Chapter 47: Ok

32 1 0
                                    

Taehyung's POV

"Uisa seonsaengnim, je aiege museun il-i issseubnikka? (Doc, ano po ba talaga ang nangyayare sa anak ko?)" Nag aalalang tanong ni Mommy sa Doctor.. nagulat nalang kasi kami kanina na bigla syang nahimatay tapos mabilis naman syang nasalo ni Hyung Jong suk at binuhat papunta dito sa Room nya. Lahat kami nag panic kaya mabilis din naming tinawagan ang Family Doctor namin.

"Well for now she's fine, pero may tatlong rason kung bakit nahimatay sya" sabi nito, he's Half Filipino- Half Korean kaya marunong syang mag salita ng Filipino language, isa din sya sa Top 10 na pinakamagaling na Doktor sa Korea.

"Ano po ang tatlong rason na iyon?" Tanong naman kaagad ni Dad habang si Hyung Jong suk naka upo sa sofa ng Room ni Yang suk, si Hyung Siwan naman naka upo sa Study Table, at ako naka upo sa Upuan sa tabi ni Yang Suk na ngayon ay naka higa sa Kama nito habang wala pa itong malay

"First, she's tired..  na stress sya ng Sobra at pagod. Kulang din sya sa tulog.. Pangalawa, May Lagnat sya pero mabilis naman itong humupa.. sa ngayon kailangan lang sya nating tignan at alagaan ng mabuti..at Pangatlo.. Inatake sya ng Asthma nya kaya nahirapan syang huminga" sabi ng Doctor na ikinagulat naming lahat.. may asthma si Yang suk? Kaya pala.. Kaya pala kanina habang kinakausap nya'ko parang hinahabol nya ang hininga nya at nauntal ito..

Napatingin naman ako kay Yang suk na ngayon ay natutulog at May oxygen mask na naka kabit sakanya at hinahabol pa rin nito ang hininga nya..may nakalagay din na dextrose sakanya,I'm sorry Yang suk, sorry kung dinagdagan ko pa ang pagod mo. Kakabalik mo palang pero puro problema na ang hinaharap mo ngayon. You're too young for this, you're too young to handle this. Kaya kahit mahirap.. pipilitin kong makikipag bati kay Hyung Siwan at Hyung Jong suk.

Mabilis namang naagaw ng doktor ang atensyon ko ng nag salita ito.
"Kanina nung dumating ako dito malala na ang sitwasyon nya, sobrang nahihirapan na sya sa pag hinga kaya nilagyan ko ng Gamot ang Oxygen at ang Dextrose nya para maagapan sya. Hindi nyo ba sya binilhan ng Inhaler? O di kaya alam nyo bang may Asthma sya?" Tanong naman kaagad ng doktor.

"Doc sa tagal naming nahiwalay sakanya hindi po namin alam iyon. Tsaka hindi nya sinabi saamin ang tungkol diyan." Sabi naman ni Hyung Jong suk na nalulungkot habang naka tingin ito kay Yang suk..

"I see.. sige ibibigay ko sainyo ang best Ihaler na makaka tulong sa pagpapakalma sa Asthma nya para minsan nalang sya atakehin nito" sabi ng doktor at tumango naman kaming lahat.

"But Doc, how is she right now?" Tanong naman ni Dad at napaharap naman ang doktor kay Yang suk.

"For now kailangan muna natin syang obserbahan. Siguro hindi sya nabigyan ng magandang treatment noon kaya everytime na inaatake sya ay malala ito at nailalagay ito sa peligro ang buhay nya. Sa ngayon kasi May lagnat pa sya kaya nakapag pa trigger din ito sa asthma nya." sabi naman ng Doktor. Siguro nga dahil sa kapos sa pera ang umampon sakanya ay hindi sya nabigyan ng magandang treatment.

"Doc please do everything you can para mapagaling ang anak ko" sabi ni Mommy at halata sa tono nya ang pagkalungkot at pagmamakaawa.

"I will do everything I can and I will do My best Mr. And Mrs. Kim. Lalabas muna ako to run some test. Please excuse me" sabi ng doktor ang nag bow ito kay mommy at daddy bago lumabas. Umupo naman kaagad sa tabi ni Yang suk sina Mom at Dad habang naka tingin ito sakanya

"Haist, wala nanaman tayong nagawa para bigyan ng payapa ang buhay ni Yang suk. Puro problema kaagad ang hinarap nya" nalulungkot na sambit ni Daddy.

"Ang mas mabuti ngayon ay Alagaan natin sya ng mabuti at ibibigay natin ang gusto nya. Gagawin ko ang lahat para maging masaya si Yang suk at maging magaling na sya ngayon.. sisimulan ko ito sainyo Siwan, Jong suk, at Taehyung" seryosong napatingin saaming tatlo si Mommy saka ito tumayo.

"Umupo kayo ngayon sa Sofa" seryosong sambit ni Mommy Kaya tumayo kami ni Hyung Siwan at umupo sa Tabi ni Hyung Jong suk. Kapag ganyan ka seryoso si Mommy alam na naming seryoso sya sa sasabihin nya at seryoso sya sa ginagawa nya.

"First of all.. Siwan. Hindi tama ang ginawa mo noon kay Taehyung, you're his older brother at 17 years old kana noon! How can you be so immature back then? How can you think na may paborito kami sainyong magkakapatid? How can you think na mas mahal namin si Taehyung, eh pantay pantay naman ang pagmamahal namin sainyong magkakapatid walang Nakaka angat, walang nakakababa sainyo. Jong suk, bakit mo naman tinago ang ginawa ng hyung mo? Dahil ba natakot ka sa sinabi nya? Jong suk you were 16 back then! May sariling pag iisip kana! Sana tinulungan mo si Taehyung.. diba alam mo naman na mali ang ginawa ng Kuya Mo pero hinayaan mo sya.. eh ano ngayon ang nangyare? Napahamak si Taehyung at nagkaroon ng Trauma, sa susunod mag isip ka ng mabuti sa magiging desisyon mo at Taehyung, mali ang ginawa mo kanina na sumugod ng suntok kaagad. Pinuno ka ng Galit mo sana kumalma ma muna. Hindi ka ganito kaya nagulat kami sa naging reaksyon mo. Oo nagalit din kami ng dad mo sa ginawa ng hyung mo, pero siguro..siguro nagkulang kami sa atensyon sainyong lahat kaya nagka ganyan si Siwan. Tsaka Taehyung pag sinabing tama na, tama na. Please boys, gawin nyo ito hindi para sa malaman kung sino ang magaling kundi para saamin ng daddy nyo at para kay Yang suk na din. Boys wag na nating pang bigyan ng pagod at problema si Yang suk.. please" seryoso at halatang nagmamakaawa na sambit ni Mommy. Lumabas ang isang mabigat na buntong hininga saaming tatlo bago nagkatinginan. Fine, gagawin ko ito para sa Pamilya, para kina mom at dad, at para kay Yang suk. Mahirap na may kagalit mabigat sa kalooban. Tsaka matagal na rin iyon, maybe I should learn to let go and let the scars be healed.

"Bro, I'm really sorry sa ginawa ko sa'yo noon. I know I'm wrong at pinag sisisihan ko talaga iyon sobra, sana mapatawad mo ako. (Humarap naman si Hyung Siwan kay Hyung Jong suk) sorry din dahil dinamay kita dito at tinakot ka. Promise gagawin ko ang lahat para maka bawi sainyo at maging mabait at responsableng Kuya Para sainyo. (Humarap kina Mom at Dad) Mom, Dad, I'm sorry dahil pinag dudahan ko kayo noon. Hindi kayo nagkulang sa Atensyon. At alam kong pantay pantay ang pagmamahal nyo saamin. Hinfi na mauulit. " sabi ni Hyung Siwan

"Pinapatawad na kita Hyung! Naiintindihan kita. Tsaka Taehyung sorry din kung naging duwag ako noon para hindi mag salita. Sorry everyone for keeping a Secret" naka ngiting sambit ni Hyung Jong suk kaya napangiti ako sakanilang dalawa.

"Pinapatawad ko na kayong dalawa, pero promise me Something..magiging responsable, mabait, at Maalaga tayong Kuya para kay Yang suk. Ok?" Tanong ko sakanilang dalawa saka naman sila napangiti at nag thumbs up.

"Ok!" Sabay nilang sagot..

"Auh! Yey! Bati na sila.. kailangan ko pa talaga mahimatay para mag bati kayong tatlo ha?" Rinig kong Natatawa at mahinang sambit ni Yang suk kaya gulat kaming napaharap sakanya at lumapit sakanya.

"Gising ka na?" Tanong ko naman kaagad na kahit may Oxygen mask ito at matamlay ito ay naka ngiti pa rin sya at nakamulat na ang mga mata nya.

"Obvious ba?" Natatawang sambit ni Yang suk

"Gising na nga sya! Jong suk paki tawag ang doktor!" Pag papanic ni Dad kaya napatakbo si kuya Jong suk palabas ng kwarto..
Finally! Gising na sya!...











VOTE AND COMMENT!
ashhleyy05♡

The Mystery Behind The 'Kim' FamilyWhere stories live. Discover now