Chapter 9
" Dala mo na ba lahat? Na-check mo na?" tanong ni Mama. Tumango lang ako.
" Ingat kayo ah. Huwag kang lalayo sa mga kaibigan mo." payo niya pa sa'kin. Swerte ako dahil pinayagan ako ng magulang ko. 'Yung iba kasing schoolmate ko ay 'di pinayagan sa Hiking na gaganapin ngayon.
Isinakbit ko na ang bag ko sa balikat ko.
" Nga pala, nasa labas na daw si Sidney. " sabi ni Mama at nagulat ako.
Nag-paalam na ako kay Mama. Actually, kinakabahan ako. Ilang linggo na ata akong umiiwas kay Sidney. Nagkaka-usap naman kami pero tipid lang kaya halata ding iniiwasan ko siya.
Nakita na kaagad niya akong lumabas. Ngumiti ako. Ngumiti din siya.
" Ako na ang magdadala nan."
" OK."
at tahimik muli kaming dalawa. May awkward feeling na namumuo sa pagitan namin. At nakakapanibago.
" Huy. Mabuti nalang at sabay kayo." sabi ni Faithe.
" Nag-uusap ba kayo? " tanong ni Kyla.
" Oo naman. Hindi ba, Monette?" sabay tingin sakin ni Sidney. Ngumiti lang siya pero 'di ako makangiti.
" Ow. " sabi nalang ni Faithe.
Andiyan na pala si JC e.
Nginitian ko si JC at tumango lang siya. Bumuntong-hininga ako.
" Tabi tayo, Faithe." sabi ko kay Faithe pero tinuro niya si Kyla. Magkatabi na pala sila sa Bus.
Nakita ko ang malamig na tingin sa'kin ni JC. Nang-iwas ako ng tingin. Umupo siya sa tabi ng isa naming kaklase.
Kumunot ang noo ni Faithe at tumingin sa'kin. " Bakit 'di kayo magkatabi?" she mouthed.
Pero wala akong maisagot.
No choice. Bakante ang upuan sa tabi ni Sidney.
Tahimik lang ako at para mawala ulit ang awkward ay nagsalpak ako ng earphone sa'king tenga. Nakita ko ang palihim na pagtingin sa'kin ni Sidney. Tumikhim ako.
at nag-play na 'yung music sa cellphone ko.
🎶'You don't know babe
When you hold me, And kiss me slowly
It's the sweetest thing' 🎶
🎶 And it don't change
If I had it my way
You would know that you are 🎶Two weeks ago, unti-unti kong naintindihan at nasiguro kung sino 'yung babaeng nagugustuhan ni Sidney. Pagkatapos din nung nagsigawan kami ni Sidney, doon ko na rin pinatigil si JC.
" Alam mo bang napaka-paasa mo? Na-offend ka ba na sinabihan ko ang mga kaibigan mo? Galit ka ba dahil doon? Nag-sorry na ako, Monette e. Nag-sorry na ako. Pero bakit isang iglap? ganto? Ang sabi mo kahapon, hindi mo ako i-rreject. Pero bakit parang ang bilis mo naman magbago ng isipan? O dahil na-challenge ka lang sa'kin? dahil tahimik ako at ayaw ko sa maiingay na tao, ganon ba? Kaya ka nagkagusto sa'kin? o dahil may iba ka naman talagang nagugustuhan? dahil ako lang 'yung napili mong diversion ng nararamdaman mo. Tama ba ako, Monette? "
Wala akong matinong maisagot kay JC. Tahimik lang ako. Hindi ko alam kung bakit parang wala lang. Bakit hindi ako nasaktan? Oo, nakukunsensya ako. Bakit ako pa 'yung nalulungkot sa reaksyon ni JC?
Siguro ang maiisip nang iba. Ako na 'yung swerteng tao. Kasi 'yung crush ko, ay crush din ako. Pero iniwala ko pa yung opportunity at napaka-ungrateful ko.
Pero opportunity ko ba talaga 'yon?
o sa iba ko makukuha ang opportunity na 'yon?
🎶 You're the coffee that I need in the morning
You're my sunshine in the rain when it's pouring
Won't you give yourself to me
Give it all, oh 🎶🎶 I just wanna see
I just wanna see how beautiful you are
You know that I see it
I know you're a star
Where you go I follow
No matter how far
If life is a movie
Oh you're the best part, oh oh oh
You're the best part, oh oh oh
Best part 🎶pero baka nga kailangan ko nalang mag-antay ng tamang oportunidad at sa tingin ko kailangan kong iayos ang bagay sa pagitan namin ni Sidney. Bago pa, masira ang lahat.
✂✂ ✂
