Allenxia Joy Chucksie
Hindi ko inaakalang dadating ang araw na ito, kung saan ang pagmamahalan namin ay mawawakasan ngayon.
"Dred, what did I do to make this relationship end up like this? Ano bang mali?" pinipigilan ko ang pag-iyak, ayokong makita niyang labis akong nasasaktan.
"Xia, I'm sorry pero ayoko na. Pagod na kong intindihin ka, pagod na ko sa mga pagtanggi mo. Lalaki ako Xia at may pangangailangan ako" that's it, edi lumabas din kung ano talaga ang pakay niya.
"Dred, napag-usapan na natin to diba? You said it will be fine you'll wait but what the f*ck is this? Nangbabae ka just because of that sex!!? How there you!!?" kung kanina ay sakit lang ang naramdaman ko, ngayon sobrang sakit na.
Bakit ba kailangan pang ibigay ang pagkababae mo para hindi ka iwan? Kung mahal ka talaga mahihintay niya yung araw na ikaw na mismo yung kusang magbibigay ng hindi na pinipilit pa.
"Nakakasawa na Xia, lets break up" after he said that sinampal ko siya ng mag-asawang sampal.
"Para yan sa pangbabae mo"
Muli ko siyang sinampal, malakas na sampal na maggigising sa kanya sa realidad.
"At yun para sa sakit na ginawa mo sakin. No hindi pa yan sapat! Hindi pa yan sapat para sa panlolokong ginawa mo!" pilit kong nilakasan ang loob ko at mabilis na lumayo sa kanya.
F*ck that bastard, di ko akalaing magagawa niya to. 6 years pinagpalit niya sa 6 weeks niya lang na nakilala? Dahil ano? Dahil binigay nun yung pagkababae niya!?
F*ck those women who choose to destroys relationship to make them happy knowing that the other one is hurting.
Nilunod ko ang sarili ko sa alak para malimutan ang sakit, pero alam ko naman na sa paggising ko nandun pa rin yung sugat na paulit-ulit na mananakit. I hate drama pero anong magagawa ko, nasaktan ako.
Nasaktan ako ng lalaking sobra kong minahal, masyadong malaki ang tiwala ko sa kanya na hindi ko inakalang hahantong sa ganito.
Totoo nga ang sinabi ng nakakarami---- 'nakakamatay ang maling akala' dahil unti-unti ngayong pinapatay ang puso ko.
"Stop woman, you're wasted right now"
"Don't stop me! Sino ka ba? Huh!?"
"Nalasing ka lang di mo na agad ako nakilala" pinakatitigan ko ang lalaki, ohhh--okay.
"Best frieend ikaw pala yan hihi" inakbayan ko siya saka inilapit sa akin.
"Stop. Kailangan mo ng umuwi" umiling ako sa kanya at inabot ang basong may alak.
"Drink with me please. Di mo ba ko pagbibigyan? Ngayon na lang ulit tayo nagkita after so many years" malambing ang tono ng boses ko.
"Fine, but after this we'll go home" wala sa sariling tumango siya.
Matapos inumin ni Henz ang alak ay agad niya akong hinatak palabas. Sumasakit ang ulo ko at para bang umiikot ang mundo ko.
"F*ck that bastard! Hindi dapat ako umiinom ngayon kung hindi niya ko sinaktan"
"Wag ka ng manisi ng iba, It was your choice in the first place. Nasaktan ka lang niya pero di niya sinabing uminom ka"
Best friend ko ba talaga to?
"Ikaw na lalaki ka, ngayon ka na nga lang nagpakita ganyan ka pa. Sapakan na lang kaya tayo, ano?" sinusuntok ko siya pero di siya tinatamaan.
"Huwag ka ngang umilag dyan!"
"Tanga. Paling ka lang talagang sumuntok! Tss tara na nga" nagpahatak na lang ako sa kanya.
- - -
Kanino kayang sasakyan to? Namiss ko bigla si Dred, ang hayop na yun.
"Niloko niya ko.." panimula ko, hindi ko alam kung epekto ng alak to o dahil masakit lang talaga ang ginawa nung hayop na yun kaya bigla na lang nagkarerahan ang mga luha ko.
"Sabi niya ako lang, sabi niya he can wait until we get married pero bakit ganto ngayon? Bakit niloko niya ko at pinagpalit sa isang haliparot na maninira ng relasyon?"
"Panget ba ko? Hindi ba sapat na nandyan lang ako palagi sa kanya para hindi na siya maghanap pa ng iba?"
"Henz.. I love him so much and loving him is so damn f*cking hurt" humagulgol ako ng malakas, hinimas lang niya ang likod ko.
"If you choose me over him that time, I'll make sure that you don't feel this thing right now" oo nanligaw siya sa akin kasabay nun ang panliligaw ni Dred, hindi ko siya sinagot dahil ayokong masira ang pinag samahan namin.
"I've already told you my reason why I didn't choose you over him" mahal na kita noon pa man pero ayokong mawala na lang bigla ang pinagsamahan natin sa oras na mag sawa tayo sa isa't isa.
At sobra akong nagsisi ngayon na hindi ikaw ang pinili ko.
Magiging masaya rin ba ako sa piling mo gaya ng pagiging masaya ng asawa mo?
Magiging masaya ba tayo gaya nyo?
"At naging masaya ako sa naging desisyon ko. Look at you now, you're happy with your wife" kaya nawawalan ka na ng oras sa akin because you have a responsibility with your wife and child.
"Thanks to me, right?" mapait na ani ko.
"Yeah thanks to you"
Buti pa siya masaya na samantalang ako hindi ko alam kung paano makakabangon sa sakit na nadarama.
Tinignan ko ang best friend ko habang siya nakatingin sa daan.
I made a right decision kahit na sa huli alam kong masasaktan ako.
I know in the first place na yun lang talaga ang habol sa akin ni Dred.
Swerte lang talaga at tumagal ang relasyon namin dahil inaakala niyang ibibigay ko sa kanya kapag tumagal kami.
At nung mga oras na yun ang mahal ko talaga ay ang best friend ko...
Ang best friend ko na masaya na ngayon kasama ang kaibigan namin.
Yes, nagparaya ako para sa ikakasaya niya.
And I was happy to see him happy now.
Siguro ganun talaga ang buhay, handa kang masaktan para lang mapasaya ang nasa paligid mo.
Hindi naman siguro dito nagtatapos ang buhay pag-ibig ko sadyang siguro hindi lang siya para sa akin.
Si Dred man yan o si Henz pareho silang hindi sa akin naka tadhana, siguro may mas maganda pang plano ang Diyos para sa akin.
"Thank you sa pag-alala at paghatid. Ingat sa pag uwi Henz"
Tinapos ko ang araw na to ng may ngiti sa labi kahit pa ang umpisa nito ay masakit.
HINDI MAN AKO MASAYA NGAYON, ALAM KO NA SA MGA SUSUNOD NA ARAW AY MAKAKABANGON AKO AT MULING MAGKAKAROON NG RASON PARA SUMAYA.
- - - - - THE END - - - - -

BINABASA MO ANG
ESHANG : COLLECTION OF ONE-SHOT STORIES
Short StoryHighest Rank Achieve: #364 in Random One-shot stories, short stories, dagli and etc.