SCHOOL YEAR END

34 1 0
                                    

Anna Mae Dizon.

Ilang linggo na lang ang bibilangin ay matatapos na ang school year 2018-2019.

Ilang linggo na lang ay muli na kong yayakapin ng bakasyon at iiwan ng mga proyekto, literatura at ng mga bagay na sobrang nag pa stress sa buhay ko.

Napangit ako habang pinag mamasdan ang mga kaklase ko, ilang linggo na lang ay hindi ko na makikita ang mga nakakabwiset nilang pagmumuka--- joke.

Hindi ko maiwasan na hindi sila mamiss paano puro sila mga baliw.

Yung kaklase mong pala hingi ng papel at pulbos.

Yung palahiram ng panulat.

Yung timawa.

Yung madaldal.

Yung palaging nangongopya.

Yung maraming hugot sa buhay.

Yung bitter.

Yung laging late.

Yung minsan lang makita.
At ang huli...

Yung kaklase mong nagpapasaya sa buong klase kahit mismo siya ay hindi masaya.

Marami akong natutunan ngayong taon. Marami akong ala-ala na hinding hindi ko makakalimutan.

"Uy Anna, ano yang sinusulat mo? Love letter?" syempre hindi rin mawawala ang pakialamera mong kaibigan at ang iba mo pang chismosang kaklase.

"Wala, nagsusulat lang ako ng notes" tinignan niya lang ako saka umupo sa tabi ko.

"Oh! Pinabibigay ng may crush sayo" pagkaabot ko ay bigla na lang siyang umalis.

Nasabi ko bang ang best friend ko ay lalaki? Ngayon alam nyo na.

Dear Anna,

Malapit ng matapos ang school year, hindi man lang ako makapag pakilala sayo nahihiya kasi ako. Tignan pa lang kita mula sa malayo ay para ng nangangarera ang puso ko, alam kong sobrang cheesy nito pero ito kasi talaga nararamdaman ko eh. Okay lang ba kung magkita tayo ngayon sa GVS Building, 2nd floor? Hintayin kita.

May Crush Sayo.

Hindi naman siguro masama na tignan kung sino itong lalaking may lihim na pag tingin sa akin. Matatapos na rin naman ang school year hindi na ako maiilang kasi hindi ko naman na siya makikita.

Pagdating duon ay natigilan ako, siya ba ang lalaking may lihim na pagtingin sa akin?
Ang likod niya ay sobrang pamilyar, malamang kilalang kilala ko siya eh.

"Vince.." pabulong na ani ko sapat para marinig niya, humarap siya sa akin ng may ngiti sa labi at ang mga mata niya ay hindi mapalagay na para bang naiilang o nahihiya.

"Ikaw.." hindi iyon patanong, dahil naman halatang siya iyon.

"Oo ako nga, Anna. Pasensya na kung matagal kong inilihim sayo, ayoko lang namang masira ang pagkakaibigan natin dahil lang sa nararamdaman ko" tama ang narinig nyo...

ESHANG : COLLECTION OF ONE-SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon