[2]

48 4 1
                                    



Chapter 2


          'Monette Magcayan, TOP 1'

          Nanlaki ang mata ko. Sobrang saya ko! Alam mo 'yung feeling na may isinusuka kang rainbow kahit wala naman talaga.

          -"Naks. Top 1 ka! Congrats."

          -"I-Tutor mo ko, " sabi ni Sidney at saka siya nakipag-apir sa'kin.

         -"Hindi ba gusto mo si CJ? Bakit mo inagaw ang pwesto niya?" tumingin ako sa isa kong kaklase na si Jen pero nang-iwas ako ng tingin.

         -"Bulok niya kasi. Talunin niya muna 'ko sa Basketball, one-on-one at magiging TOP 1 ulit siya." pagmamayabang ni Sidney kay Jen.

         Siniko ko siya dahil ang lakas ng pagkakasabi niyang iyon. Iyong saya ko dahil sa TOP 1 ako ay nawala. Bumaba ang rank ni CJ. Last semester ay TOP 1 siya, at TOP 2 naman ako. Pero ngayon ay hindi ko alam kung bakit bumaba siya. Nakakaapekto ba ang online games sa kanya? Ang alam ko ay mahilig siya don e. Naiinggit nga ako dahil mas ka-close niya si Faithe. Nagkaka-usap sila about don. Pero hanggang doon lang.

         Man of a few words kasi si CJ. Computer, mga adik sa online games, at saka sketch pad lang ang pinapansin niya. Bukod doon? Wala na.

        -"Hindi naman porket crushie mo siya, at naagaw mo ang pwesto niya ay mado-down ka. Cheer up. Ililibre ka ni Sidney dahil TOP 1 ka." Sabi ni Faithe sa'kin at tinapik-tapik niya ang balikat ko.

         Pero parang wala kong narinig.

        Unti-unti akong humakbang papalapit sa nag-iisang CJ sa gilid.

        Wala siyang pake kung bumaba siya, pero ako may pake ako. Hindi dahil naalis siya sa dati niyang pwesto kundi dahil—may gusto akong malaman? Ugh. Basta!

        Napatigil ako sa paglapit sa kanya. Saan ko nakukuha ang lakas na loob na 'to?!

        Pero pinagpatuloy ko parin ang paghakbang papalapit sa kanya....

       -"CJ...uh..."

        Sa peripheral vision ko ay nakita ko ang nakatingin kong mga kaibigan. Nag-aabang.

          Nag-aabang kung mababasted ba ako.

          At talagang naiisip ko pa 'yon? Aishhh!

          Napa-atras ako dahil sa malalim kong pag-iisip ay nakatingin na pala siya sa'kin. Tanggal na ang earphones niya sa tenga. Nakikita ko sa malapitan kung gaano kaganda ang mata niya. 

         -"May sasabihin ka ba?"

         Tama nga ang iba. Malamig ang boses niya.

        at kinakabahan ako.

        'yung mata niya kasi!

        Tatakbo na ba ako?

        -"CJ...gusto kita."

        Pero naiisip ko palang ang reaksyon niya kapag sinabi ko iyon ay baka iwasan na niya ako habang-buhay o kaya naman isipin niya na ang creepy ko!

        " Nagugutom na 'ko."

        w-wait. Mali ata ang dinig ko sa kanya.

        -"Ha?"

        -"Kain tayo. Libre ko."

        Umawang ng kaunti ang bibig ko. Nagtataka kung tama ba ang nadinig ko sa kanya. Narinig ko pa ang malakas na nalangitngitan ng upuan. Alam kong nagulat din ang mga kaklase ko, at alam kong lahat sila ay nakatingin samin! Iginapang ko ang kanang kamay ko sa isa kong kamay at pasimpleng kinurot iyon. Masakit.

        Hindi naman 'to panaginip 'diba?? Hindi ba?

        Nahihiya akong ngumiti sa kanya.

        At dahan-dahan akong tumango.

        Opportunity ko na 'to! Palalagpasin ko pa ba?

  ✂ ✂ ✂

Fall For MeWhere stories live. Discover now