Chapter 8
" Sige. Alis ka na. Iwan mo na kami. Ganyan ka naman hindi ba? " sabi ni Faithe sa'kin. Ngumuso ako. Alam kong nagpaparinig siya sa'kin. Gusto kasi ni JC na sabay kaming mag-lunch. Kami lang daw sa isang table. Pero gusto ko naman ding kasama ang mga kaibigan ko.
" Faithe naman. Hayaan mo munang mag babe time ang dalawa." sabi ni Kyla at tinapik si Faithe.
" O sige. O sige. Goodluck. " sabi sa'kin ni Faithe. Ngumiti lang siya at nagthumbs-up.
at kaya din gusto kong kasabay si JC kasi may sasabihin daw siya sa'kin.
Nahihiya man akong siya ang nagbayad at kumuha ng order ko ay 'wag ko na daw iyon intindihin.
Tahimik lang kaming kumain pero napapatingin ako kay JC. Kung gaano siya kaseryoso kumain. Kung gaano siya kainosente at nahiya naman akong 'di ko ubusin ang binili niya. Kaya kahit sanay akong 'di umuubos ng pagkain ay inubos ko iyon.
Tumikhim siya at tumingin sa'kin.
" Tayo na ba, Monette?"
Nanlaki ang mata ko. Hindi ba't hindi pa siya nanliligaw?
" Uh..."
" Nililigawan palang kita?"
Tanong iyon. Hindi statement. Wait...nanliligaw ba siya? Hindi ba siya nahingi ng permiso? O first time niyang manligaw kaya 'di niya alam kung anong meron kami.
Nagsabi na siyang gusto niya ako. Nagdate na kami.
" Hindi ko alam na nanliligaw ka na pala." sabi ko at ngumuso. Humalakhak siya at tinignan ko lang siya. Natawa siya. At ako ang nagpapatawa sa kanya. Achievement ko na 'to ah.
" Para 'di mo ako ma-reject. Wala kasi sa planong hindi ka pwedeng i-girlfriend."
Plano?
" Plano ko naman kasing aminin sa'yo na gusto kita tas planado ko na talagang umamin sa'yo bago pa ako kausapin ni Sidney." sabi niya pa. Napahinga ako ng maluwag. Akala ko planado niya ang lahat. Hays. Ano ba 'tong iniisip ko. Sincere 'tong kausap ko pero kung saan-saan lumilipad ang isipan ko.
" Pero hindi mo naman ako irreject hindi ba?" tanong niya.
Umiling ako.
" Good. " sabi niya at nabura na ang ngiti niya. Napalitan ito ng seryoso.
