'ng hayop Yang suk? Ako? Hayop? Sino'ng nag sabi sa'yo nyan ha?" Naiiritang sambit ni Kuya Siwan, Oo si Kuya Siwan ang nasa loob ng Kwarto..
"Hindi Kuya, kase sabi ni kuya Jong suk may mabangis na hayop daw na nakatira dyan sa Kwarto? Ba't ka nandyan? Hindi kaba sinaktan ng Hayop?" Tanong ko naman agad, at mas ipinagtaka ko pa ay hindi tumitigil si Kuya Jong suk sa kakatawa. Ano ba'ng nakaka tawa? Pwede pa share? Para ma gets ko naman ang tinatawanan mo!
"Jong suk! Langya ka talaga!.. ako? mabangis na hayop? Wow naman! Sa gwapo kong to? Anyway Yang suk, room ko to.. walang mabangis na HAYOP na nakatira dito dahil ako ang HAYOP sa ka gwapuhan na nag mamay ari ng kwarto na'to" sabi ni Kuya Siwan at diniinan pa talaga ang 'hayop' na word.
Ahhh! Gets ko na! Kaya pala sabi ni Kuya Jong suk may Hayop na nakatira dito sa Kwarto na ito dahil si Kuya Siwan ang tinutukoy nya. Harsh naman!
VOTE AND COMMENT!
ashhleyy05♡
YOU ARE READING
The Mystery Behind The 'Kim' Family
FanfictionHi Guys! Check out my NEW story! This is not related to My Boyfriend is a Gangster because this is a Fanfiction! This is my 1st time to put my name on the line. And Guys if you think that this is Horror or parang suspense. Nope you're wrong! About...