Chapter 1
-" Infatuation lang 'yan."
Pinaningkitan ko ng mata si Faithe pagkatapos niyang sabihin iyon. Napaka-supportive 'di ba?
-" Pero ahmmm. Support kita, Monnette." sabay tapik ni Kyla sa'king kanang balikat.
" Aww. Thanks."
Ngayon ko lang din narealize na gusto ko na pala si CJ. As in ngayon lang kaya nag-share ako sa mga friends ko tungkol sa crush ko!
Narinig ko ang pag-usog ng isa pang upuan sa tabi ko.
-"Alam mo, Monette? Tama naman si Faithe. Katabi mo 'ko nung nag promise ka sa magulang mo na uunahin mo muna ang pagtatapos ng pag-aaral kaysa sa pag bo-boyfriend. Hindi ba?"
Sabat ng nag-iisang lalaki sa circle of friends ko.
-" Crush ko nga lang siya e." sabat ko. Ngumisi siya.
-" At kung magbo-boyfriend ka, sana hindi 'yung patpatin. "
-" Hindi ko pa siya ibo-boyfriend, Sidney! "
Pagkasabi ko niyon ay tumingin pa ako sa magkabilang gilid ko. Baka kasi may makarinig sa tsismisan namin at binalik ko ulit ang tingin ko kay Sidney.
Pero nakita ko ang pag-zip niya sa kanyang labi. Pero inunzip niya rin naman! Napaka!
Ngumiti pa siya ng nakakaloko. Na para bang aliw na aliw siya sa pang-aasar sa'kin! Sumimangot ako ng nakita ko ang palihim nilang pag-apir ni Faithe. ugh. Kapag sa pang-iinis sa'kin ay nagkakasundo sila! Bully nila sobra!
Tumingin muli ako kay Christian James - CJ ang tawag sa kanya ng lahat, magaling siyang mag-drawing, singer, achiever, in short? Whole package! Kahit mahilig ako sa korean actor at marami akong crush na oppa, iba pa rin talaga 'yung crush mo na malapit lang. Iyong titignan mo ng personal, kahit malayo. At iniisip ko na parang compatible na kami sa isa't isa. Singer ako, achiever ako, at maalam akong mag-drawing...uhhh mga ten percent? at least maalam.
-" Gutom na 'ko."
Tumingin kami kay Kyla. Halos isang oras na pala kaming nag-uusap. Ang galing, 'di man lang umattend ang subject teacher namin sa Research.
-" Tara lunch na tayo. "
-" Libre mo?" tanong ni Faithe kay Sidney.
-" Tsk. Oo na libre ko. " sumimangot siya pero alam naman niyang wala na siyang magagawa. Pero ang totoo'y kahit 'di na sabihin ni Faithe ay talagang nanlilibre iyang si Sidney.
Ang bait-bait.
Tumayo na ako pero dumungaw muna ako kay CJ. Palihim akong ngumiti.
-" Oy. Ang mahuli, hindi ko ililibre!"
Sigaw ni Sidney. Kaya tatakbo kami papalabas ng classroom habang nagtatawanan.
Someday, kapag na-notice ako ni CJ at the feeling is mutual na talaga kami. Siguro...magkaka-usap na kami everyday, makikita ko na everyday ang mga ngiti niya, kakain kami ng lunch everyday, makakachat ko siya everyday. Hayyyy. What a concept. Saya-saya ko n'un panigurado.
Someday. Sana mangyari 'yon.
✂ ✂ ✂