Lyn Domingo
Muling tinitignan ang puno ng mangga na naging saksi sa matibay nating pagsasamahan. Tandang-tanda ko pa ang mga araw kung kailan una tayong nagkakilala.
-FLASHBACK-
Bago lang ako sa school namin, transferee ba. Lumipat kasi kami ng bahay dito sa may Antique, ayan tuloy mangangapa na naman ako.
"Uy, bago ka lang dito?" tumingin ako sa isang magandang babae , simple lang siya at halatang walang arte sa katawan.
"Oo e hehe" nahihiya pa ko sa kanya kasi baka isipin nitong feeling close ako.
"Tara sama ka sakin papakilala kita sa mga kaibigan ko" hindi ako umimik, sumabay lamang ako sa agos ng paghatak niya.
"Woi, may kasama ako. Transferee lang siya" tumingin ako sa mga nasa pitong taong nasa harapan ko.
"H-hi hehe" natawa ang iba sa reaksyon ko at ang iba naman ay ngumiti.
"Pakilala na kayo, ako na pala mauuna..." tumingin ako sa babaeng nag salita sa harapan ko.
"I'm Mary Rose Sobrino" nakangiti niyang banggit
"I'm Danna Regala" tumingin ako sa babaeng may maamong muka at nginitian siya.
"I'm Dixie Ventula" tumango ako at nginitian siya naka pony tail siya at ang cute niyang tignan dahil dun.
"I'm Shan Mabanag" napatingin naman ako sa babaeng chubby ang chick ang ganda rin niya.
"I'm Adrian Rivera Inoc" napatingin ako sa nag iisang lalaki sa grupo nila, tumango ako at ngumiti.
"I'm Reah Macaranas" what? Macaranas, macaranas ng ano? Hehehe cute niya rin chubby na pandak.
"I'm Hilkiah Shenuska" tumingin ako sa gawing kaliwa katabi siya nung Danna, bakit ganun ang gaganda at cu'cute nila.
"I'm Gemini Doblepii" cute naman ng apelido nya, ang cute niya rin sa braid na hair niya.
"Ikaw naman magpakilala ka" tumingin ako kay Mary yung babaeng humatak sa akin.
"Ah, ako si Lyn Domingo" tumango naman silang lahat at lumapit sa akin.
"Tara dun sa tambayan namin. Sulat mo pangalan mo sa may puno ng mangga tanda kasi yun ng pagkakainigan namin" tumingin ako dun sa naka braid na babae si Gemini.
"Mula ngayon kaibigan mo na kami" napangiti ako sa sinabing iyon ni Mary at sinimulan ko ng isulat ang pangalan ko sa puno ng mangga.
Napangiti silang lahat ng matapos kong masulat ang pangalan ko , sinuklian ko naman sila ng ngiti.
-END OF FLASHBACK-
Ansarap balikan kung paano nila ako tinanggap ng buong-buo at kung paano nila pinasaya ang mundo ko.
"Anong ginagawa mo dyan" umakbay sa akin si Gemini at pinagmasdan ang punong tinitignan ko.
"Ito yung friendship tree natin, buhay pa rin pala" napatingin ako sa pagdating ni Reah.
"Syempre buhay na buhay pa friendship natin e" nagulat pa ko sa pagsulpot na iyon ni Danna.
Unti-unti silang nag sidatingan hanggang sa makumpleto kami.
"Patong na ang kamay guys!!" masiglang ani ko at isa-isa naman nilang pinatong ang mga kamay nila.
"OUR FRIENDSHIP WILL NEVER DIE" sabay-sabay naming sigaw at sabay-sabay na itinaas ang aming mga kamay.
"Tara na, aakyat pa tayong lahat sa stage" aya ko sa kanila at lahat kami'y may ngiti sa aming mga labi.
Sabay-sabay naming tinahak ang daan patungo sa landas na gusto namin. Patuloy kaming tumatatag at kahit ano pa mang mangyari mananatili ang pagkakaibigan namin.
-THE END-
BINABASA MO ANG
ESHANG : COLLECTION OF ONE-SHOT STORIES
Short StoryHighest Rank Achieve: #364 in Random One-shot stories, short stories, dagli and etc.