Ika-siyam na Kabanata

4.6K 115 5
                                    

CLEIN

Unti-unti kong hinawakan ang seradura ng pinto. Pagkatapos ay binuksan ko ito.

Pagkabukas ko ay nagulat ako rito..

at nanghinayang dahil hindi pala ito si Kenth, si Damien lang pala.

Napabuntong hininga ako. Tiningnan ko siya. "Bakit?" Tanong ko rito.

"Uhm, pwedeng pumasok?" Tanong niya sakin. Since parang kuya ko naman na to si Damien ay pinapasok ko siya.

"Sige, pasok ka." Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto dahilan para makapasok siya rito sa loob.

Umupo siya sa kama at inayos ko naman ang iba kong gamit. "Kamusta na?" Tanong nito sakin.

"Okay lang naman." Sagot ko sabay napabuntong-hininga. Pagkatapos ay umupo ako sa upuan.

Tiningnan ko siya pagkatapos ay yumuko ulit ako, "Uhm, ah..ano"
Salita ko pagkatapos ay tumingin ulit sakaniya. "Si Kenth?" sa wakas, nasabi ko rin ang tanong na kanina ko pa gustong itanong.

Bigla siyang natawa kaya bigla akong pinamulahan ng mukha. "A-ano ba! Bakit ka tumatawa jan?" asik ko sakaniya.

"Hahaha, okay, Im sorry it's just I already knew that you will ask me that, inaantay ko nga na mag-open ka ng topic about sakaniya eh." Sabi niya sakin.

Shet! Ganon na ba ako kahalata?! Aish! Lalo tuloy akong nahihiya.

"Ayun, si Master masama ang loob at kawawa yung mga napaparusahan. Tsk." Umiiling na sabi niya sakin.

"Alam mo Clein, mabait si Master. You just need to trust him. Paano mo malalaman ang isang bagay kung di mo susubukan? Whatever happens, nandito pa rin kami ng kakambal ko para sayo. You're our princess." sinserong sabi nito sakin.

Am i willing to take the risk?

I think am not..not yet.

"Anong feeling na patay na patay sayo ang mga kalalakihan sa school niyo?" Nakangising tanong nito sakin. Napatanga naman ako sa sinabi niya. Sakin? Maraming patay na patay?

"Ha?" Nakatangang sabi ko sakaniya. Impossible! Ni wala nga akong makitang bakas na may gusto sakin sa school e!

Pero merong mga titig kaso di ko naman pinapansin. "Sabi ko, anong feeling na maraming may gusto sayo sa school mo?" Ulit niya sa tanong niya kanina.

Kahit naiilang ako sa tanong niya sinagot ko parin, "Syempre nakakailang, kasi alam mong laging may nanunuod ng galaw mo. Tyaka hindi naman ako maganda para magkagusto sila sakin, at nakakairita rin kasi palaging nakatingin. I hate it when someone stares at me. And also I don't want being watched." Sabi ko sakaniya.

Tiningnan ko siya, "Tyaka paano mo naman nalaman na maraming nagkakagusto sakin eh hindi ka naman nag-aaral sa school ko?" Takang tanong ko sakaniya.

Bigla naman siyang namutla sa tanong ko, "Ah..eh, uhm" nauutal niyang sabi at kumamot bigla sa ulo. "Syempre ang dami ko kayang tinatakot na estudyante para hindi na lumapit sayo." Bulong nito pero hindi ko naintindihan nang maayos ang narinig ko lang ay tinatakot?

"Tinatakot? Sinong tinatakot?" Takang tanong ko sakaniya. Napansin ko naman na parang naging balisa siya.

"Ah..aah! S-si ano, si Damon! Oo si Damon nga, tinatakot ko kasi baka kami naman yung pagbuntunan ni Master Kenth ng galit niya. Ayun! Ayun nga yung ibig kong sabihin,  hehe." Utal utal nitong sabi sakin.

Kung sila ang pagbubuntunan eh bakit parang masaya pa siya?

Im not convinced, si Kuya Damon matatakot kay Kuya Damien? Not gonna happen.

"Sigurado ka?" Tanong ko sa kaniya. "Oo nga!" Defensive masyado. Kaya hindi ko na siya pinilit pa.

"Eh, ano namang feeling na inlove sayo ang isang Master Kenth?" Nakangisi na nitong tanong sakin. Bigla naman akong pinamulahan sa tanong niya.

"S-syempre ano awkward, alam niyo namang nag-away kami diba? Parang ang plastic ko naman kapag sinabi kong kinikilig ako nung nalaman kong may gusto nga talaga siya sakin." Sabi ko rito.

"So kinilig ka?" nang-aasar niyang tanong sakin. Kaya lalo akong pinamulahan doon. Damn, mukhang mali ako ng choice of words.

"A-ano ka ba naman kuya!" Sigaw ko rito. "Oh bakit? tinanong ko lang naman kung kinilig ka nga. Wala namang masama dun ah!"

"Tsk." Sabi ko na nga lang sakaniya.

Pero ano nga bang feeling na ang isang Master Kenth ay inlove sayo? Sa totoo lang, naiilang ako syempre. Sinisi ko siya eh, I put all the blame on him dahil sa nangyari sakin. Tyaka may part parin sakin na hindi pa naniniwala na talagang may gusto siya sakin. Siya si Kenth Kanagawa at di malayong makahanap siya ng iba, ang daming magagandang babae dyan yung sexy pa nga at mayaman. Madali lang para sakaniya ang makakuha ng ganon. Kaya hindi ko lubos maisip na sakin siya may gusto. Malay ko ba, baka mamaya nacha-challenge lang siya sakin dahil tinatanggihan ko siya. Mainis kayo kung maiinis ko kayo, pero di niyo ko masisisi. Simula nang mapunta ako sa poder niya hindi lang isang lalaki ang nakahawak sakin. At ayun bagay na di ko matanggap.

"Hays, kung alam mo lang." Biglang banggit nito kaya napatingin ako sakaniya. "Anong kung alam ko lang?" Tanong ko sakaniya.

"Ah, eh.. Kung alam mo lang na patay na patay sayo si Master ay nakow! Tyaka kung alam mo lang na natatae na ko kaya lalabas na ko! Babye princess!" Biglang sabi nito at tumayo na. Pagkabukas niya ng pinto saktong nakatayo doon si Kuya Damon.

"Oh kambal! What are 'ya doin here?" sabi ni Kuya Damien. Tinignan lang naman siya ng malamig ni Kuya Damon.

Tumingin sakin si Kuya Damon, "Let's eat princess." Sabi nito sakin. Nginitian ko naman siya at lumapit sa kanilang kambal.

"Your road! Di man lang ako pinansin." Sabi ni Kuya Damien kaya natawa ako sakaniya.

Tinignan lang naman siya ni Kuya Damon, "Oh akala ko ba natatae ka na?" natatawa kong tanong rito.

"Ah, eh.. umurong na princess mamaya na lang daw pagkatapos nating kumain. Hehe."Sabi nito kaya tuluyan nakong natawa sakaniya. Si Kuya Damien talaga.

***

"Clein, kamusta na?.."

"Clein okay ka na ba?.."

"Uhm, Clein para sayo.."

Clein.Clein.Clein puro Clein! Argh, naiirita na ko! Pagpasok ko pa lang sa room namin at saktong pagkaupo ko agad naglapitan sakin yung mga kaklase kong lalaki.

Tinatanong kung okay na daw ba ko o kung kamusta na raw yung pakiramdam ko chuchu. Gusto ko ng tahimik na araw pero mukhang malabong mangyari yon. Kaya hindi ko na lang sila pinapansin. Buong maghapon ganon ang nangyari. Natitigil lang kapag may teacher na.

Tapos yung mga babae kong kaklase ang sasama na ng tingin sakin, naiinggit ba sila? Eh di kanila na! Psh. Gusto ko nang umuwi na lang. Hays.


At dumating na ang oras na inaantay ko, ang uwian! Pagkalabas ko ng room dumeretso agad ako ng parking lot. Habang naglalakad ako inaayos ko ang mga gamit ko sa bag kaya nakayuko ako at hindi ko nakikita ang nasa harapan ko.

Huminto ako ng alam ko nang nasa harapan ko na yung kotseng susundo sakin pero pag-angat ko ng ulo ko,


Damn.

Bakit si Kenth ang nandito?!

"Ihahatid na kita."

Being sold to a Yakuza Lord (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon