Chapter 6
Mabilis ang pangyayari sa buhay ko. Dalawang buwan nalang ay patapos na ang unang semester at alam kong magiging busy na kaming lahat pagkatapos niyon. Anong score sa amin ni JC? Mabilis din ang pangyayari. Kung bakit na niya ako kinakausap, kung bakit gusto niyang sabay kaming mag-lunch, at kapag aalis na ng School. Mas nagiging close na kami ni JC at sino bang hindi magiging happy hindi ba? Crush ko siya tas malapit na kami sa isa't-isa? Hindi ba't malaking opportunity na 'to? Pero may gusto rin ba siya sa'kin kaya ganto ang pakikitungo niya? Oo, umaasa lang ako?
" Wala ba siyang sinasabi? Iyong kahit namimis-interpret mo?" tanong ni Faithe sa'kin.
" Sweet ang mga salita niya sa text at sa personal...kapag...kapag kaming dalawa lang."
" Ano?! Patingin ng text niya? Putek! Hindi ko maisip na 'yung lalaking 'yon na sobrang tahimik sa klase ay magiging sweet sa'yo? Ano? Jeje ba ang text? " tumawa lang si Faithe.
" Buo nga ang mga text niya e. " at ang sweet niya pa.
" Hays. Kailan kaya ako makakatagpo ng ganyang lalaki? Sweet na sa text, sweet na sa personal. Edi maging kayo na." sabi ni Faithe sa'kin. Bumuntong-hininga ako.
Kaso hindi ko alam kung mutual nga ba ang feelings namin sa isa't isa.
" Ah. Alam ko na ang kinalulungkot mo. Sweet lang siya pero gusto mo ng assurance?" tumango ako sa sinabi pa ni Kyla.
" Hindi pa kayo tapos?" napatingin kami kay Sidney. May dala-dala na siyang tatlong delight. Pinauna kasi namin siyang mag-break kasi tinatapos pa namin 'yung scrapbook kaso nagchikahan pa kaming tatlo about samin ni JC.
Tinapik ni Faithe ang tabing upuan niya kaya umupo doon sa Sidney.
" Friend ka naman namin, Sidney 'diba?"
Tumingin ako kay Faithe sa tinatanong niya kay Sidney.
"Tanungin mo nga 'yan si JC kung may feelings din ba siya kay Monette? Hindi 'yung pinapaasa lang niya ang kaibigan natin. At para sa una palang, alam na ni Monette kung meron nga o wala."
Tumikhim si Sidney. Tumingin pa siya sa'kin.
" Bakit? Nagbibigay motibo ba 'yon?" tanong ni Sidney sa'kin. Hindi ako makasagot. Alam din naman niya ang sagot e. Nakikita niyang lagi kaming magkasama ni JC.
" Oo nga! kaya mamaya, tanungin mo si JC ah." sabi pa ni Faithe.
" Tsk. Oo na." sabi pa ni Sidney. Inilagyan niya ng straw 'yung tatlong delight at inabot niya saming tatlo.
" Ang bait mo talaga, Sid. Swerte ng magiging girlfriend mo." sabi ni Kyla at abot tenga pa ang ngiti.
" Mas swerte ako sa kanya." tumayo si Sidney pagkatapos nung sinabi niya.
" Oy! San ka pupunta?" tanong ni Faithe.
Tinuro ni Sidney ang papaalis na si JC. Napalunok ako bigla, at nanlalamig ang katawan ko sa nerbyos.
" Alam mo ba kung bakit si Sidney ang gusto kong pagtanungin? " seryosong tanong sa'kin ni Faithe.
" Alam kong mas okay kung ikaw ang unang makaalam kung pinapaasa ka lang ni JC or hindi. Pero lalaki si Sidney, kaibigan natin siya. Once na siya ang unang makaalam kung may feelings talaga si JC sa'yo, at kung wala naman at pinaasa ka lang ni JC. Alam kong makakatikim ng suntok si JC sa kanya."
Nanlaki ang mata ko.
" E-eh paano kung hindi naman talaga gusto ni JC na paasahin ako? O hindi naman talaga niya intensyon? Ako 'yung umasa. Kaya ako 'yung may kasalanan." sabi ko at nag-aalala ako sa kung anong gagawin ni Sidney kay JC.
" Tsk. Walang matinong lalaki na sasabihin ka ng sweet sa text at sa personal. Unless, trip ka niyang lokohin pero pagdasal mo nalang na may feelings siya sa'yo. At kung wala talaga? Sasampalin ko siya magkabilaan." mariin na sabi ni Faithe sa'kin. Napalunok naman ako sa seryoso niyang pagsasalita.
" Ako rin." sabi pa ni Kyla.
Mas nangamba talaga ako. Ako lang naman kasi ang may gusto kay JC e.
" Nalaman kong gusto mo ako?"
" H-ha? "
Ngumiti siya at hindi naman ako makatingin sa mga mata niya.
" Sabay tayong maglunch mamaya. " masaya niyang sabi sa'kin at mas bumilis ang tibok ng puso ko.
at doon nagsimula. Alam niyang gusto ko siya. Kaya sobrang sweet niya sa'kin. Siguro naman, hindi niya ako pinapaasa hindi ba?
Patapos na kami sa Scrapbook at biglang pumasok sa pintuan ng room si JC. Hingal na hingal. Seryoso siyang nakatingin sa'kin. Nanlalaki ang mata ko sa gulat.
" Date tayo mamaya." pagkasabi niya niyon ay sumilay ang ngiti niya. Nanlalaki pa rin ang mata ko sa biglang sabi niya.
" D-date?" tanong ko pa.
" Anong date ka diyan. Wala pa naman kayo." sabi ni Faithe.
" Eh siya ang tinatanong ko saka....gusto ko si Monette."
Mas nanlaki ang mata ko. Nagbulungan ang mga kaklase ko na busy rin sa paggagawa ng scrapbook pero nang marinig nila ang sinabi ni JC ay nag-ingayan sila.
Umingay ang kabuuan ng klase dahil sa kantyaw. Mas nahiya ako. Pero gulat parin ako sa pangyayari.
" Gusto mo ako. Gusto kita. Kaya pwede tayong magdate." sabi pa ni JC sa'kin. Diretso ang mga mata niya na nakatingin sa'kin.
" Pwede ba tayong mag-date mamaya?" tanong niya pa ulit at wala na akong masabi pa kaya dahan-dahan nalang akong tumango.
" Yieeeehhh sila na! " kantyaw pa ng mga kaklase namin
at nung araw na 'yon nakita ko ang palihim na pagsilay ng ngisi ni JC.
✂✂✂
