[5]

44 2 5
                                    

Chapter 5

          -"Ano nahimasmasan kana?"

          Tumango lang si Sidney. Tahimik na naman. Tulog na sila Kyla at Faithe.

          -"Gusto mo talaga siya?"

          -"Ha?"

          Nakita ko ang pag ngiti niya. Ngumiti rin ako. Tumango ako sa tanong niya. Mabilis ko namang ginulo ang buhok niya.

          -"Alam mo 'yung gustong-gusto kong nakikita kayong tatlong nakangiti? Tapos kapag malungkot naman kayo sobrang bigat sa pakiramdam."

          Bumuntong-hininga ako.

          -"Suportado kita kahit 'di halata."

          Ngumisi ako sa kanya.

          -"Suportado din ako sa'yo kapag may nagustuhan kang babae."

          -"Talaga?"

          Nagulat ata siya sa sinabi ko. Mas lumaki ang ngisi niya.

          -"Bakit? May nagugustuhan ka na 'no? O kaya naman girlfriend mo na pero hindi namin alam?"

           Nagkunwari akong nagtatampo pero tumawa lang siya.

           -"Kilala ko ba?"

           Tumingin ulit siya sa'kin. Ngumiti na naman siya paunti-unti.

           -"Hmm." Sabay tango niya.

           -"Talaga?! Schoolmate? Classmate natin?"

           -"Secret."

           at tumawa na naman siya.

           -"Ano 'yun! Ang daya mo! Yung crush ko nga kilala mo, tapos yung iyo? Hindi ko kilala!"

           -"Ikaw ang unang makakaalam tungkol sa babaeng gusto ko..."

           -"...ikaw ang unang makakaalam." sabi niya pa.

          Humiga kami pareho sa latag. Kitang-kita namin ang ganda ng kalangitan, at ang ganda ng bituin.

         -"Monette..."

         Tumingin ako kay Sidney. Nakatingin din pala siya sakin. Kita ko sa mata niya ang takot at pag-aalala. Ewan ko ba. Magaling kasi ako magbasa ng emosyon kapag tinitignan ko ang mata ng isang tao.

          -"Gusto kita."

          Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Mabilis akong nang-iwas ng tingin.

          -" Gusto ko kayong tatlo. Si Kyla, si Faithe. Kayong tatlo. Kaya kapag nagka-boyfriend kayo. Suportado ko kayo."

          Hindi ko magawang makapag-react sa sunod niyang sinabi. Ayun naman pala.

          Gusto kong pakalmahin ang puso ko. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?! At  nanlamig bigla ang katawan ko.

          Bakit ako nag focus sa dalawang salitang iyon?!

          Gusto Kita.

          Gusto Kita.

          Gusto Kita.

           Ughhhh!!

✂✂✂

Fall For MeWhere stories live. Discover now