[3]

41 4 11
                                    


Chapter 3

        -"Eh?! Paanong tingin?"

        -" Oo! Alam mo 'yung feeling na nakain ako, tas nasulyap siya sa'kin! Huhuhuhu. Kilig na kilig na ako kaso..." tumingin ako kay Sidney. Ngumisi siya sa'kin at nagkibit-balikat. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan ko kaagad siya.

       -" Kaya pala nakatingin sa'kin si CJ, kasi may dumi ako sa ilalim ng ilong ko! Kaya pala tawa ng tawa ang mokong na si Sidney! Hindi man lang ako ininform!! Nakakahiya talaga!" sabi ko pa at saka ako at umub-ob sa mesa.

       Hiyang-hiya ako. Natapos ako sa pagkain na may dumi ako sa mukha, at akala ko kaya nasulyap sa'kin si CJ kasi naku-kyutan siya sa'kin pero ayun pala! Opportunity ko na 'yun e! Malas ko nung araw na 'yon.

       " Syempre, gusto ko ring ma-solo si CJ pero itong si Sidney, naki-share pa sa table namin." at tumingin ulit ako kay Sidney. Nagkibit-balikat ulit siya. Wala talaga siyang pake sa nararamdaman ko! Hindi siya true friend! Ang bully niya!

       " Ehem...ehem. Baka naman kasi may naiinis." sabat ni Faithe. Pumangulumbaba lang ako at 'di ko na pinakinggan ang bulungan nilang dalawa ni Sidney.

       Malas ko. Malas ko. Malas ko.

      Hindi ko nga alam kung mangyayari ulit ang makasama ko siya sa Lunch e. Libre iyon pero mas masaya ako dahil kasama ko siya, kinausap niya pa ako.

      " Hindi ka rin ba nagtataka kung bakit ka inaya ni CJ mag-lunch?" tanong ni Kyla. Umayos ako ng upo. Hindi ko iyon naisip.

      " You so genius, Kyla. Bakit nga ba?"

      " Ipre-friend ka niya? Para maagaw niya ang pwesto mo bilang TOP 1? "

      " Hindi siya ganon 'no." angal ko sa sinabi ni Faithe

      " Pero malabo nga iyon. Hindi gawain ng isang lalaki 'yon. Unless kaya ka niya nilibre sa lunch kasi may aaluking business? " tumawa siya, at 'di ko rin mapigilang 'di matawa.

       " Open-minded ka ba?" biglang tanong ni Sidney at humagalpak sa tawa si Faithe at sabay pa silang nag-apir. 

       Parehas ko silang sinamaan ng tingin. Nag-peace sign lang si Faithe, except si  Sidney.

       " Magaling sa strategy si CJ, mabilis siyang mag-isip, At hindi naman siya tanga para 'di niya malaman na gusto mo siya. Tahimik man siya pero may tenga pa rin siya at siguro napapansin din niya ang mga tingin mo sa kanya. Iyong pasulyap tingin? Baka naman..."

      Nang-init ang pisngi ko sa sinasabi ni Kyla.

      " At ang punto mo? " seryosong tanong ni Sidney.

      Tumitig kaming lahat kay Kyla. Alam ko na ang sasabihin niya...alam ko. At ngayon palang ay unti-unti ng bumibilis ang tibok ng puso ko.

      " Interesado siya sa'yo."

       Feeling ko nagdilang-anghel si Kyla at marami siyang nasasabing maganda ngayon.

       " Seryoso ka, Kyla? Ang sabi mo nga kanina gamer yon. Magaling sa strategy. Pinaglalaruan lang niya si Monette dahil alam na niyang may gusto siya sa kanya. Paglalaruan, tapos bibigyan ng bulaklaking salita, hanggang sa malunod si Monette sa kanya, at sa huli? "

      Seryosong tumingin sa'kin si Sidney, "Sasaktan ka lang."

      " Tumigil ka na nga Sidney! Baka naman nakakalimutan mong player ka! Basketball player, certified player din pagdating sa "girls" "at nag-quote pa sa hangin si Faithe.

      " Teka, ba't napapunta sa'kin? 'Kala ko ba sa'kin ka kampi?" ngiwi ni Sidney. 

       " Well, super oa lang naman ng conclusion mo." Sabi pa ni faithe sabay irap. Tumango-tango ako.

      " Handa naman akong masaktan, parte naman iyon ng pagmamahal hindi ba?" Sabi ko at mabilis kong hinawakan ang dalawa kong pisngi.

Nang-iinit talaga e! Siguro pulang-pula ng pisngi ko!

       " Basta. Basta. Wala 'kong tiwala sa susunod pang gagawin niyang si CJ. " sabi pa ng nag-aalburotong si Sidney. Umirap ako. Bahala ka diyan.

      Tama si Kyla. Baka nga interesado din sa'kin si CJ. Pero 'di ako mag-assume ng sobra, pakikiramdaman ko muna. Makikiramdam muna ako sa susunod na gagawin ni CJ.

      At na-eexcite na ako. (ꈍᴗꈍ)

✂ ✂✂

Fall For MeWhere stories live. Discover now