[4]

40 4 15
                                    


Chapter 4


        Faithe: Punta ako sainyo :"> 

        Kyla: Sleepover? G? 

        Sidney: Pwede ba ko sali? :)

        Faithe: Pwede naman...pero dalhin mo kapatid mo. :D

        Sidney: Tsansing ka lang! bawal ka pa, liit. 

        Faithe: Nakakatuwa? Nakakatuwa? Sira-ulo.

        Sidney: Eh? Eh? 

        Kyla: 2NE1

        Faithe: sml, kyla? sml? 

        Kyla: :( 

        Ako: Hahahaha sigeee. sleep over tayoooo. see yahh :) 


        Nag-end na ang conversation namin sa gc kasi alam kong naghahanda sila papunta saming bahay.  Nasa iisang compound lang ang bahay naming apat kaya naging magkakaibigan kami noon palang.


        Gumawa kami ng sariling tambayan sa pinaka-rooftop ng bahay namin, doon kami nagkukuwentuhan, nagpu-foodtrip, at sabay-sabay kaming tumitingin sa bawat bituin. 


         Masaya. 


         Tahimik. 


         Feeling namin kaming apat lang ang nasa mundo kapag nandon kami sa tambayan.


       " Ang kulit kasi. Makita tayo ni Tita. Ba't ka nagdala ng soju?! " inis na sigaw ni Faithe kay Sidney. Kinakabahan din ako e. Baka kasi makita ni Mama. Magalit pa 'yon. Kahit na nasa legal age na kami ay bawal kaming mag-inom dito. 


        " Hindi naman ako madaling malasing. Saka trip ko lang uminom." sabi ni Sidney sabay kabit-balikat. 


        "Trip? Trip mo? Sira-ulo ka ba? Baka may problema ka naman sa tatay mo. " sabi pa ni Faithe. 


        Napatingin kami kay Sidney. Nawala ang ngisi niya sa labi. Natahimik siya. 


        Hindi na bago kung magalit na naman siya sa Papa niya. Noon palang, may galit na siya. Palagi silang mag-aaway sa kahit na anong bagay. Kapag nag-aaya sa gala, alam na namin na gusto niyang may makasama kasi may problema siya.


        " Hindi ko nga kasi matatanggap ang babaeng makakasama niya. Ano bang malabo don?" iyon nalang ang sabi niya at sumalampak sa sofa. 


       " Shit ka naman!" Sigaw pa ni Faithe, at pati kami ni Kyla ay nagulat. Isang lagok niya sa soju ay sunod-sunod iyon. Halos maubos na niya! 


      " Uwi na 'ko. Kung ayaw niyong makita ang pagiging gago ko. Uuwi na ako." akmang tatalikod si Sidney pero hinigit ko ang damit niya. 


      " Umupo ka na diyan. Uminom ka kung gusto mo. Sabihin mo ang lahat dito ang problema mo, kung gusto mo. Umiyak ka kung gusto mo. Alam mo namang makikinig kami 'diba? " sabi ko sa kanya. 

Fall For MeWhere stories live. Discover now