"Ano! Di ka makalaban ngayon no?!" sigaw ng isang lalaki pagkatapos ay sinipa sa tagiliran ang binatang nakahandusay sa lupa.
Nagtawanan ang mga kalalakihan.
"Eh puta pala to pare eh! Wala naman palang ibabatbat sa atin!" salita ng isa kaya nagtawanan ulit sila.
Lumuhod ang isang lalaki sa harapan ng binata.
"Bakit di mo pa kasi bitawan ang pagiging yakuza lord mo huh? Kala ko ba malakas ka? Weak ka naman pala. Pwe!" sabi pa nito at dinuraan ang binata sa mukha.
Di naman umiimik ang binata pero itinatanim niya na sa utak niya ang mga pagmumukha ng mga gagong to. He will hunt them down once na nakabawi na siya ng lakas.
Mahina ang katawan niya ngayon dahil nabaril siya ng kalaban kahapon ng makipagbakbakan sila.
Ang mga lalaking ito ay pinipilit na bumaba na siya o umalis na sa pagiging yakuza niya, para ang boss ng mga gunggong na to ang pumalit sa pagiging yakuza lord.
Pasalamat sila wala yung kambal kundi kanina pa sumabog ang mga ulo ng mga to.
"Ano?! Tititig ka na lang samin ha? Sige na bugbugin niyo pa yan para magtanda na at di na kalabanin si boss." Saad ng lider nila.
Binugbog ulit siya ng mga kalalakihan kaya lalong nanghina ang katawan niya, tumigil lang sila nang magsimulang pumatak ang ulan.
"Pare umalis na tayo! Mukhang uulan pa yata. Iwan na natin yan dyan, siguradong wala nang makakakita dyan. Tago naman itong lugar na to." Sabi ng isa sa mga kasamahan nila kaya nagsialisan na sila.
Naiwang mag-isa ang binata doon, nakahiga lang siya sa lapag habang puro pasa at sugat ang katawan nito.
Dumaan pa ang kalahating minuto ng tumigil na ang ulan.
"A-aah." Umuungol ang binata dahil sinusubukan nitong tumayo.
Nakarinig siya ng tunog ng sapatos na papalapit sa kinaroroonan niya.
Nagpanggap siyang walang malay dahil baka bumalik pa ulit ang mga lalaki at tuluyan na siya.
Hindi pa pwede, dahil mamamatay muna sila bago nila magawa yon.
Naramdaman niyang nasa pwesto niya ang taong iyon.
"Hala! A-anong nangyari sayo?" Nagulat siya dahil tinig ng isang babae ang narinig niya.
Unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya. Nakita niya ang isang napakaamong mukha ng isang babae na may kulay green na mata.
"Hooo! Akala ko patay ka na." Sabi nito at hinawakan siya sa likod upang tulungan siyang umupo.
Napaigik naman siya dahil sa sugat niya sa tagiliran.
"M-may sugat ka! Wait tatawag lang ako ng ambulansya." Sabi ng babae at tiningnan siya ng may pag aalala.
Nakatulala lang siya sa bawat buka ng bibig ng babae. Nakasandal siya sa babae kaya nakikita niya ng malapitan ang mukha nito.
"Sige po salamat." Sabi ng babae pagkatapos ay ibinaba niya ang cellphone at tumingin siya sa binata.Tuluyang nagtama ang mga mata nila.
"Okay ka lang ba? Kaya mo pa ba?" Sabi ng babae sa binata pero walang naging tugon ang binata tanging malalalim na hininga lang ang ginagawa nito.
BINABASA MO ANG
Being sold to a Yakuza Lord (R18)
General FictionWARNING: SPG || RATED18+ || Written in Filipino Language Kenth Kanagawa is a ruthless yakuza lord. He doesn't care to other people. He likes the thought of people being killed in front of him. But the tables turned when Clein Salvador-- his baby, ca...