Uumpisahan ko ang istorya nating dalawa sa kung paano tayo nagkakilala at kung hanggang saan humatong ang samahan nating dalawa.
"Isang magandang araw, binibini" una mong bati sa akin nung ako'y nakaupo sa tapat ng tindahan na pagmamay-ari nyo pala.
"Isang magandang araw din sa iyo, ginoo" nahihiya kong pagbati sayo sapagkat hindi naman tayo ganong magkakakilala, nginitian mo ko at ganun din naman ako sayo.
Simula ng araw na yun ay lagi tayong magkasama, sa pagpasok sa iskwela hanggang sa pag-uwi. Marami na ngang nagtataka sa kung anong meron sa ating dalawa ngunit binabalewala na lamang natin sila sapagkat wala naman talagang namamagitan sa atin at hanggang mag kaibigan lang talaga tayo.
Uumpisahan ko ang istorya sa kung paano mo ko pinasaya ng lubos at sa kung paano mo ko pinakilig.
"Reika, may ibibigay ako sayo" hindi ko alam kung kailan nagsimula ang biglang ganitong pakiramdam ko na kapag nandyan ka'y bumiblis ang tibok ng aking puso.
"Ano iyon?" tanong ko sayo at agad ka namang lumapit sa akin at ibinigay ang sinasabi mong regalo mo sa akin.
"Kwintas?" gulat kong tanong sa iyo at tumango ka naman.
Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng araw na iyon, hindi mo alam kung gaano kita gustong yakapin nang araw na iyon dahil sa labis na saya at dahil sa labis na kilig na nadarama.
Uumpisahan ko ang istorya sa kung paanong unti-unti mong winasak ang puso ko kasabay ng unti-unting pagpatak ng mga luha ko.
"WAG KANG MAG-INARTE REIKA! KAIBIGAN LANG KITA KAYA WAG KANG UMAKTONG MAY NAMAMAGUTAN SA ATING DALAWA" galit ka ng araw na yun dahil pinagsabihan kita na hindi ka nababagay sa babaeng nais mong ligawan.
"Ha-hanggang d-dun la-lang b-ba ta-talaga ta-tayo" hirap na hirap akong magsalita hindi dahil sa kinakabahan ako kundi dahil tumatangis na ako.
Hindi mo man lang naramdaman na ako'y may pagtingin sayo, ni hindi mo man lang naramdaman na ako'y umiibig na sayo.
"TANGA KA BA REIKA HUH!? MAGKAIBIGAN LANG TAYO HANGGANG DUN LANG YUN" pagbanggit mo nun ay umalis ka, iniwan mo ko.. iniwan mo kong tumatangis at sobrang nasasaktan.
Hindi ko alam kung bakit at kung paano natapos ang pagkakaibigan namin siguro nga, siguro nga'y masyado lamang akong umasa na gusto niya rin ako. Ang hirap pa lang mahulog sa taong malabo kang mahalin pabalik.
Uumpisahan ko ang istorya mo at istorya ko, hindi naman ata naangkop kung ang uumpisahan ko ay ang TAYO dahil hindi naman umabot ang ikaw at ako sa salitang iyon.
Hindi ako sanay na wala ka sa tabi ko pero pinipilit ko dahil kasalanan ko, kasalanan ko kung bakit ka unti-unting lumalayo sa akin. Ang hirap pa lang makita ka na may kasamang iba yung tipong iba na ang nagpapasaya sayo at iba na rin ang pinapatawa mo.
Ako dapat yun e, ako dapat yung nasa tabi mo yung kasabay mo pagpunta ng iskwela at kasabay mo sa pagkain at pag-uwi. Kasabay mo sa biruan at harutan, ang hirap pala ng ganito.. ang hirap pala na wala ka sa tabi ko.
Minsan ba ay naisip mo ako kung kamusta na ba ako o kung masaya ba ko habnag wala ka sa tabi ko? Naiinis nga ako sa sarili ko sapagkat kahit anong sabihin kong ayaw o na sakin ay ang puso ko'y umaasa pa rin, umaasa paring papansin mo ko hindi dahil sa gusto mo ko kundi dahil namimiss mo na ko bilang best friend mo.
Uumpisahan ko ang istorya ng pagkakaibigan natin na tuluyan ng naglaho.
Hindi mo na napansin na lumipat na kami at tila wala kang paki. Oo nga naman, paano ka magkakapaki sa katulad kong kaibigan mo lang naman? Pinipilit kong hindi masaktan pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay lagi kong naalala ang mga ginagawa nating dalawa kasabay ng pagkanta natin ng paborito nating kanta.
Marami tayong mga ala-ala , mga ala-alang hindi na maibabalik at hindi na mababalikan pa.
Sumulat ako sayo dahil nabalitaan kong sinaktan ka ng nobya mo, ipinagpalit ka sa iba pero nagmamakaawa kang balikan ka.Ganun pala talaga kalakas ang tama mo sa kanya, ano ba ang meron siya na wala sa akin? Ano bang meron siya para siya lang ang makita mo?
IKAW AT AKO, MAGKAIBIGAN NA BINALEWALA MO LANG PARA SA BABAENG IYONG MINAMAHAL. AKO, AKO ANG KAIBIGAN MONG LAGING NARITO AT IKAW, IKAW NA NAWALA SA TABI KO.
Uumpisahan ko ang istorya kung saan nag wakas ang lahat at siguro nga ay hindi na ito muli pang masisimulan sapagkat ito na ang katapusan.
PAALAM KAIBIGAN, HANGGANG DITO NA LAMANG AKO SAPAGAKAT HINDI KO NA KAYA ANG MGA SAKIT NA PINADAMA MO PATAWARIN MO AKO SA AKING PAGLAYO. WALA MAN AKO SA TABI MO , PALAGI MO NA LAMANG TATANDAAN NA NANDITO AKO BILANG KAIBIGAN MO.

BINABASA MO ANG
ESHANG : COLLECTION OF ONE-SHOT STORIES
ContoHighest Rank Achieve: #364 in Random One-shot stories, short stories, dagli and etc.