MAHAL

52 1 0
                                    

His POV

"Naalala ko pa yung una nating pagkikita, yun yung oras na nabangga kita at halos lahat ng gamit mo ay nagkalat walang bakas ng inis o galit sa muka mo na pinagtaka ko nun. Pinulot mo lang lahat ng gamit mo, tumulong ako sayo at inabot iyon, ngumiti ka lang sa akin at saka umalis.

Simula nung araw na iyon hindi ka na mawala sa isip ko, lagi kang hinahanap ng mga mata ko. Yung tipong masilayan ko lang ang muka mo'y kumpleto na ang araw ko.

Ilang buwan ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin sayo kung ano talaga ang nararamdaman ko. Umamin ako sayo, sa harap ng mga kaklase mo. Kabang-kaba ako nung mga oras na iyon dahil naka kunot ang mga noo mo habang pinakikinggan ang mga sinasabi ko.

Lahat ay nakatingin sayo pagkatapos kong sabihin lahat ng nais kong banggitin, ako naman ay hindi alam ang gagawin lalo na nung bigla kang ngumiti.

"Ikaw yung lalakeng naka bangga ko noon hindi ba?" naalala mo pa pala ang araw ng una nating pagkikita, tumango ako sayo at mas lalo kang gumanda ng ngumiti ka.

"Sige papayagan kitang manligaw" yung kaba sa dibdib ko napalitan ng saya, na sa sobrang saya ay nayakap kitang bigla na ikinatawa mo.

Bawat sigundo, minuto, oras at araw ay lagi kong pinapakita sayo kung gaano ako kaseryoso dayo. Yung makita ko lang ang ngiti mo sa bawat effort na ginagawa ko ay labis-labis na ang kasiyahan ko.

Hanggang sa isang araw ay nag-usap tayong dalawa. Iba talaga ang epekto mo sakin, makita lang kita labis na ang kasiyahan ko.

"Pinapangako ko kapag naging tayo mas magiging ma effort ako at ipaparamdam ko sayo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko" malapad ang ngiting ginawad mo sa akin at ganun din naman ako sayo.

"Ipangako mo lang sa akin na magiging matatag at malakas ka ay ayos na sa akin" tumingin ako sayo na may pagtataka, ngumiti ka sa akin ng malapad.

"Sinasagot na kita" para akong sinampal ng kasiyahan hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na iyon.

Sa bawat araw at buwan na lumilipas mas lalo ko sayong pinaramdam ang sobra kong pagmamahal sayo, yung tipong kahit sigundo ay sinusulit ko.

Hanggang sa dumating ang hindi inaasahan, may sakit ka pala bakit hindi mo manlang sinabi? Kung hindi ka pa na ospital hindi ko pa malalaman. Yun na ata ang pinakamasakit na nangyari sa akin, ang malaman na may stage 3 cancer ka.

Hindi kita pinabayaan kahit nasasaktan ako kasi nakikita kitang nahihirapan patuloy parin kitang inaalalayan at inaalagaan dahil pinangako ko sayo na magiging malakas at matatag ako para sayo.

Nakikita ko kung paano ka lumalaban sa sakit mo hanggang isang araw...

Hindi mo na kaya, nakatingin ka sa akin habang lumuluha para bang humihingi ka ng tawad dahil iiwan mo na ako. Hindi kita halos matignan dahil napaka sakit nun sa dibdib ko.

Akala ko yung malaman kong may cancer ka ay ang pinakang masakit sa buhay ko pero hindi pala, meron pa pala at iyon ay...

Ang pagkamatay mo" hindi ko alam pero wala pang luha ang pumapatak sa mata ko matapos kong ikwento ang istorya naming dalawa habang nakatingin sa kabaong niya.

"Mahal, isang taon na natin ngayon. Ilang araw na lang pala no tapos bigla mo kaming iniwan pero okay lang mahal dahil alam ko na hindi ka na mahihirapan. Mahal na mahal kita" lahat ng tao sa paligid ay tuluyan ng umiyak at ako na kanina pa nagpipigil ay bigla na lang bumagsak, wala na kong nagawa kundi ang humagulgol.

Sobrang hirap, sobrang bigat hindi ko na alam parang ngayon lang bumagsak sakin lahat ng sakit.

Muli kong tinignan ang kabaong niya bago umupo.

Mahal lagi mong tatandaan na ikaw at ikaw lang ang natatanging babaeng mamahalin at mamahalin ko...

magpakailanpaman.

- THE END -

ESHANG : COLLECTION OF ONE-SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon