Siwan's POV
"For now she's fine. Pero kailangan pa rin nating ikabit ang Oxygen at dextrose na may gamot para mapabilis ang paggaling nya. Tsaka may natitira pa kasing lagnat sakanya kaya kailangan nya pa ring magpahinga" sabi ng doktor at umalis na kaagad. Napa tingin kaming lahat kay Yang suk na hinahabol pa rin ang hininga nya at matamlay itong naka tingin saamin.
Nagsisisi rin ako sa mga ginawa ko at nadamay pa si Yang suk dito."Anak? Are you feeling ok na?" Nag aalalang tanong ni Mommy kay Yang suk at mahinang tumango naman ito. Napatingin naman Si Mommy kay Dad
"Narischedule mo na ba ang Photo shoot natin? Pati yung araw na mag shoshoping tayo?" Tanong ni Mommy kay Dad
"Yes Hon.. for sure 4 days from now magaling na si Yang suk.. at makakalabas na rin tayo dito" naka ngiting sambit ni Dad.
"Isn't too dangerous para lumabas pa tayo? Nasa paligid lang si Chul" nag aalalang sambit ni Jong suk.
"I know it's too dangerous pero hindi ko naman hahayaan na masira ang kasayahan at kabuhayan ni Yang suk dahil lang sa Chul na iyan" sabi ni Mommy habang naka tingin kay Yang suk na naka tulog ulit at Hinahaplos nito ang buhok nya.
"You're right Mom" seryosong sambit ni Taehyung at tumayo agad ito
"Oh sa'n ka pupunta?" Tanong naman kaagad ni Dad kay Taehyung.
"Labas muna dad, nagugutom kasi ako eh" sabi nito kaya tumango nalang si Dad saka naman lumabas si Taehyung..
Nakalipas ang ilang minuto ay nagising na ulit si Yang suk. Ako ngayon ang nasa tabi nya at si Mom at Dad ay nasa sofa na nag uusap tungkol sa trabaho. While si Jong suk na trippan na humiga sa sahig habang nag cecellphone.
"K-kuya" sabi ni Yang suk habang dahan dahan itong babangon sana kaya lang pinigilan ko sya. Naramdaman ko ring naka lapit na sina Mom, dad, at Jong suk.
"Hwag ka munang bumangon Yang suk. Kailangan mo pa ng kaunting pahinga" sabi ko naman kaagad at hindi naman ito naging pasaway pa.
"Anak ba't di mo sinabi na may Asthma ka pala?" Alalang tanong ni Dad kay Yang suk. Kaya napangiti ito ng matamlay.
"Sorry Dad, nakalimutan ko kase" nahihiya nyang sambit kaya napa iling nalang kami ni Jong suk.
"Eh kanina. Hindi mo man lang sinabi na nanghihina kana pala" sabi ko naman kaagad kaya napatingin ito saakin at napatawa ng mahina.
"Kuya paano ko sasabihin eh Busy na kayo sa kaka away" sabi naman nito at napayuko naman ako. Psh kung di dahil sakin hindi to mangyayare kay Yang suk eh.
"Eh ba't hindi ka kumuha ng inhaler? May inhaler ka ba?" Tanong naman kaagad ni Jong suk.
Napakamot naman ng batok si Yang suk dahil sa sunod sunod naming tanong.
"Ang dami nyo namang tanong. QnA ba'to?" Tanong naman kaagad ni Yang suk"Sagutin mo nalang. Dahil kung Wala eh bibilhan ka namin" sabi naman kaagad ni Mommy.
"Eh.. wala eh.. Nung nag Grade 6 ako minsan nalang ako inaatake kaya hindi na'ko nag bother na gamitin pa yung inhaler ko. Tsaka naiwan ko yun sa bahay sa Pilipinas" sabi naman nito kaya napa iling naman kaming lahat.
"Naku ngayon palang magpagaling kana para maka shopping na tayo" rinig naming sabi ni Taehyung kaya napatingin kaming lahat sakanya na may bit bit na Tray na may laman ng isang baso ng Gatas at Isang Plate ng napakaraming prutas na na slice na at nilagay nya ito sa tabi ni Yang suk habang naka ngiti ito sakanya.
Nasa kaliwang bahagi ako ni Yang suk at Nasa kanan naman si Taehyung nasa paanan naman sina Mom, Dad, at Jong suk naka upo.Hinawakan ni Yang suk ang pisngi ni Taehyung saka ito kinurot.
"A-aray naman Yang suk! Ba't ka nangungurot?" Sabi ni Taehyung saka hinimasmas ang pisngi nya dahil sa ginawa ni Yang suk.
Napatawa naman ng mahina si Yang suk. "Eh kuya naman kase, ang cute mo kapag naka ngiti. Kumpara kanina eh seryosong seryoso ka at mukhang busangot" sabi nito at napatawa nalang kaming lahat.
Inalalayan namin ni Taehyung na umupo si Yang suk para kumain naman, pagkatapos namin syang alalayan ay kinuha namin ang Oxygen mask sakanya.
"Nakakahinga ka lang ba?" Tanong ni Jong suk kay Yang suk
"Uhm medyo pero kaya ko paman" sabi nito at medyo nga. Medyo hinahabol nito ang hininga nya.
"O sya, kumain ka ng mabilis saka ibabalik natin yang oxygen mask saiyo para makahinga ka ulit. Aaaaaa" sabi ni Taehyung saka pinakain si Yang suk ng Watermelon at kinain naman nito ni Yang suk.
Tatayo sana ako para mag CR ng may tumawag saakin.
Kaya mabilis kong kinuha ito sa bulsa ko tsaka sinagot.."Hello?" Sagot ko agad sa telepono ko at nakita kong napatingin silang lahat saakin habang patuloy pa ring sinusubuan ni Taehyung si Yang suk.
["Oh my gosh! Siwan mabuti nalang sumagot ka... siwan please help me! Babe help me!"] bulong na sambit ni Yoona kaya hindi maganda ang kutob ko dahil sa pag bulong nya at pag hingi nya ng tulong.
Napatayo naman ako kaagad.
"Asan ka?!" Alala kong tanong sakanya.["Nasa bahay and I think may magnanakaw ata sa labas. Nandito ako ngayon sa Kwarto ko.. may narinig din ako ng putok ng baril.. Siwan Please tulungan moko"] naiiyak na sambit ni Yoona kaya tatakbo na sana ako sa labas ng nag salita si Mommy
"Anak sa'n ka pupunta?" Alalang tanong ni Mommy
"Kay Yoona" sabi ko at agad akong lumabas ng kwarto saka lumabas ng bahay. At mabilis naman akong sumakay ng sasakyan at nag simula ng mag drive papuntang bahay nila. Ang alam ko day off ngayong araw ng maids nila tsaka wala ang Mommy at Daddy nito sa bahay nila for business trip kaya panigurado sya at ang guard lang ang naiwan doon.
"Yoona makinig ka sakin ok? Pagkatapos nating mag usap ngayon please call the police para maka hingi tayo ng back up. Dadating ako dyan, ililigtas kita. I love you" sabi ko naman at mabilis kong inend ang tawag. At ng nakarating na'ko ng bahay nila kinuha ako kaagad ang baril ko.
I swear If something bad happend to Yoona. Mamamatay ang mananakit sakanya!
VOTE AND COMMENT!
ashhley05♡
YOU ARE READING
The Mystery Behind The 'Kim' Family
FanfictionHi Guys! Check out my NEW story! This is not related to My Boyfriend is a Gangster because this is a Fanfiction! This is my 1st time to put my name on the line. And Guys if you think that this is Horror or parang suspense. Nope you're wrong! About...