MULA SA MALAYO

42 2 0
                                    


Sa hindi kalayuan ay nakatanaw ako sa kanya, ang mga mata ko'y nagsisimula na naman sa pagkinang at ang dibdib ko'y muli na namang nagkakarerahan. Ang mga ngiti nyang kay sarap pagmasdan, ang mga pagtawa niyang kay sarap pakinggan.

Jerome iyan ang aking ngalan, labing walong taong gulang na nangangarap na maabot ang babaeng aking napupusuan.

Masyadong mataas ang antas ng buhay nila samantalang ang buhay namin ay lagapak. Minsan pa nung makita ko siyang namimili sa palengke ay grabe ang kanyang mga gwardya kung magbantay sa kanya. Mahinhin, mabait at hindi maarte iyan ang nagustuhan ko sa kanya bilang isang babae.

Paano nga ba niya ko magugustuhan kung hanggang ganto lamang kababa ang antas ko sa buhay.

Tinatanaw ko lamang sa malayo ang kanyang ganda, tinatanaw sa malayo ang babaeng labis sa akin ay nagpapasaya. Nabalitaan kong may nobyo na siya labis ang paghihinagpis ko noon pero ano nga naman ang magagawa ng isang tulad ko, ano nga naman ang magagawa ko e hindi ko naman siya pagmamay-ari at hanggang dito lang ako.

"Siya ang babaeng aking napupusuan ngunit ang kanyang puso'y sa iba na nakalaan." napangiti ako sa aking binanggit at muli'y tinignan siya mula sa malayo habang unti-unting mawala siya sa aking paningin kasabay nun ang pag-alis ko sa lugar kung saan lagi ko siyang inaantay at inaabangan.

ESHANG : COLLECTION OF ONE-SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon