Last Chapter
Pagkadating na pagkadating namin sa Camp Site ay nagpahinga muna kami at kumain. Pagkatapos niyon ay gumawa na kami ng tent, at ginurupo kami sa 20 groups, 7 members at inassign kung saan-saan.
Napa-assign ako kasama si Sidney at si Faithe. Napahiwalay samin si Kyla. Pero kasama ko din si JC. Hindi niya ako pinapansin. Tanggap ko 'yon.
" Pwede naman kitang tanungin diba? Anong nangyari? Hindi kayo nagpapansinan ni JC? Napapansin ko yun a, nung nakaraang araw pa."
Tumingin ako kay Faithe. " Itinigil ko na..." sabi ko nalang.
" What?! Seryoso ka diyan?" tanong niya pa.
Tumango ako at sumenyas ako na 'wag siyang maingay.
" Bakit? Dahil ba kay Sidney?" sabi niya pa at kinurot niya pa ako sa tagiliran halos matalapid ako sa ginawa niya.
" Ooops, Sorry." sabi nalang ni Faithe. Nakita ko ang akmang lalapit sana si Sidney sa'kin pero nang-iwas siya ng tingin. Napalunok ako.
Mag-iiwasan nalang ba kami?
Hindi.
Kailangan kong sirain ang nakaharang na pader sa pagitan naming dalawa. Ako rin naman ang nag-umpisa na 'di siya pansinin, kaya ako ang tatapos.
" Maghiwalay kaya tayo para marami tayong makuhang mga kahoy?" tanong ni Faithe.
" Sidney at Monette. Magkasama kayo. Ahmm, tayong dalawa, JC ang magkasama. Tapos kayong tatlong lalaki ang magkasama." sabi niya pa.
Kumindat lang sa'kin si Faithe. Napatingin muli ako kay Sidney. Ngayon ay nakatingin na siya sa'kin, tas ako naman ang nang-iwas ng tingin. Hindi ko rin kayang tignan siya ng matagal.
May gusto ba ako sa kanya?
Naalala ko 'yung sinabi niya sa'kin nung gabing nag-sleep over sila samin. Yung parte na sinabi niyang gusto niya ako, pero iba ang naisip ko. Iyong bumilis ang tibok ng puso ko. Iyong 'di ako mapakali. Alam kong hindi iyon ang unang pagkakataon na naramdaman ko iyon kay Sidney. Kapag kasi nararamdaman ko 'yon pagdating kay Sidney ay nagi-guilty ako. Magkaibigan kami e. Pero bakit ko 'yon nararamdaman? Kaya siguro, sa iba ko binaling ang atensyon ko.
Tama nga si JC. Diversion ko siya para maitago ko ang nararamdaman ko kay Sidney....kaya pala 'di ko ma-explain kung bakit sobrang akong nasasaktan. Kung bakit ako nasasaktan? pero at the same time masaya ako dahil ako ang gusto niya. Gusto ko siya. Gusto ko si Sidney. Gustong-gusto kong pakinggan ang mga kwento niya, ang lahat at nalulungkot ako kapag nalulungkot siya, masaya ako kung masaya siya....
" Ang tahimik mo."
Nahihirapan akong lumunok. Boses palang niya ay nanginginig na ako. Hindi na talaga ako makakaahon sa kabang nararamdaman ko. Lunod na ako. Lunod na lunod.
