Chapter 42:Trio talk

30 1 0
                                    

Yang suk's POV

Pagkatapos naming tignan ni Kuya Jong suk ang kwarto ni Kuya Siwan pumunta naman kami kaagad sa Kwarto nya na katapat lang ni Kuya Siwan. Maganda ang room ni Kuya Siwan, may isang sofa na pwedeng magawa as Bed kapag ginamitan mo ng Remote control nito..

May king size bed din si Kuya, may TV, may library, may sariling office.. yung tipong room sya tapos may papasukan ka pa sa loob nito ng Office, meron din syang sariling banyo. Tapos may isang room din na nakalaman ng isang napakaraming damit nya, hindi lang damit ha? Shoes, Clothes, perfumes, wrist watches, iba't ibang Gel para sa buhok, creams nya.. grabe noh? Nag crecream pa sya sa mukha Hahaha.

Tapos may sariling room din ang mga bags nya..MGA ha? MGA! Ang rami kaya.. kasama sa mga bags nya ay ang limang laptop nya, for business daw eh.

Eto namang si Kuya Jong suk iisa lang ang lalagyan ng mga Damit nya, sapatos, wrist watch, perfumes, bags, and Gadgets nya. Pero napakalawak naman ng kinalalagyan nito. Ang room ni Kuya Jong suk dalawa lang ang pintuan na papasukan mo sa loob. Ang mga kinalalagyan ng gamit nya, at ang banyo nya.. di gaya ni Kuya Siwan may mga sarisarili ang kwarto nito, halata namang magastos sya hahaha..

May king size bed din si Kuya Jong suk, may sariling study table, at may maliit na sofa with lampshade. Halos lahat ng kwarto ata dito eh may lampshade eh.

"Yang suk, gusto mo pumunta naman tayo sa Room ni Taehyung?" Naka ngiting sambit ni Kuya Jong suk kaya nakangiting tumango naman ako. Lumabas na kami ng kwarto nya at pumunta sa katabing kwarto ni Kuya Siwan, siguro ito ang kwarto ni Kuya Taehyung noh?

Kumatok si Kuya Jong suk ng Tatlong beses at pag bukas ng pintuan bumungad saamin ang inaantok na mukha ni Kuya Taehyung.

"Bakit?" Tanong nito gamit ang husky voice nya

"Ano'ng bakit bakit? Nag iinspeksyon kami ngayon!" Sabi ni Kuya Jong suk kaya napatawa naman ako

"Sa pagkaka alam ko bukas pa ang inspeksyon ng Cleaning team dito sa bahay" sagot naman ni Kuya taehyung at inayos yung buhok nya. May inspeksyon pala dito sa bahay? Talagang pinapanatili nila ang cleanliness sa bahay

"Baliw, I mean Tinitour ko si Yang suk sa bahay ngayon" sabi ni Kuya Jong suk

"Tapos na kayong mag chika dyan? Pwede na ba'kong pumasok?" Tanong ko at akmang haharangan ako ni Kuya Taehyung na pumasok ng mabilis akong lumusot sa mga braso nya

"Teka lang yang suk!" Sabi nito at ng makapasok ako nagulat ako sa nakikita ko ngayon.. my gosh! Lalake talaga sya! Akala ko babae ang ganito?
Ang kalat kalat ng room nya! Di tulad ng dalawang Kuya namin ang linis linis ng room!

"My gosh Kuya Taehyung hindi ka ba marunong mag linis ng kwarto mo?" Tanong ko kaagad ng inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Ang messy talaga! Yung mga unan nya nakakalat sa sahig tapos yung kumot kalat na kalat sa kama, yung teddy bears nya naka kalat sa kama at sahig..seriously? Teddy bear?, yung mga libro nya nasa sahig din tapos yung mga hinubad nya sigurong damit ito ay nasa sahig din, tapos ang bagahe nya hindi pa naareglo.

"Sorry naman! Pagod kasi ako.. nung iniwan ko kasi yan dito ganyan na kaya hindi ko na naligpit pa" sabi ni Kuya Taehyung habang kamot kamot ang batok nito at kinuha yung mga libro na naka kalat sa Sahig..

"Eh hindi ba nilinis ng mga kasambahay dito?" Tanong ko naman kaagad ng tinulungan sya namin ni Kuya Jong suk na linisin ang Kalat nya.

"Naku Yang suk, kung alam mo lang kahit ganyan kabait at cute yang si Taehyung eh suplado din yan! Ayaw na ayaw nya sa lahat ang pinapakelaman ang mga gamit nya, kaya maraming kasambahay ang natakot sakanya" sabi ni Kuya habang kinukuha ang Teddy bears ang nilagay ito sa sofa.

"Eh pinapakelaman naman natin ngayon ang gamit nya ha? Ba't hindi sya nagalit?" Tanong ko naman kaagad at tumingin kay Kuya Taehyung na ngayon bored na naka tingin saamin habang naka upo ito sa study table nya.. seriously? Kami talaga ang pinalinis nya sa gamit nya ha!

"Well dahil pamilya nya tayo hindi nya magagawang magalit saatin dahil sa simpleng bagay lamang. Tsaka yang si Taehyung hindi naman sya nagagalit ng matagal, minsan humuhupa din ng mabilis yang galit nya" sabi ni Kuya Jong suk saka ito umupo sa Sofa dahil kakatapos na naming linisin ang kwarto ni kuya Taehyung. Infairness ang linis na tignan.

"I know right, diba Yang suk mag totour kapa sa room ko? Go ahead, dito lang kami" naka ngiting sambit ni Kuya Taehyung kaya tumango nalang ako at nag simulang libutin ang room nya, may Study table din sya at may dalawang doors sa room dito.. tinignan ko yung isa banyo ito, tapos yung isa gaya ni Kuya Jong suk mga gamit at damit nya rin ang nandito.. may TV, king size bed, study table, lampshade sa tabi ng Bed at Sofa.

"Grabe noh? Sainyong tatlong lalake halatang si Kuya Siwan ang magastusin.. sya yung napakaraming pintuan sa Kwarto nya eh" sabi ko at agad naman silang sumang ayon.

"Tama ka dyan. Agree kaming dalawa dyan" sabi ni Kuya Taehyung na natatawa, natigil ang tawanan ng may Kumatok sa pintuan ng kwarto ni Kuya Taehyung.

"Pasok" sabi ni Kuya Taehyung at bumukas naman ang pinto, bumungad saamin ang naka ngiting mukha ni Mommy

"Oh Mom? Ba't nandito ka?" Tanong ni Kuya Jong suk

"Bawal ba? Aba! Tatlo kayo ang nandito ha? Si Siwan lang ang wala. Anyway kaya ako pumasok dito dahil kakain na tayo ng lunch, ako ang nag luto don't worry" sabi ni Mom kaya napatingin ako sa Wirst watch ko.. oo nga lunch time na rin.
Tumayo na kaming tatlo at lumapit kay Mom saka kami lumabas ng kwarto ni Kuya Taehyung.

"Kids, you know what? I'm really happy seeing you guys Happy and Together" naka ngiting sambit ni Mom while we're walking at bumaba na kami ng hagdan.

"Kami rin Mom" sabi ni Kuya Jong suk na naka ngiti. I'm glad,sana lang matapos na ang lahat ng gulo para tuluyan na kaming maging masaya.







VOTE AND COMMENT
ashhleyy05♡

The Mystery Behind The 'Kim' FamilyWhere stories live. Discover now