CLEIN
It's been two days pero di ko parin pinapansin si Kenth, may times pa nga na akmang lalapit siya sakin pero inuunahan ko na at umaalis agad ako.
Pumapasok na rin pala ako sa school ngayon, at papasok na ako ngayon ng school kahit na hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon.
Pagpasok ko pa lang ng classroom ramdam ko na agad ang maiinit na tingin ng mga kaklase ko sakin.
Kilala kasi dito si Kenth sa school dahil siya ay isa sa mga bigating shareholder dito.
Nung pumunta kami dito nung nakaraan ang kasama ko ay si Damien dahil nga ayokong makita si Kenth. Pinakilala niya ako sa magiging teacher ko at magiging classmates.
Pagkabanggit pa nga lang ng pangalan ni Kenth non ay tila nag-iba ang tingin sakin ng mga guro at estudyante.
Like, what's the big deal there?
Pero hindi ko na lang pinansin yon, so heto na nga, pagpasok ko ng room ramdam ko ang mga maiinit na tingin sakin nang mga kaklase ko.
Napayuko na lang tuloy ako. Nagsimula na ang klase at habang tumatagal ramdam ko na ayaw sakin ng mga estudyante at guro ko.
"Ms. Salvador, define the system of inequalities." mataray na tanong sakin ng teacher ko habang nakataas ang isang kilay.
Agad naman akong tumayo, at since nabasa ko na to sa libro ko alam ko ang isasagot ko.
I cleared my throat first, "The system of linear inequalities is a set of linear equalities that you deal with all at once, an inequality is similar to an equation but instead of having the same value, the variable could be less than, greater than, less than or equal and greater than or equal to the other quantity." I calmly said. "That's all."
Napakurap naman agad ng mata ang teacher ko pagkatapos ay napaubo, "O-okay, you can sit down Ms. Salvador." Pagkasabi niya non ay umupo na ako.
Umandar pa ang oras, at ilang minuto na lang matatapos na ang klase.
Maya maya ay bigla nang tumunog ang bell, tumayo na ako at niligpit ang mga gamit ko.
Paalis na ko ng bigla akong tawagin ni Ms. Villatore, "Ms. Salvador, come to my office." Utos nito pagkatapos ay tumalikod agad.
Sumunod naman agad ako sakaniya. Pagkarating namin ng department binigay niya sakin ang lesson plan pagkatapos ay inutusan niya ako na bantayan muna sandali ang nasa lower class na hawak niya dahil may meeting daw sila. At kahit na nanghihina na ako hindi ko naman magawang tumanggi dahil baka pagalitan niya ako.
Sabihin niya ay gumagawa pa ako ng excuse para hindi mautusan. Pumunta na ako sa klaseng sinabi niya at pagkarating ko roon sobrang ingay ng room.
"Ehem, goodafternoon Class-D, I'll be your mentor for today since your teacher is now on a meeting." Sabi ko sakanila.
Mabuti naman at nakinig sila saakin, nag-start na ang klase. Ang kaso lumipas na ang mahigit dalawang oras ay hindi pa ako tapos magturo. I already feel dizzy. Nahihilo na ako at nanghihina. Pero pilit ko itong hindi iniinda.
Natapos na ang klase at niligpit ko na ang mga gamit ko. Habang naglalakad siya papuntang parking lot, alam niyang namumula na siya. Sobrang naiinitan at nahihirapan na rin siyang huminga. Ramdam niya na sobrang taas na ng lagnat niya dahilan para ma-trigger ang asthma niya.
Nang malapit na siya sa kotseng pag-aantayan dahil alam niyang doon siya hihintayin ni Damien hindi niya na kinaya. Nanglabo ang paningin niya at bumigay ang katawan niya pero bago siya bumagsak naramdaman niyang may sumalo sakaniya.
Kilala niya ang amoy nito, "K-kenth." Sabi niya pagkatapos ay tuluyan na siyang kinain ng dilim.
***
CLEIN
I woke but i found myself sa ibang lugar. Puro puti ang nasa paligid ko, doon ko narealize na nasa hospital ako ngayon.
Inilibot ko ang paningin ko. Sinong nagdala sakin dito? Biglang bumalik sakin ang nangyari kagabi.
Shet, si Kenth nagdala sakin dito? Diba dapat si Damien ang susundo sakin?
Biglang bumukas ang pinto at pumasok dito si Kenth. Nanlaki ang mata niya at agad lumapit sakin.
"Are you okay now?" nag-aalalang tanong nito sakin.
Pero malamig na tingin lang ang ibinato ko sakaniya at tinalikuran.
"B-baby, please talk to me." Nagsusumamong sabi nito sakin.
"P-please."Okay pagbibigyan ko siya. Huminga ako ng malalim at tumihaya.
"Kumain ka muna." Sabi niya at iniabot sakin ang mansanas. Kinuha ko ito at kinain.
"Gusto kong manuod." Utos ko rito. Agad naman siyang sumunod at binuksan ang tv. Pagkatapos ay bumalik siya sa tabi ko at umupo.
Nang magsawa ako, "Nauuhaw ako." Utos ko ulit dito. Nagmamadali naman siyang kumuha ng isang basong tubig at dinala sakin.
Nang makainom ako, tinalikuran ko na siya. "Gusto ko nang matulog, paypayan mo ko." Utos ko ulit rito, yeah lulubusin ko na to.
"Pero, i can turn on the air condition for you." Sabi niya sakin. Aba't parang tumututol ah?
"Ayaw mo lang ang sabihin mo, tsk." Inis kong sabi rito.
"I-it's not like that, a-ah i mean papaypayan na nga kita." Utal niyang sabi sakin. Pagkatapos ay kumuha siya ng matigas na papel at ipinaypay sakin.
Maya-maya lang ay nakatulog na ako.
**
Nagising ako ng maramdaman kong naiihi ako, iminulat ko ang mata ko at humarap sa kabilang side.
Tumambad sakin ang mukha ni Kenth, nakatulog na siya at halata ang pagod sa mukha niya. Pawis na pawis na rin siya dahil nga hindi nakabukas ang aircon.
Itinaas ko ang kamay ko at akmang hahawakan siya nang biglang siyang dumilat.
Agad ko namang binaba ang kamay ko, "A-ahrm, naiihi ako." Sabi ko rito at umiwas ng tingin.
Sinubukan kong bumaba ng kama. Agad naman niya akong inalalayan hanggang sa makarating kami sa pintuan ng banyo.
Papasok na sana ako sa loob ng banyo ng mapansin kong papasok din si Kenth sa banyo.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko rito. "Sasamahan kita at baka mapano ka." Sagot naman nito sakin.
"Kaya ko na ang sarili ko." Sabi ko rito. "No, sasamahan kita rito"
pilit parin nito.Diba nito alam na nakakahiya ang ginagawa niya?! Iihi ako!
"Ano ba Kenth? Di naman ako madidisgrasya, iihi lang ako." Naiirita kong sabi dito.
Nang mapansin niyang naiirita na ako ay sumuko na siya, "Okay, i'll wait for you outside." Sabi nito at lumabas ng banyo.
Pagkatapos kong umihi ay nadatnan ko siya sa labas na naghihintay. Inalalayan niya ulit ako pabalik sa kama.
Umayos na ako ng pagkakahiga. "You can turn on the aircon now"
Sabi ko rito at tinalikuran siya.Nang mabuksan niya na ang aircon ay pinatay niya na ang ilaw ulit sa kwarto. Pagkatapos ay naramdaman kong lumubog ang kabilang bahagi ng kama.
Akmang haharap ako sakaniya ng yakapin niya ako mula sa likod. "Let me hug you baby." Inaantok nitong sabi. Pagkatapos ay humigpit ang yakap niya sakin.
Hindi na ako tumutol pa, hinayaan ko na lang siyang yakapin ako.
Papikit na sana ako nang marinig ko siyang bumulong, "I love you."
BINABASA MO ANG
Being sold to a Yakuza Lord (R18)
General FictionWARNING: SPG || RATED18+ || Written in Filipino Language Kenth Kanagawa is a ruthless yakuza lord. He doesn't care to other people. He likes the thought of people being killed in front of him. But the tables turned when Clein Salvador-- his baby, ca...