SALUBONG

42 2 0
                                    

Sa hindi inaasahan ay muli tayong magkakasalubong, napasaya nito ang puso ko na labis ang bilis ng pagtibok. Napahinto ako't nilingon ang iyong likuran, nag patuloy ka lamang sa paglalakad samantalang pinahinto mo ang paligid ko sa simpleng pag daan sa harapan ko.

Sinundan kita ng tingin, andami talagang kababaihan ang sayo'y nahuhumaling, muli kitang sinulyapan at saka muli'y nagpatuloy sa paglalakad.

Ano ba ang ginawa kong kabutihan upang ako'y pasayahin ng ganito, sapagkat sa pangalawang pagkakatao'y magkakasalubong na naman si ikaw at ako. Ito ata ang plano ng tadhana upang ako'y makapagtapat na sayo.

Buong lakas akong bumuntong hininga dahilan para mapahinto ka't mapatingin sa akin, ang mga mata mo'y nangungusap na tila ba nag-aalala.

Lakas loob kong tinitigan ka at unti-unting binuka ang labi ko kasabay ng pagbanngit na "Gusto kita" parang nabingi ang tenga ko sa bilis ng tibok at ingay ng puso ko.

Hindi ko alam ang gagawin, hindi ka nagsalita bagkus ay ngumiti ka lamang at nagdiretso sa paglalakad, muli'y nagpakawala ako ng buntong hininga hindi dahil para magpapansin kundi dahil sa labis na saya.

Ano ba ang plano ng Diyos sa akin? Ano ba ang gusto niyang iparating?

Magkakasalubong na naman tayo kung kanina'y sa paligid ka lang nakatingin, ngayo'y diretso lamang na tila nakikipagtitigan ka sa akin.

Huminto ka sa paglalakad ng malapit ka na sa harap ko dahilan para mapahinto rin ako't mapatingin sayo. Unti-unti kang yumuko at itinapat ang bibig mo sa tenga ko kasabay ang pagbanggit ng salitang "Gusto rin kita."

Hindi ko magalaw ang mga paa ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso kong tila hindi alam ang gagawin dahil sa labis na saya.

Ngayo'y hindi na tayo magkakasalubong sapagkat araw-araw na tayong magkakasabay habang mahigpit ang kapit sa ating mga kamay. Nakangiti nating binabagtas ang daan na tila walang pakialam sa kung sino man ang nakatingin o nakakakita.

Ngayon alam ko na kung bakit tayo'y laging nagkakasalubong hindi dahil iyon ang gusto ng tadhana kundi dahil ito'y iyong sinadya.






-
Ate Eshang: Wahh wala akong maisip na title e so pagbigyan hahaha :) Dagli ata tawag sa ganyan e o spoken na hahaha charot. Enjoyyy

ESHANG : COLLECTION OF ONE-SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon