Ika-Sampung Kabanata

4.5K 102 7
                                    

CLEIN

"Ihahatid na kita."

It was Kenth, and I am still shocked because I was expecting for Kuya Damien to pick me up but it's the other way around.

I came back to my senses nang makita ko siyang matiim na nakatitig sakin.

"I don't want to." Malamig kong tugon rito. Pero naningkit lang ang mata niya sakin. Akmang tatalikod na ko ng marinig ko siyang magsalita.

"Ihahatid kita o hahalikan kita?" nagbabantang sabi sakin nito na para bang wala akong pagpipilian kundi ang sumama sakaniya.

Dahil sa sinabi niya maang na napatingin ulit ako sakaniya pero nakataas lang ang isang kilay niya sakin.

"Now choose." He smirked at me. "The first one or the latter? Well I prefer the latter one." Nanunuyang sabi sakin nito.

"Fine." Irita kong sagot dito pagkatapos ay padabog na sumakay ng sasakyan.

Nakita ko siyang pumunta sa may pinto ng driver seat pagkatapos ay pumasok sa loob ng sasakyan. Pagkapasok niya nakatingin lang siya sakin. Kaya irita akong tumingin dito, "What?" Sabi ko rito. "Do you want me to put that seatbelt on you?" Nang dahil sa sinabi niya napatingin naman ako sa katawan ko at wala pa nga akong suot na seatbelt. Agad ko namang sinuot yon dahil ayokong siya pa ang magsuot non para saakin.

Pinaandar niya na ang sasakyan pero sa buong biyahe ay hindi naman kami nag-uusap. Kala ko nga mapapanis yung laway ko e. Pero maya-maya napansin kong ibang way na tong dinadaanan namin.

"W-wait, saan tayo pupunta?" Takang tanong ko rito. "We'll eat first." Sagot nito.

"I don't want. Gusto ko nang umuwi." Pagtanggi ko rito. Pero sumagot siya, "No, were going to--" Di niya pa natatapos ang sasabihin niya pero pinigilan ko na siya. "I said I don't want to! Ano bang mahirap intindihin don?!" Di ko mapigilang sigaw rito. "Gusto ko nang umuwi." Malamig kong sabi dito.

"Tungkol ba to sa pinag-usapan natin sa hospital?" tanong nito sakin pero hindi ako sumagot. "Look, Im really serious--" Di niya pa ulit natatapos ang sasabihin niya pero pinigilan ko ulit siya. "Gusto ko nang umuwi. Ayokong pag-usapan ang nangyari." Sabi ko na lang dito.

Nakita ko namang humigpit ang hawak niya sa manibela, "You're getting into my nerves, woman." Halata sa boses nito na nagpipigil siya ng galit. Hindi ko tuloy maiwasan ang sumagot rito. "Bakit? Anong gagawin mo? Sasaktan mo rin ba ako gaya ng ginagawa mo?" Pabalang kong sagot rito. Pero nagulat ako ng hawakan niya ako ng mahigpit sa braso ko. Kinabahan ako dahil nakita kong galit talaga siya at ramdam kong sobrang higpit ng hawak niya sa braso ko, at nasasaktan ako. "Siguro oo, pero hindi ko gagawin yon. Pasalamat ka mahal kitang babae ka." Pagkasabi niya non ay binitawan niya ang braso ko.

"Binili na kita kaya sumunod ka."
Hindi ko alam pero biglang nagpantig ang tainga ko nang dahil sa sinabi niya. Nawala ang takot na nararamdaman ko lang kanina, "Huwag kang mag-alala sa dami ba naman ng nangyari sakin sigurado akong pinagbabayaran ko na ang pagbili mo sakin." Malamig kong tugon rito.

"Nagkakamali ka, dahil nang oras na binili na kita akin ka na." Sagot nito sakin pero hindi ko na tinugon pa. Pinaandar niya na ang ang sasakyan niya at hindi na kami kumain. Umuwi na kami ng mansyon. Nakauwi kaming dalawa nang hindi nag-uusap.

Pagkarating namin sa mansyon bumaba agad ako ng kotse niya at agad na umakyat patungo ng kwarto. Well, hindi ako sa kwarto NAMIN pumasok, yes namin! Sa guest room ako tumuloy.

Agad akong humiga patihaya sa kama. Tumunganga ako sa kisame. Mukhang sa maling pagkakataon na naman kami nagtagpo. Nag-away na naman kami. Hay.

Halos mag-iisang oras na ko sa kwarto habang nagce-cellphone nang may kumatok sa pinto. Napalingon ako rito, nakita ko namang pumasok ang isang maid.

"Ma'am Clein, pinabibigay po ni Master." Sabi nito pagkatapos ay nilapag ang isang tray ng pagkain sa may side table.

Tinanguan ko lang ito pagkatapos ay lumabas na. Nilapitan ko ang pagkain bigla tuloy kumulo ang tiyan ko, ay hindi pa nga pala ako naghahapunan.

Napansin kong may nakaipit na maliit na papel sa gilid,
"Im sorry for hurting you. I hope you like it." -K
Ganyan ang nakalagay sa papel. Inipit ko lang ang papel sa gilid, pagkatapos ay kinain ko na ang pagkain. Ayokong magsayang nang pagkain sabihin nag-aaksaya lang ako. Mas mabuti na yung walang sinabi.

Pagkatapos kong kumain ay humiga na lang ulit ako at natulog na. Bukas ko na lang ibaba yung pinagkainan baka makasalubong ko pa siya sa labas.

--

KINABUKASAN ganun ulit di pa ako nakakababa may nagdala na sa kwarto ng pagkain at may kasama ulit itong maliit na note.

"Goodmorning, beautiful. I made this for you." -K
Anong meron? Bat parang nag-iba ang ihip ng hangin ngayon? Parang kagabi lang galit pa siya sakin tas ngayon?

Inipit ko lang ulit sa gilid yung note pagkatapos ay kinain yung pagkain. Nang matapos ako dinala ko na yung tray at idineretso sa kusina. Pagkatapos ay pumasok na.

Araw-araw palaging ganon. At hindi ko rin nakikita si Kenth sa mga nagdaang araw na yon. Para bang sinasadya niyang hindi magpakita.

Tuwing uuwi ako galing eskwela may nagbibigay sa kaniya ng bulaklak, isa sa mga maid ang palaging nagbibigay sakaniya. At hindi siya tanga para hindi kiligin sa ganitong act.

Tuwing may magbibigay sakaniya alam niya na agad na si Kenth ang nagpapabigay niyon. Minsan inaasahan niya na ang binata ang magbibigay sakaniya pero lagi siyang bigo.

Parang may kumikiliti sa puso niya dahil sa efforts na pinapadama nito. At mukhang nagtatagumpay ito dahil alam niya sa sarili niya na natutunaw na ang harang na itinayo niya sa pagitan nilang dalawa.

Pero one time pag-uwi niya, sobra siyang napagod dahil sa mga activities na ginawa nila ngayong araw.

Si Kuya Damien na rin ang sumusundo saakin. At pagkababa ko agad nang sasakyan. Dumeretso ako agad sa pinto ng mansyon. Pagkapasok ko nagtaka ako dahil walang maid na nag-abot saakin ng bulaklak. Pero napatingin ako sa bulaklak na nasa mesa. Boquet yon at napakanda. Kaya nilapitan ko, napansin ko na may nakaipit na note, pagkabasa ko rito,

"Baby,
I like you, will you be mine?" -K

Napatigil ako sa nabasa, biglang bumilis ang tibok ng puso ko at tila nawala ang pagod na nararamdaman ko kanina lang, 'I know Im scared but how can I prevent myself from falling?' Tanong ko sa isipan ko.

Bigla akong napatingin sa gilid nang biglang lumabas doon si Kenth habang nakapamulsa.

***

A/N: As promise, pasensya na ngayon lang ako nakapag-update may inaasikaso lang. Please, bear with it hindi ko po ito na check ng maayos kaya pasensya na kung may makita kayong typos or chuchu. Happy reading! Don't forget to vote~

Ps. Paramdam naman kayo haha! Di ko tuloy alam kung nagugustuhan niyo yung update e. \^^/


Being sold to a Yakuza Lord (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon