Chapter 1

8K 156 15
                                    

Callix's POV



"Daddy bilisan po natin."hinila ako ni Callia palabas sa pinagbilhan namin ng cake.

Linggo ngayon,maraming tao.buti nalang at hindi sumama si Calli kundi ay nahirapan na ako.

"Mommy."sigaw ni Callia ng makalapit kay Klea sabay yakap.

Ngumiti ang asawa ko,hindi ko napagilan ang mapangiti rin sa kilos niya ngayon. Hindi siya nagwala,hindi rin nagalit, at ngumiti ganyan siya palagi sa mga anak niya pag dating sa akin inaatake siya ng sakit.

"Mommy look..I have something for you.." lumingon siya sa akin at muling humarap sa ina. "We have something for you.di ba daddy?" Ngumiti ako at tumango kay Callia.

"Thank you."she smiled again to Callia.

Miss na miss ko na ang dating Klea,ang asawa ko,ang pinakamamahal ko. lahat ay ginagawa namin para bumalik lang alaala niya.

"Callix,we need to talk." Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Zara galing sa aking likod. sumulyap ako kay Klea at naabutan ko siyang nakatingin sa amin at agad na nag iwas ng tingin gamit ang galit na ekspresyon.

Hindi na ako nagtanong kung bakit. Alam ko na kung tungkol saan ito.

Sumunod ako sa loob ng bahay kung saan naroroon si Kenjie.l,nakatayo siya at nakapamulsa.alam ko hanggang ngayon disappointed siya sa mga nangyayari.

"So ano to?tinanggap mo na dito ulit titira sa Samantha sa inyo? Callix. ano ba!!!ganyan na nga ang nangyayari sa asawa mo tapos iuuwi mo dito ang anak-anakan niyo ng babaeng dahilan kung bakit nawalan ng ala ala si Klea."galit na sabi ni Zara.

dumating si Russ,kasama si Ivan at Brenz naupo sila sa sofa na nasa harap ko.tahimik at mukhang dismayado.

"Walang kasalanan ang bata---"

"Pero ang nanay niya meron."matigas na pagputol ni Kenjie sa sasabihin ko sana.

"Siya ang alaala ng mommy niya.sa tingin mo ba mas mabilis bumalik ang memorya ni Klea kung nakikita ito araw-araw?" Si Brenz.

"Sa kambal.do you think okay lang ito?" dugtong ni Russ.

Alam kong hindi ito madali para sa aming lahat.sa pamilya ko,kahit sa akin. Nasa gitna ako ng sitwasyon na hindi ko alam kung paano ko hahawakan ang mga nangyayari.

"Papayag ang kambal.alam ko,maiintindihan nila ito.."huminga ako ng malalim bago sabihin iyon,kahit hindi ko totoong anak si Samantha napamahal na ito sa akin.hindi ko siya kayang ipaalaga sa taong hindi ko ganon ka lubos na kilala.

"Mukhang hindi na magbabago ang isip mo."iniling ni Ivan ang ulo ng sabihin iyon.

May mga oras na gusto ko ng sumuko,pagod sa kakaisip ng mga nangyayari at nanghihina na.But I'm still lucky na nariyan parin ang pamilya at mga kaibigan ko para gabayan ako para kay klea at sa kambal.

Simula ng mamatay si Kiarie sa pag kidnap ng kambal,kasabay noon ang paglimot ni Klea ng ala-ala niya.isang buwan na ang nakalipas at ngayon nakiusap ang mommy ni Kiarie na iwan sa akin si Sam,hindi niya kaya ang depresyon lalo na't nahatulan din ng panghabang buhay na pagkakakulong si Mr.Zaavedra.

"Ahhhhh.ayoko! ayoko niyan."sigaw ni Klea.

"Mommy..kumain ka na po."si Calli.

Mabilis akong lumabas sa opisina ko ng marinig ang sigaw ni Klea at Calli,buti nalang at may speaker na naka konek dito sa akin galing sa kabilang kwarto.

I Wanna be your MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon