Someone's Point of View.
Nakatingin ako sa malayo, mag sisimula na namang dumilim tanda na mag gagabi na.
Mula rito makikita ang tahimik na lugar na bilang na lamang ang nagdaraan.
"TARA LARO TAYO" sa lakas ng pag sigaw na iyon ay agad na naglabasan ang mga bata na may malalapad na ngiti.
"Ang laro natin ay tagu-taguan. 5 sak ang kailangan para hindi malugi ang taya" pagpapaliwanag ng bata.
Lumapit ako sa kanila upang sumali, wala naman silang pag-aalinlangan kung kaya nakasali ako.
"Maibaaaa tayaa" lahat ay nakatihaya ang kamay samantalang ang akin ay nakataob.
"Oh ikaw ang taya bata" tumango ako saka tumalikod sa kanila.
"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan. Wala sa likod at wala sa harap pag kabilang kong sampo ay nakatago na kayo..."
Nagulat ako ng may biglang mag salita mula sa likuran ko...
"Ahhhhhh" isang babaeng walang muka ang tumambad sa akin.
Dali-dali akong tumakbo papalayo sa kanya, hindi ko malilimutan ang itsura niyang walang muka. Nakakatakot at nakakapanindig balahibo.
"Pagkabilang kong sampo, nakatago na kayo..."
Nakakatakot, nakakatakot ang boses na nagmumula sa kanya...
"Isa, kanino ako mag-uumpisa?"
Mabilis ang bawat pag takbo ko, bawat pwedeng taguan ay tinataguan ko.
"Dalawa, ikaw ba'y sasaksakin o pagpu'pukpukin?"
Ang kabog ng dibdib ko'y mas lalo pang lumalakas...
"Tatlo, sino kaya ang makakatikim ng malakas na palo?"
"Apat, papaluin gamit ang malaking pamatpat"
"Gaaame na" n-no, baka mapatay sila kailangan nilang manatili kung saan man sila nag tatago.
"WAG KAYONG LALABAS, NAKIKIUSAP AKO" nangangatog ako sa takot pero pinilit ko na palakasin ang loob ko.
Biglang tumahimik ang paligid, para bang napaka payapa ng gabi ngunit hindi naman talaga.
"Ano ba yan! Kanina pa game hindi mo naman kami hinahanap! Nilalamok na ko d---" nagulat ako sa nasaksihan ko, takot ang bumalot sa aking buong katawan.
Kitang kita ko kung paano sinaksak ang bata nung babaeng kanina kong nakita.
"Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam at sampo hahaha" para siyang wala sa katinuan.
Sino nga naman ang matinong tao na sasaksakin ang isang bata ng sampung beses?
"Tapos na sa isa, ilan pa ba ang natitira?"
God please help us, don't let the demon win this game.
"Sa---"
"Sak, sak , SAAAK!! HAHAHAHA" napaigtad ako at dali-daling tumingin sa pinang galingan ng ingay.
Hi-hindi maari. Bakit? Bakit niya ginagawa ang bagay na ito.
"Ang saya pala talagang pumatay"
Tinakpan ko ang aking tenga, ayoko ng marinig ang mga ginagawa niya.
Sana panaginip lang ito, sana hindi ito totoo nakikiusap ako.
"Hihihi, pito na ang wala. Ang ganda pag masdan ang mga dugong kumakalat hihi" napalunok ako sa aking narinig.
"Ahhhhhh" mabilis akong tumakbo papalayo.
"Bakit ka tumatakbo palayo? Antayin mo ako"
"Please w-wag kang sumunod" napapagod na ako hindi ko na alam kung saan ako tatakbo.
"NO HINDI MO BA ALAM NA I--"
"Lea, lea..." napabalikwas ako ng bangon habang habol-habol ang aking hininga.
"N-napanaginipan ko na naman siya. Na-nakakatakot ang itsura niya" hinihimas ng nagbabantay sa akin ang aking likod.
"Lea, napanaginipan mo ba ay yung gabing naglalaro kayo ng taguan?" tumango ako sa kanya, nagulat ako sa biglaang pagbabago ng kanyang reaksyon.
"Edi nalaman mo na rin na ikaw talaga ang pumapatay sa mga bata sa ating lugar?"
"H-ho?"
"Lea, ang nakikita mong bebaeng walang muka ay ikaw"
Gulat at takot ang bumalot sa akin. Hi-hindi, paanong magiging ako iyon? Paano nangyaring ako iyon gayong hinahabol niya rin ako.
"H-hindi, hindi yan totoo!!! AHHHHHH" napahawak ako sa aking ulo ng bigla na lamang maraming memorya ang pumasok sa aking isipan.
"N-no" tuloy-tuloy ang pag-agos ng aking luha.
"Sa bawat taguan na nilalaro niyo, ikaw palagi ang taya at kasabay ng paghahanap mo sa kanila ay walang habas mo silang isinasaksak hanggang sa mamatay" h-hindi, h-hindi ako yun.
Sa bawat napapanaginipan ko, ang sarili ko lang pala ang kinakatakutan ko.
Ang taong walang muka sa panaginip ko ay ako lang pala mismo.
"Magpagaling ka at pagbayaran ang mga ginawa mo"
Walang imik akong tumingin sa labas, mapapansin ang pagdilim ng paligid tanda na gabi na naman.
- - - - THE END - - - -

BINABASA MO ANG
ESHANG : COLLECTION OF ONE-SHOT STORIES
Kısa HikayeHighest Rank Achieve: #364 in Random One-shot stories, short stories, dagli and etc.