Chapter 7
After nga ng klase ay matutuloy nga ang date na gusto ni JC. Unang date naming dalawa. Kinakabahan ako kasi ito 'yung unang date namin. Ang saya ko grabe.
" First date ko ito." sabi ni JC sa'kin. Nahihiya akong tumango.
" Ako rin."
" Good." ngumiti lang siya.
Sa Mall kami pumunta. Tinanong niya kasi ako kung saan kaya dito nalang. Gusto kong gawin ang ginagawa ng ibang taong nagd-date. Kakain, magsisine, at maglalaro sa Arcade, naiisip ko na sobrang romantic non.
Pero naisip ko kung ano ba 'yung sinabi ni Sidney sa kanya kanina. Bakit hinga na hingal siya nung pumasok sa room. Nag-away ba sila?
" Tungkol kay Sidney..Anong sinabi niya sa'yo kanina?"
" Hmm. Sinabi niya na mas magiging masaya siya kung magiging tayo. Kaya napaamin na ako na gusto kita."
Nang-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Napaka-straight forward niya pala talaga. Pero masaya ako dahil honest siya.
" Wala na siyang ginawa?" tanong ko.
" Wala na. Bakit? Kung sinabi ko ba sa kanya na hindi ako interesado sa'yo ay susuntukin niya ako? "
" Hindi niya 'yon gagawin." dagdag niya pa. Kumunot ang noo ko.
" Kain muna tayo? Tapos nood tayo ng sine." sabi nalang niya at bigla niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko. Ngumiti ako ng malawak.
Halos tatlong oras kaming nagtagal sa Mall. Nanood din kami sa sine, at guess what? Avengers: Infinity War ang pinanood namin. Paborito ko 'yon at umalis ako sa sinehan na umiiyak at mabigat ang pakiramdam. Hindi ko lang tanggap ang pangyayari at hindi ako maka-get over. Hindi na kami nakapaglaro sa Arcade kasi may tumawag kay JC. Urgent lang daw. Kaya hinatid na niya ako sa paradahan papunta samin at nagmamadaling umalis.
Nasa tapat na pala ako ng bahay namin na 'di ko namamalayan. Bumaba na ako ng tricycle. Masyadong lutang ang isipan ko at iniisip ko pa ang susunod na mangyayari saming dalawa ni JC. Masyado akong masaya. Dahil unang pagkakataon 'tong nangyari sa'kin. Iyong magustuhan ka ng isang taong gusto mo. Ang saya talaga sa feeling.
" Monette."
Ngumiti ako nang nakita ko si Sidney sa tapat ng bahay namin. Seryoso ang mukha niya.
" Salamat." sabi ko sa kanya. Nakangiti ako pero bigla din namang nabura. Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin.
" May...problema ba?" tanong ko sa kanya. Pero umiling lang siya.