ARCHARIE MIE GREGO
Sobrang hirap na hirap na ako sa buhay, lahat ng problema sa akin na ata lahat ibinaksak.
Nung nakaraan napaalis ako sa inuupahan ko dahil may mas malaki raw na magbabayad ng upa double pa sa binabayaran ko. Sobrang inis na inis ako nun dahil hindi man lang naisip nung may-ari na paano ako? saan ako matutulog nun?
Gabing-gabi pinalayas ako? Kasi ano? Kailangan na raw nung may mas malaki ang babayaran? Babae ako, hindi niya ba naisip na posibleng marape ako?
Iritang-irita ako pero wala akong magawa kundi mag ligpit kasi no choice eh, wala kang karapatan kasi nangungupahan ka lang.
Sumunod nun pag-alis ko, aba naman kapag tinamaan ka talaga ng malas may nang snatch pa ng bag ko at kapag malas ka talaga ang nakalagay dun yung phone ko at natitirang pera ko para sa araw na yun.
Hindi ko talaga alam gagawin ko nun at dahil wala naman na kong pera natulog ako sa may plaza.
Kinaumagahan nun nakiligo lang ako sa bahay na malapit sa plaza buti na lang at mabait sila, nandun na rin naman ako sinulit ko na pagiging mabait nila nakigamit na rin ako ng shampoo, sabon at tuwalya nila.
Pagpasok ko sa trabaho ko isang kamalasan na naman ang natanggap ko....
Tanggal na raw ako sa trabaho kasi may mas magaling daw sakin.
Sobrang sama ng loob ko, sobrang bigat ng pakiramdam ko.
Imagine wala ka ng bahay, wala ka ng pera, wala ka ng cellphone tapos ngayon wala ka pang trabaho. Ano saan na ko dadalhin nito?
Wala kong choice nun kundi umalis na lang kasi wala naman akong magagawa trabahador lang maman ako.
Ngayong araw na to panibago na namang kamalasan. Yung mga akala kong mabait na nagpaligo sakin tapos nag patuloy sa bahay nila mga masasama pala, kinuha nila mga gamit ko tapos umalis sila. Nakakabadtrip diba?
Lumaki kasi ako na walang magulang, pinagtabuyan ng mga kamag-anak kasi ano? Walang mapapala sakin kasi wala naman akong pera, wala silang mahuhuthot sakin dadagdag lang ako sa palamunin nila.
Wala e, kadikit ko talaga ang malas. Nakakainggit kung buhay lang sana ang mga magulang ko hindi siguro ako ganito ngayon.
- - - -
"Ine" napalingon ako sa matandang babae na tumawag sa akin.
"Bakit po La? Uunahan na po kita La, wala po akong maibibigay sa inyo pasensya na ho" inalis ko ang tingin sa matanda at muling ibinalik ang atensyon ko sa mga paninda.
"Hindi ganun ine, gusto ko sanang imbitahan ka sa simbahan mamayang alas-otso ng gabi" muling nakuha ng matanda ang atensyon ko.
"Simbahan po? Wag na ho La, baka masunog lang ako haha" ngumiti siya sa akin bago muling nag salita.
"Ine, hindi ka naman masusunog kapag pumasok ka sa simbahan. Bakit hindi mo subukan?" napakunot ang noo ko, oo nga naman wala naman sigurong mawawala sakin kung susubukan ko.
"Sige po La, mamayang alas-otso asahan nyong pupunta ako sa simbahan" nginitian ko siya at ganun din naman ang ginawa niya saka umalis.
- - -
"Ine, halika dito ka sa tabi ko" ngumiti ako sa kanya saka tumabi.
"Ang ganda po pala sa loob ng simbahan, ngayon lang ako nakapasok dito" sa edad kong to ngayon lang ako nakapasok sa simbahan.
Sinisisi ko kasi ang lumikha sa lahat ng kamalasan na nangyari sa buhay ko kaya ni minsan hindi ko binalak na pumasok sa simbahan.
"Hayaan mong pumasok sa puso mo si Jesus at magiging magaan ang pakiramdam mo" nginitian ko lamang siya dahil magsisimula na ang misa.
- - -
Pagkatapos ng araw na iyon, nang muli kong tanggapin ang lumikha ay nagbago muli ang pananaw ko.
Akala ko ginawa niya lahat ang problema na iyon para pahirapan ako pero hindi.
Ginawa niya iyon para mas maging matatag ako at malaman kung ano talaga ang meron sa mundong ito.
Akala ko hindi na ulit ako magiging masaya pero nagkamali ako.
Nang tanggapin ko siya sa buhay ko ay muling nagkakulay ang patay kong mundo. Simula ng araw na nakilala ko siya ay nakita ko ang tunay na mundo.
Akala ko hanggang dulo ay nakakabit sa akin ang salitang malas pero mali ako.
Dahil simula ng araw na yun palagi ng maayos ang buhay ko.
Nagkaroon ako ng asawang lubos na nagmamahal sa akin. Nagkaroon ako ng mga anak na nagpapasaya sa akin.
Lubos akong nagpapasalamat sa Ama na siyang lumikha ng lahat sapagkat muli niya akong binigyan ng pag-asa para mahalin at maging masaya.
Hindi man naging maganda ang umpisa ng aking istorya naging masaya naman ang wakas nito.
Patuloy pa akong sasaya kasama ang nabuo kong pamilya.
Nagpapasalamat ako kay Lola na nagpakilala sa akin sa Diyos.
Hindi ako perpekto, maraming pagkakamali. Maraming karanasan na hindi maganda pero binigyan ng masayang pagwawakas.
Sa huli ang masasabi ko lang para sa lahat ay...
'HINDI MAN MAGANDA ANG NAGING SIMULA NG INYONG ISTORYA SA BUHAY AY HUWAG MAWAWALAN NG PAG-ASA SAPAGKAT ANG BAWAT PROBLEMA AT KAMALASAN NA INYONG TINATAMASA SA NGAYON AY BAHAGI LAMANG NG PAGSUBOK UPANG SUBUKIN ANG INYONG KATATAGAN. TANDAAN NA ANG KAAKIBAT NG PAGHIHIRAP AY KASAGANAHAN, HINDI KA MAN MASAYA NGAYON MALAY MO BUKAS MAY DUMATING NA TAO UPANG PASAYAHIN KA AT IYON AY ANG ATING AMA. GAGAWA SIYA NG PARAAN PARA MAS MAGING MAGANDA ANG IYONG KINABUKASAN'
Sana maging aral ang aking istorya sa bawat isa. Huwag wakasan ang buhay dahil sa dami ng problema bagkus ay lumapit sa kanya at ibulong lahat ng iyong saloobin.
Gagaan ang iyong pakiramdam kasabay nun ay kaya mo ng harapin ang lahat ng problemang sayo'y ipapataw.
-----
THE END

BINABASA MO ANG
ESHANG : COLLECTION OF ONE-SHOT STORIES
Historia CortaHighest Rank Achieve: #364 in Random One-shot stories, short stories, dagli and etc.